Tatay nag-alok ng pabahay sa halagang 200 pesos daw! - Teachers ng Pinas

Tatay nag-alok ng pabahay sa halagang 200 pesos daw! - Teachers ng Pinas


Viral ngayon sa internet ang isang video ni Tatay na kuha ng isang biktima matapos siyang alokin ng pabahay ng isang matandang Tatay sa halagang 'di umano'y 200 pesos lamang! 



Naglipana ang mga mandurugas ngayong panahon at may mga taong nagsusumikap sa paghahanap buhay sa kalagitnaan ng pandemya para lang mabuhay. Ang isang matandang lalaki na ito ay halatang manloloko matapos siya ay tugisin ng mga sunod-sunod na tanong mula sa biktima niyang inaaalok. 



Sa makikita sa naturang bidyo, halatang ang lalaking nasa bidyo ay hindi alam ang kanyang inaaalok at kung ikaw ang nasa posisyon ng inalokan ay talagang alam mo na pandurugas at walang katuturan lang ang sinasabi ni tatay! 

Tinatanong ng biktima na nakilala sa pangalan na Ricky Icayan (nagbibidyo) kung sino ba talaga ang nagmamay-ari ng pabahay na 'yan. Bakit ang mura ng pabahay at taga-saan naman daw ang nagmamay-ari ng pabahay na ito. 


Pero ang mamang lalaki na nasa bidyo ay hindi makasagot at pilit na dinidiin na 'wag na itanong kasi siya lang daw dapat ang makakaalam nito. Ang lalaking nagbibidyo naman na si Ricky ay patay malisya muna at pinipiga ang kalokohan ni Tatay. 

Isang paaalala na ito para sa lahat na dapat mag-ingat sa pakikipagusap ng mga taong hindi kilala gaya ng nangyari dito kay Ginoong Ricky. 

Narito naman ang mismong video: 


Ikaw, kapatid? Anong masasabi mo dito? 

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments