Mga potensyal na suspect sa pagkamatay ni Christine Dacera, inilabas na! - Teachers ng Pinas
Viral ngayon sa internet ang insidenteng nangyari sa isang flight attendant matapos na magcheck-in sa isang hotel sa Makati. Natagpuan na patay ang dalagang si Christine Dacera matapos na siya ay ma-gang-rape ng mga kasamahan nito.
Nagalit ang mga netizens at gigil na gigil matapos nilang malaman na ang mga potensyal na suspect pa ay ang mga kanyang kaibigan, kasamahan sa trabaho at bestfriends nito.
Ayon pa sa Nanay ng biktima, ang paalam sa kanya ng anak niya ay may aattendan lang daw siyang year-end party ng kaniyang pinagtatrabahuan.
Ayon rin sa hindi pa pormal na imbestigasyon ng mga pulis, nakitang may sugat ang bandang paa ng dalaga kung kaya't ang naging motibo agad sa kasong ito ay ang panggagahasa.
Sa kabilang banda, hindi naman matanggap ng magulang ni Christine ang nangyari sa kanya at hinding-hindi raw papayag ang Nanay nitonns hindi siya mabigyan ng hustisya.
Samantala, ang mga netizens naman ay nagpepetisyon na ibalik ang "death penalty" matapos ang insidenteng ito. Gusto nilang mamatay ang mga sangkot sa kasong ito.
Sobrang laki ng galit, puot at paghihinagpis ang naramdaman ng mga magulang ni Christine. Gayunpaman, ito sana ay magsilbing paalala sa atin na mag-ingat sa pagsama at pagpili ng mga taong kinakaibigan natin.
Nawa'y makamit ng pamilya Dacera ang hustisyang binubulong nila. Kaming lahat ay nakikiramay po sa inyo.
Narito naman ang buong detalye sa mga potensyal na sangkot sa kasong ito:
0 Comments