Luncheon meat na Liberty brand, ipis pala ang flavor! - Teachers ng Pinas

 Luncheon meat na Liberty brand, ipis pala ang flavor! - Teachers ng Pinas


Ibinahagi ni Ruth Capulong ang kanyang naging experience matapos niyang bumili ng Luncheon Meat na ang brand ay Liberty at matapos niyang buksan ang lata nito ay gumulantang sa kanya ang dumi ng produkto niyang nabili na may nakapaloob pa ditong ipis!




Nang siya raw galing sa palengke para bumili ng kanyang ulam, siya raw ay nagmamadali na magluto at naisipan na lutuin ang nabili niyang Luncheon Meat na de lata! Agad niya itong binuksan para lutuin at nang mahiwa niya na ang mga ito, ay nagulat at naduwal siya sa nakita niyang IPIS sa loob ng nasabing produkto! 




Kung kaya't siya ay hindi nag-alanganin na ikalat ang nakakatakot na experience niyang ito sa kanyang social media account para magsilbi na ring paaalala sa iba pang konsyumer na tingnan ng mabuti ang mga niluluto nating produkto bago ito lutuin! 




Viral ang post ngayon at may 1k+ reactions na at 100+ comments at 1k shares ang nasabing post ni Ruth. 

Narito naman ang buong post ni Ruth:

LIBERTY na brand..paki ayos ng gawa nyo...maging aware Naman kayo pagkain yan..maraming malalason nyan..Sana maging malinis kayo s paggawa...




Ikaw kapatid, mahilig ka ba kumain ng mgs processed food? Ingat! ~ 

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments