Tips daw para matapos ang module mo ay sunugin ito at ibigay sa teacher mo. Bastos na batang ito, viral ngayon sa TikTok - Teachers ng Pinas

Tips daw para matapos ang module mo ay sunugin ito at ibigay sa teacher mo. Bastos na batang ito, viral ngayon sa TikTok - Teachers ng Pinas


Viral ngayon sa TikTok ang isang video ng Marjo Guilaran, matapos siyang magsunog ng module niya sa pamamagitan ng pagshoot ng video gamit ang plataporma ng TikTok. 

Kung matatandaan, ay mainit na isyu ang nangyayare ngayong sa sosyal medya ang may iba't-ibang opinyon ang mga tao ngayon sa internet patungkol dito. Lahat tayo ay naghihirap at nagaadjust dito ngayon sa bagong new normal sa pagaaral.



Madaming mga estudyante ang nagpapakamatay na dahil sa stress na hatid ng module nito sa kanila. Marami na rin ang mga gurong naistress dito dahil sa mga hinaing ng mga parents at mga estudyante na iniisip nilang wala daw ginagawa naman ang mga teachers at ito daw ay hindi pantay! 



May mga tao rin na sinusulong ang 'Academic Freeze' dahil baka raw ay mas dumami pa ang mga batang nagpapakamatay dahil sa sobrang hirap nito ngayon. 

Sa kabilang banda, ang mga guro naman ay hindi sang-ayon sa sinasabi ng mga magulang at mga estudyante. Pati rin daw sila ay naghihirap rin daw dito, hindi rin daw madali ang maghatid ng mga module, magprint ng mga materials nito, mag-compile ng mga papers at mag-tala ng mga scores ng mga estudyante. 




'Wag naman daw sana na isipin na feeling ayahay o madali ang buhay ngayon ng mga guro dahil hindi rin daw madali para sa kanila ang magklase sa online o 'virtual class'.



Gayunpaman ang video na nagviral ngayon ay hindi nakakatuwa. Ayon pa sa video ni Marjo, ika pa niya, 

'Tips para matapos mo na ang module mo, sunugin mo....'

'...tapos ibigay mo yung abo sa teachers mo.' 

Madaming mga guro ang nagalit at nalungkot sa mga ganitong klaseng estudyante. Nawa'y walang mga estudyante ang gumaya sa ginawa ng batang ito! 

Sa kabilang banda, pinipilit ng aming team na makakuha pa ng ibang detalye tungkol dito sa pangyayareng ito. Nawa'y masuspend ang batang 'yan at mabigyan ng leksyon sa kanilang school at bahay. 

Ikaw Teacher, anong nararamdaman mo dito sa article na ito?

Narito naman ang naturang video:


/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments