Lalaking nasa likod ng viral video na pinagmumura at akmang sasaksakin ang delivery rider, humingi ng tawad! - Teachers ng Pinas

 Lalaking nasa likod ng viral video na pinagmumura at akmang sasaksakin ang delivery rider, humingi ng tawad! - Teachers ng Pinas




Ang lalaking viral sa likod ng live-video stream na pinagmumura ang isang delivery rider na kung saan akma pa niya itong kinuhanan ng kutsilyo at gustong saksakin matapos na tiwagan siya ng rider kasi dumating na ang kanyang item na order sa isang sikat na Shopping Mall sa online.

Ang batang lalaki pala na ito ay may anak na at asawa, humihingi ng patawad ang lalaking ito matapos siya makatanggap ng mga death threat sa kahit-sinong mga mamamayan. 



Ayon pa sa kanyang live-video sabi niya: 

"Dala lang po ng pagod galing sa trabaho 'yon at pinagsisihan ko po 'yon."

"Inaamin ko naman po na mali ko talaga at humihingi po talaga ako ng kapatawaran para sa mga drivers din natin diyan, sorry po talaga." 

"Marami po kasi akong problema ngayon talaga, galing pa po ako sa trabaho non at pagod na pagod talaga ako." 

"Naapektuhan na po kasi ang pamilya ko at marami pa ang naapektuhan." 



Ito ang mga sanaysay ng lalaking ito sa kanyang public apology habang binabanggit ang mga salita na paawa at umiiyak. 

Dagdag niya pa, nagkausap naman na daw sila ni Tatay at pinatawad na daw kako siya nito. Sabi pa 'di umano ni Itay, trabaho lang daw ang ginawa niya at okay na daw sa kanya 'yon.

Gayunpaman, pinagtatawanan ang lalaking ito matapos niyang inilabas ang kanyang naturang video. Kalat na ang pagmumukha ng batang ito sa Pinas at marami na rin daw 'di umano ang naghahanap sa kanya para mabigyan ng leksyon! 

Narito ang naturang video: 


Ano naman ang masasabi mo dito kapatid? Dapat bang bigyan ng leksyon ang mga taong kagaya niya o dapat bang patawarin na lang? Padala mo naman ang pahayag mo sa ibaba! 

/via Teachers ng Pinas




Reactions

Post a Comment

0 Comments