Wilbert, inamin na mahal niya si Zeinab - Teachers ng Pinas

 

Wilbert, inamin na mahal niya si Zeinab - Teachers ng Pinas


Sa isang interview session o vlog ni Chad Kinis, naitampok niya ang isa sa mga Hashtag boys na si Wilbert Ross sa kanyang channel noong 2019. At ito ang naging opportunity kay Chad na tanungin si Wilbert kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya kay Zeinab. 


Dinirektang tanong pa ni Chad kay Wilbert ang isang maselan na tanong, "ano na ba ang nararamdaman mo kay Zeinab?" Tanong ni Chad na sinundan naman niya agad ito ng pangalawang tanong na maa specific, "mahal mo na ba siya?" 


Wala namang pagdadalawang isip na sumagot ang aktor at sabi niya, "mahal ko si Zeinab". Si Chad naman ay may halong tuwa at pagkabigla sa sagot ni Wilbert na sinamahan pa ng kilig at hampas! 


"Hindi ko narinig, sige isa pa nga? Yung malakas.."  — Chad

"Mahal ko nga siya..."


Wilbert: Oo mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya masaya akong kasama sya, sakin kase gusto ko chill lang kasi yung tao galing sa break up, galing sa stress galing sa madaming ano...sakin ayokong makadagdag sa stress nya..."


"Pero mahal mo si zeinab?" 


Wilbert: mahal ko sya..ito sasabihin ko mahal kita zeinab


At kamakailan lang, nagsapubliko ang YouTuber artist na si Zeinab Harake ng balita na siya nagdadalawang tao at ang ama nito ay si Daryl (Skusta Clee). 


Maaalalang ang dalawang ito ay may mapait na nakaraan at napublikong pagaaway. May mga salitang kinain lang ng aktres at ngayon ay magkakasama na ulit sila. 


Itong pangyayari naman ay nagbigay ng aral sa mga tao, na marapat na dapat isipin muna ang mga sasabihin bago magbitaw ng mga salita. 


Nagbigay naman ito ng dagdag pang pangunawa sa mga netizens at nakapagrealize sila ng mga bagay-bagay at isa na rito ang...


"Ito 'yung masakit e. Nandyan ka noong mga panahon na durog na durog siya, handa kang maging sandalan niya pero hindi talaga ikaw 'yung kailangan at magbubuo sa ka niya"


Ikaw kapatid, anong masasabi mo dito? 


/via Teachers ng Pinas

Reactions

Post a Comment

0 Comments