PWD, binibigyan pa rin ng trabaho ng Jollibee! - Teachers ng Pinas

 PWD, binibigyan pa rin ng trabaho ng Jollibee! - Teachers ng Pinas




Sa kalagitnaan ng pandemya ngayon, lahat tayo ay apektado. May mga bisnes na nagpapalit na ng kanila estratihiya sa pagpapalago ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng online at sosyal medya. May mga taong dating nagtratrabaho at bumabyahe sa labas pero ngayon ay nasa bahay na lang at 'work from home' na sila. 

Hindi naman natin matatanggi na meron pa rin naman mga establisyemento na tumatakbo ang kanilang bisnes pero kailangan ng minimum health protocol o ibayong pagiingat para magpatuloy sa kanilang negosyo. 

Sa kabilang banda, isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang nasaksihan na kwento na sobrang nakakatuwa na malaman! 

Narito ang buong post ni Irish Maligalig Portento Caraan:




Sa sobrang dami kong problema,.
Naisipan ko munang dumaan kay jobee at kumain muna...
Tinawag ko si kuya para mag pa refill ng gravy
Naiyamot ako nuong una kasi ngiting ngiti siya pero di naiimik...
Kaya napatingin na ako sa mukha nia at pinatingnan nia ang nakasabit
At na pa wow nalang ako

P W D

super nakaka amaze kasi nakakapagtrabaho siya
Kahit hindi siya nakakaimik
HANGANG HANGA NA TALAGA AKO KAY JOLLIBEE....
NO DISCRIMANATION😊😊😊
Kahit problemado ako ay napangiti ako dito

#jollibeemalvar
#ilovejollibee
#nodiscrimanation
#jollibee
#bidaangsaya

Sobrang natuwa lang daw talaga si Irish sa balita na ang Jollibee ay walang diskriminasyon na nangyayari sa pagtatanggap ng trabahador sa kanilang kumpanya. 

Alam naman natin na matagal nang isyu dito sa Pinas ang pagkakaroon ng Stereotype lalong lalo na sa pagtatanggap ng empleyado. Nakakatuwa lang na ang isang malaking kompanya ay may ganitong patakaran. 

Share mo ang Good news na ito sa sosyal medya, kapatid! Share the VIBES, Share the Positive Vibes! 

/via Teachers ng Pinas 
Reactions

Post a Comment

0 Comments