Joshua Garcia, posibleng lumipat ng channel matapos ang ABS-CBN shutdown? - Teachers ng Pinas

 Joshua Garcia, posibleng lumipat ng channel matapos ang ABS-CBN shutdown? - Teachers ng Pinas





Sa isang video na inupload ni Enchong Dee, na may pinamagatang "HONEST QUESTIONS WITH JOSHUA GARCIA". Nagkaroon ng pagkakataon ang aktor na magsabi ng katotohanan patungkol sa isyu ng ABS-CBN na kung ating maaalala ay nagsara na. 

Tanong pa ni Enchong Dee, "Noong kasagsagan ng ABS-CBN shutdown, what were your worries?"

"Sabi kasi ni Joshua sa akin noon, I support ABS-CBN pero hindi talaga siya yung tipo ng taong would go out there, would voice-out and rally. But, 100 percent ang suporta niya sa lahat ng Kapamilya natin." - Enchong Dee



"..nung una kasi siyempre hindi ko nakikita yung side na 'yon and I have to understand and to accept the fact na iba-iba tayo."

"that, if I am vocal someone could be not... and ayun yung position mo. What were your worries about that time?"

At ito naman ang sagot ni Joshua sa issue na 'yan, "parang tinanggap ko na rin sa sarili ko na magsasara na talaga yung kompanya,"

"na mawawala ka na ng trabaho?" - Enchong Dee

"siguro meron pa rin, mangilan-ngilan.  pero hindi na katulad ng dati na, kaliwa't-kanan yung ginagawa natin." - Joshua Garcia 

"Hindi ako pumunta doon sa mga rally-rally pero 100 percent na nakasuporta ako doon at minemessage ko pa nga sila Tita Cory, na nasa likod lang nila ako.." - Joshua 


At para sa pinaka-kontrobersyal na tanong ni Enchong, "sumagi sa isip mo na lumipat?"

"Yeah, sumagi sa isip ko, yeah. Pero hindi ko magawa, kasi ibang relationship ko ang nabuild ko kay ABS eh, parang pamilya ko sila e. Parang hindi ko kayang iwan, at mananatiling ang loyalty ko ay nasa ABS. Siguro, nadala lang ako kasi magsasara na ang ABS, tas yung pandemic pa kasi kailangan kong kumita ng pera para sa pamilya ko."

"Eventually, magiging okay din ang lahat e, I mean onti-onti." Dagdag pa ni Joshua.

Para sa buong detalye, panuorin niyo na lang sa YouTube Channel ni Enchong Dee.

Ikaw ka-chika? Anong say mo dito? 

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments