Bata, isang linggo nang kumakain ng karton bilang pantawid gutom! - Teachers ng Pinas

Bata, isang linggo nang kumakain ng karton bilang pantawid gutom! - Teachers ng Pinas


Viral ngayon sa Facebook ang isang post na nanghihingi ng tulong matapos na may makita ang isang netizen na bata na isang linggo nang kumakain ng karton bilang pantawid gutom! Talagang nakakaawa ang kanyang istorya, narito ang buong detalye! 

"Para pantawid gutom isang linggo ng kumakain ng karton



Itong kwento ng isang bata na kumakain ng karton para maibsan ang kanyang gutom, magpapaalala sa atin kung gaano tayo ka-pribilehiyo, at kung gaano tayo dapat magpasalamat kung anung meron tayo sa buhay. Matapos basahin ang nakabagbag-damdaming kwentong ito, tiyak na makakakuha ka ng mas malawak na pananaw sa buhay.



Sa Facebook, isang concerned netizen na nagngangalang Ienstien Hortal ang nagbahagi ng kwento ni John Mark, isang 16-anyos na nakatira sa mga kalye. Mabilis na nakakuha ng pansin ang istorya ni John Mark sa social media dahil maraming tao ang naawa sa kanyang mga pakikibaka.

Ayon kay Hortal, habang kumakain siya sa convenience store 7/11 sa Sampaloc, Tabay. Napansin niya ang isang bata na kumakain ng karton at nagulat siya. Naglakas loob naman si Hortal na lapitan ang bata at kausapin kung bakit karton ang kanyang kinakain.



Ayon sa bata isang linggo na daw niyang kinakain ang karton upang maitawid ang kanyang gutom dahil wala naman itong pambili ng pagkain. Kaya tinitiis niya ang pagkain ng karton.

Nagkaroon ng pag uusap sina Hortal at ang bata na si John Mark Sta Ana, naitanung ni Hortal kung nagaaral pa ang si John Mark ngunit sa kasamaang palad ay huminto na siya sa pag aaral na dapat ay graduating na siya ng ika-6 na baitang.



Natigil ang pag aaral ni John Mark dahil ipinamigay ng kanyang kuya ang kanyang mga gamit. Pito silang magkakapatid at iniwan na din sila ng kanilang mga magulang at may kanya kanya ng pamilya.
Sa pag-asa na baguhin ang kanyang kakila-kilabot na sitwasyon, ipinahayag ni JM ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang kanyang edukasyon. Maaari itong maging isang katotohanan, dahil maraming mga netizen ang nag-aalok ng kanilang tulong sa umaasa na binata. Sa social media, maraming mga tao ang nagpapahayag ng kanilang pagpagtulong upang matulungan si JM sa kanyang sitwasyon."

Sana maging thankful tayo ngayon at maging paalala sa atin ito na tayo pa rin ay blessed dahil nakakain pa tayo ng tatlong beses sa isang araw. At sana ito rin ay magsilbing paalala sa lahat sa atin na tumulong sa ating kapwa lalong-lalo na kung tayo ay merong extra. 

Tulungan lang tayo hanggang sa dumating sa punto na wala ng taong naghihirap at nagugutom! 

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments