Filipino Reviewer Lesson 4 Gen-ED - Teachers ng Pinas
KASAYSAYAN NG ALPABETONG FILIPINO:
1. Alibata
* Binubuo ng 17 Titik
* 14 ang katinig at 3 patiig
2. Alpabetong Romano / Kilala sa Tawag na Abecedario
* 30 Titik
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/
/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/
/te/ /u/ /ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/.
3. Abakada ( 1940)
* Binubuo ng 20 Titik
* 15 katinig at 5 patinig
/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/ /na/
/nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/
4. Noong 1971 – Dinagdagan ng 11 titik ang Abakada . Naging 31 titik lahat .
C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X AT Z
5. Noong 1987- Tinanggal ang CH, LL at RR
Sa Kasalukuyan, ang Alpabetong Filipino ay binuo ng 28 titik.
/ey/ /bi/ /si/ /si eych/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/
/ dobol el/ /em/ /en/ /enye/ /en ji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /dobol ar/ /es/
/ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/.
6. 2001 Rebisyon
7. 2009 Rebisyon
KAHULUGAN NG WIKA :
* Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig . Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika.
* Nag-ugat ang salitang WIKA mula sa wikang Malay. Samantalang salitang LENGGUWAHE ay mula Kastila. LANGGUAGE naman sa Ingles.
TEORYA NG WIKA
Bow-wow – Ang wika ay nagmula sa tunog ng kalikasan.
Pooh-pooh – Ang wika ay nagmula sa masisidhing damdamin.
Yoheho – Ang wika ay nagmula sa pwersang pisikal.
Tarara Boom Diay – Ang wika ay nagmula sa mga tunog ng ritwal.
Tata – Ang wika ay nagmula sa kumpas at galaw ng kamay.
Dingdong – Ang wika ay nagmula sa tunog ng mga bagay-bagay.
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa micro level, ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. Ang magkasintahan, halimbawa, ay nakapagpapanatili ng relasyon dahil may wikang nagiging instrumento nila ng komunikasyon. Samantala, may mga nagkakagalit o nag-aaway bunga ng miskomunikasyon o di-epektibong paggamit ng wika. Samakatwid, ang mabisang paggamit ng wika ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa dahil tayong mga tao ay mga nilikhang panlipunan. Kung gayon, ang wika ang pangunahin nating kasangkapan upang tayo’y makaganap sa ating mga tugkuling panlipunan. Ayon din sa macro-level, ang mga bansa ay nakakapag-ugnayan dahil sa wika. Iba-iba man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa rin sila ng komong wikang kanilang kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang salin-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang nagkakanlong dito at nag-iingat hanggang sa kasalukuyan. Ang mga mahahalagang imbensyong kanluran ay napakikinabangan din sa ating bansa dahil may wikang nagkakanlong sa mga iyon at naging sanhi upang iyon ay mapalaganap sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Dahil may wika, hindi kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas ng mga iyon. Paano na lang kaya kung hindi man lang naisulat o naipagsabi ni Benjamin Franklin ang pagakatuklas niya sa kuryente bago siya namatay? Marahil ay baka wala pa rin tayong kuryente hanggang sa ngayon.
3. Nagbubuklod ng Bansa. Sa panahon ng mga katipunero, wikang Tagalog ang naging daan upang mapag-isa ang kanilang mga hinaing. Tagalog ang kanilang wikang opisyal, sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila, samantalang ang mga Propagandista naman ay ng wikang Kastila, na naging wika nila sa pagpapahayag ng mga makabayang diwa sa la Solidaridad. Ano mang wika, kung gayon, ay maaaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya. Tulad na lamang ng sa Edsa I at II, wika ang daan upang magtipon ang mga Pilipino sa monumento ng EDSA upang isigaw ang nag-iisang mithiin ang pagtuldok sa pamahalaang diktadorya at mandarambong.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo niyon. Maaaring tayo’y napahalakhak o napapangiti, natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o naninibugho.Ito ang nagpapagaan ng ating imahinasyon.Sa ating isipan, nalilikha natin ang bawat larawan ng mga tagpo sa kwento o nobelang ating binabasa o pelikulang ating pinapanood. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip.
TUNGKULIN NG WIKA
1. Interaksyonal - Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
2. Instrumental - Tumutugon sa mga pangangailangan.
3. Regulatori - Kumokontrol at gumagabay sa kilos /asal ng iba.
4. Personal - Nakapagpapahayag ng sariling damdamin at opinyon.
5. Imahinatibo - Nakapagpapahayg ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
6. Heuristic - Naghahanap ng impormasyon/datos.
7. Impormatib - Nagbibigay ng impormasyon /datos.
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas. Ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan:
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa paglalagay ng hangin
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad.
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan.
8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang ka
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alpabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.tangian ng isang ganap na wika.
10. May lebel o antas ang wika.
ANTAS NG WIKA
1. Pormal
a. Pambansa
b. Pampanitikan
2. Impormal
a. Lalawiganin
b. Kolokyal
c. Balbal
BARAYTI NG WIKA
1. Dayalekto 3. Jargon
2. Sosyolek 4. Idyolek
MGA WIKA SA PILIPINAS
Tala ng mga Wika
Mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.Mga buhay na wika
Walong Pangunahing Wika
1. Tagalog
2. Cebuano
3. Ilokano
4. Hiligaynon
5. Bikol
6. Waray
7. Kapampangan
8. Pangasinense
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
1935 – Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Saligang Batas ng Pilipinas Artikulo XIV, Seksiyon 3)
Oktubre 27, 1936 – Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936 – Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang sumusunod:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang.
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto.
3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa; (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937 – Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pamabnasa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt bilang 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt bilang 333.
Nobyembre 9, 1937 – Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang siyang halos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 – Bilang alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
Hunyo 18, 1937 – Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg.333, na nagsususog sa ilang seksiyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184.
Abril 1, 1940 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.
Abril 12, 1940 – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas na paaralan at paaralang normal.
Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
Marso 26, 1954 – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang sa “Linggo ng Wikang Pambansa,” simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang araw ni Balagtas. (Abril 2).
Setyembre 23, 1955 – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa Proklama Blg.12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang sa “Linggo ng Wikang Pambansa” taun-taon, simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon. (August 19).
Agosto 13, 1959 – Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa , ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Oktubre 24, 1967 – Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
Marso 27, 1968 – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga “letterhead” ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
Agosto 5, 1968 – Memorandum Sirkular Blg. 199 na pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap, Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idinaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
Agosto 6, 1968 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
Agosto 7, 1969 – Memorandum Blg. 277 na pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
Agosto 17, 1970 – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong pinagmamay-ari o kontrolado ng pamahalaan.
Marso 4, 1971 – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 443 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa paggunita ng ika–183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 12, 1971.
Hulyo 29, 1971 – Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Agosto 13-19.
Disyembre 1, 1972 - Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17 , na nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles sa “Official Gazette” at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa ratifikasyon ng Saligang Batas noong Enero 15, 1973.
Disyembre, 1972 – Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ng Pangulong Ferdinand E. Marcos na nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang–Batas (Art.XV, Sec.3).
1973 – Sa Saligang Batas , Art.xv, Sec.3, ganito ang sinasabi:
a. Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.
b. Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Pilipino.
Hunyo 19, 1974 – Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972.
Hulyo 21, 1978 – Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semestre ng taong-aralan 1979-1980, ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim na yunit sa Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo na mananatili sa labindalawang yunit. Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga pandalubhasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura.
Agosto 12, 1986 – Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng kapangyarihang bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito, ipinahayag niya taun-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ni Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa,” ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang sa lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan, gayundin sa mga lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.
Pebrero 2, 1987 – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Article XIV, Sec. 6-9 nagsasaad sa mga sumusunod:
Sec. 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsasagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sec. 7 – Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Sec. 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon Arabic at Kastila.
Sec. 9 – Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
1987 – Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
Agosto 25, 1988 – Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensiya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya.
Setyembre 9, 1989 – Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
Marso 19, 1990 - Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
1996 – Pinalabas ng Commission on Higher Education o CHED ang Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Hulyo, 1997 – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang Buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
2001 – Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Rebisyon ng Ortograpiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
2006 – Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay-alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taon1987.
PAMBANSANG WIKA SA PILIPINAS
Dec. 30, 1937 - TAGALOG
Aug. 13, 1959 - PILIPINO
Feb. 2, 1987 - FILIPINO
______________________________________________________________________
KOMUNIKASYON – ang komunikasyon ay ang paghahatid at pagtanggap ng mensahe na kinasasangkutan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
MGA SALIK/SANGKAP NG KOMUNIKASYON
1. Pinagmulan - Tumutukoy sa tao o pangkat ng taong pinagmulan ng mensahe.
2. Mensahe - Ito ang mga bagay o impormasyong gustong sabihin , ipahatid ng nagdadala ng mensahe.
a. pangnilalaman
b. relasyunal
3. Tsanel/Daluyan - Dito dumadaan ang mensahe.
a. sensori
b. institusyunal
4. Tumatanggap - Ang tagapagbigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. (decoder) .
5. Tugon - Ito ang naging sagot ng taong iyong kausap.
a. tuwiran
b. di tuwiran
c. naantala
6. Mga Potensiyal na Sagabal - Ito ang mga hadlang sa proseso ng komunikasyon.
a. Semantika
b. Pisikal
c. Pisyolohikal
d. Saykolohikal
URI NG KOMUNIKASYON AYON SA LAWAK:
1. Intrapersonal
2. Interpersonal
3. Pampubliko
URI NG KOMUNIKASYON AYON SA PARAAN:
1. Berbal - Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasipan, damdamin o saloobin sa paraang salita
2. Di – Berbal - Ito ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa, gaya ng mga sumusunod: a. Ekspresyon ng mukha -nakikita o nababasa sa mukha kung ano ang gustong ipahayagng isang indibidwal, kung gusto, ayaw, masaya, malungkot, natatakot, nababahala, nagugulat, nasasaktan.
MGA ANYO NG DI BERBAL
1. Oras
2. Espayo
3. Katawan
a. Pananamit at kaanyuan
b. Tindig at Kilos
c. Kumpas
4. Pandama
5. Simbolo
6. Kulay
7. Paralanguage
MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON:
1. Setting (Lugar)
2. Participants (Sino ang kausap?)
3. Ends ( Ano ang layunin?)
4. Act Sequence (Takbo ng Usapan)
5. Keys ( Pormal o Impormal)
6. Instrumentalities ( Ano ang midyum ng usapan?)
7. Norms ( Ano ang paksa?)
8. Genre ( Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo? Naglalarawan?, Nagpapaliwanag?)
APAT NA MAKRONG KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON:
PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA at PAGSULAT
A. PAKIKINIG - ay isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip.
PROSESO NG PAKIKINIG :
1. Resepsyon
2. Rekognisyon
3. Interpretasyon/ Pagbibigay Kahulugan
LEBEL NG PAKIKINIG:
1. Appreciative - Gamitin ito sa pakikinig upang maaliw.
Halimbawa: Pakikinig ng awit sa radyo, konsyerto.
2. Pakikinig na Diskriminatori - Kritikal na pakikinig. Ginagamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan. Inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga impormasyon kanyang napakinggan.
3. Mapanuring Pakikinig - Selektib na pakikinig. Mahalaga rito ang konsentrasyon
Bukod sa pag-unawa, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya/reaksiyon sa antas na ito.
4. Implayd na Pakikinig - Tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa lebel na ito.
5. Internal na Pakikinig - Pakikinig sa sarili. Pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at sinusuri.
MGA ELEMENTONG NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PAKIKINIG:
1. Oras - Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
2. Tsanel/Daluyan - Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sapagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
3. Lugar – Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
4. Kasarian – Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae . Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip .
5. Kultura – Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. Konsepto sa Sarili - Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
URI NG TAGAPAKINIG:
1. Eager Beaver - Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
2. Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.
3. Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
4. Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
5. Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
6. Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
7. Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
8. Two-Eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
PAANO MAGIGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG:
1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
2. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa naririnig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istraktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.
B. PAGSASALITA - Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsa.salita at ang kinakausap.
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA
1. Kaalaman
a. Paksa
b. Kaalaman sa Bokabularyo
c. Gramatika
d. Kultura ng Wika
2. Kasanayan
a. Kasanayan sa Pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon
b. Kasanayan sa Paggamit sa iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita
c. Kasanayan sa Pagagamit sa iba’t ibang genre
3. Tiwala sa Sarili
MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA:
1. Tinig
2. Bigkas
3. Tindig
4. Kumpas
5. Kilos
C. PAGBASA – Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag.
APAT NA PROSESO NG PAGBASA:
1. Persepsyon
2. Komprehensiyon
3. Reaksiyon
4. Asimilasyon
URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN:
1. Mabilisang pagbasa (skimming) - Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
2. Pahapyaw na Pagbasa (scanning) - Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
3. Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) - Nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
URI NG PAGBASA BATAY SA PARAAN:
1. Tahimik - (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
2. Malakas - (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
LIMANG DIMENSIYON NG PAGBASA:
1. Pag-unawang Literal
2. Interpretasyon
3. Mapanuri
4. Aplikasyon
5. Pagpapahalaga
MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA
1. Pag-uuri ng mga ideya at detalye
2. Pagtukoy sa layuninng teksto
3. Pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw ng teksto
4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng opinyon at katotohanan
5. Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw
6. Paghihinuha at paghula
7. Pagbuo ng lagom at kongklusyon
8. Pagbibigay interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan
D. PAGSULAT - Ito ay proseso ng pagsasalin ng ideya o kaisipan sa papel o anumang bagay na mapagsasalinan.
LIMANG PROSESO:
1. Prewriting
2. Drafting
3. Revising
4. Editing
5. Rewriting/ Final Document
MGA URI NG PAGSULAT:
1. Akademik - Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Layunin nito na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, termpaper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.
2. Teknikal - Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya.Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa.
3. Journalistic - Isang uri ng pagsulat ng balita. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magasin.
4. Reperensiyal - Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan nito.
5. Propesyiunal - Ito ay nakatuon sa isang tiyak na propesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod:Police report – pulis, Investigative report – imbestigador, Legal forms, briefs at pleadings – abogado, Patient’s journal – doktor at nurse.
6. Malikhain - Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.
LAYUNIN NG PAGSULAT :
1. Impormatib
2. Mapanghikayat
3. Malikhain
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA SULATIN:
1. Kaisahan
2. Kohirens
3. Empasis
APAT (4) URI NG PAGPAPAHAYAG:
1. PAGLALAHAD - isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
Itinuturing din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon. Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o pabigkas.
Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa.
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng katawan at
2. kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.
Mga katangian ng mahusay na Paglalahad:
1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng
1. pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
2. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
3. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.
Mga Uri ng Paglalahad
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isangbagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
1. Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan - Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.
2. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala atdamdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa katotohanan.
5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.
6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.
7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
2. PAGSASALAYSAY
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay.katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.
Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan
2. Narinig o Napakinggan
3. Nabasa o Napanood
4. Likhang - Isip
5. Panaginip o Pangarap
Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon
2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. Kaakit-akit na simula
5. Kasiya-siyang Wakas
MGA ANYO NG SALAYSAY
1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula simula hanggang kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
3. PAGLALARAWAN - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN:
1. May tiyak at kawili-wiling paksa .
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.
5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.
6. may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.
4. PANGANGATWIRAN - Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda
5. laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa
Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran:
1. Wasto at mabilis na pag-iisip .
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan .
3. Maayos at mabisang pagsasalita .
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran.
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
URI NG PANGANGATWIRAN :
1. Pangangatwirang Pabuod o Indaktibo - nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
2. Pangangatwirang Pasaklaw o Dedaktibo - sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.
APAT NA URI NG PAGSASALIN:
1. Pagtutumbas
2. Panghihiram
3. Pagsasaling Pampanitikan
4. Pagsasaling Pa-idyomatiko
GRAMATIKA / RETORIKA
FILIPINO (Gramatika / Retorika)
Gramatika /Balarila – ay tumutukoy sa kaayusan ng salita sa isang pangungusap.
Ponema – ito ay maliliit na yunit ng tunog na may kahulugan.
Ponolohiya – ito ay pag-aaral sa maliliit na yunit ng tunog/ ponema na may kahulugan.
Dalawang Uri ng Ponema:
1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental
1. Ponemang Segmental – ang mga tunog ay tinutumbasan ng letra o titik upang ito ay mabasa at mabigkas.
Halimbawa:
• Ponemang Katinig
• Ponemang Patinig
• Diptonggo
• Klaster
2. Ponemang Suprasegmental – ang mga tunog ay tinutumbasan ng simbolo upang ito’y mabasa at mabigkas.
Halimbawa:
• Diin
• Tono, Intonasyon at Punto
• Hinto
Morpema – ito ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng isang salita.
Morpolohiya – ito ay pag-aaral sa mga makahulugang yunit ng salita / morpema.
Dalawang Uri ng Morpema:
1. Salitang Pangnilalaman
2. Salitang Pangkayarian
Halimbawa ng Salitang Pangnilalaman o Leksikal:
• Pangngalan
• Panghalip
• Pandiwa
• Pang-Uri
• Pang-abay
Halimbawa ng Salitang Pangkayarian:
• Pang-angkop
• Pangatnig
• Pang-ukol
• Pananda
PANGNGALAN – Sa tradisyunal na balarila at kahulugang semantikal, ang pangngalan ay tumutukoy sa mga salitang sumisimbolo sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian at kalagayan.
a. Tao – anak, mamamayan, sundalo
b. Bagay – tubig, computer, buto
c. Hayop – ibon, ahas, Zebra
d. Lugar – kusina, ospital, EDSA
e. Damdamin – pag-ibig, pagkatuwa, galit
f. Katangian – kabaitan, katapatan, katamaran
g. Kalagayan – kasaganaan, kahirapan, paghihirap
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Konsepto:
1. Kongkreto
Hal. Ina, Bentilador, Kaklase
2. Abstrakto
Hal. Tuwa, pag-awit, kabayanihan
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Kayarian:
1. Payak
Hal. Abo, tubig, ama, galit, dunong
2. Maylapi
Hal. Aklatan, lamayan, awayan, kaopisina, kabanalan, pinagsumikapan
3. Tambalan
Hal. Kapitbisig, hampaslupa, bahay-aliwan, balikbayan, silid-aklatan
4. Inuulit
Hal. Bali-balita, Sali-salita, sabi-sabi, tau-tauhan
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian:
1. Pambalana
Hal. Doktor, sabon, ospital, paligsahan
2. Pantangi
Hal. Dr. Reyes, Palmolive, Manila Medical Center, Bb. Pilipinas
Ayon sa Kasarian:
1. Panlalaki
Hal. Senador, kuya, tandang, hari, manong
2. Pambabae
Hal. Senadora, ate, inahin, reyna, manang
3. Di–Tiyak
Hal. Mambabatas, mananahi, manok, pinuno, kamag-anak
4. Walang Kasarian
Hal. Senado, tahian, gunting, itlog, korona
Ayon sa Kailanan:
1. Isahan
Hal. Ang bata, ng puno, sa balde, isang aklat, si Noel, ni Paolo, kay Joshua, isang digmaan
2. Dalawahan
Hal. Magkapatid, magbayaw, maglolo, dalawang tao, dalawang mesa, dalawang kilometro
3. Maramihan
Hal. Ang mga kongresista, ng mga dokumento, sa mga tagapagbalita, maraming artista, limang lalaki, magkakasama, magkakapatid.
PANGHALIP – ito ang mga panghahalili sa salitang pangngalan.
Tatlong Uri ng Panghalip:
1. Panao
Hal. Bago ang sapatos ko. Kukunin natin ang mga libro.
Iyan ang bahay nila. Nabaitan siya sa titser.
2. Pamatlig
Hal. Iyan ang dala ko. May pulis sa kanto.
Iyon ang dala ko. May pulis dito.
Ito ang dala ko. May pulis doon.
3. Pananong
Hal. Sino ang nagbabasa? Ano ang nangyari?
Kanino sinabi ang sagot? Kailan aalis ang barko?
Ano ang gusto mo? Tagasaan ang banyaga?
PANG-URI – Ang pang-uri ay salita o lipon ng mga salita na iniuugnay sa pangngalan at panghalip upang maipakita ang katangian na ikinatatangi nito.
Kaanyuan ng Pang-Uri:
1. Payak
Hal. Buhay, dinamiko, banal, payat
2. Maylapi
Hal.Kabalat, kalahi, kamukha, marunong, mabulaklak, mabuhangin,
3. Tambalan
Hal. Agaw-buhay, kapus-palad, taos-pusong
4. Inuulit
Hal. Sunod-sunod, abot-abot, hinay-hinay
Kaantasan ng Pang-Uri:
1. Magkatulad
Hal. Kadugo, kapanahon, kababayan, kapangalan, kawika
2. Di-Magkatulad
Hal. Di-kasintalino, di-kasinlakas, di-gaano, lalo nang mataas, higit na matapang
PANDIWA – Ito ay mga salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon o gawa, proseso o pangyayaring karaniwang sadya o di sadya, likas o di-likas at karanasan o damdamin.
Anyo ng Pandiwa
1. Payak
Hal. Lakad, upo, labas, takbo
2. Maylapi
Hal. Kumain, magluto, tinapos, magkantahan
Aspekto ng Pandiwa:
1. Imperpektibo – kilos na nasimulan ngunit hindi pa tapos.
Hal. Kumakain
2. Perperpektibo – kilos na nasimulan at natapos na.
Hal. Kumain
3. Perpektibong Katatapos – katatapos palamang ang kilos.
Hal. Kakakain
4. Kontemplatibo – kilos na hindi pa nasimulan o mangyayari pa lamang.
Hal. Kakain
Pokus ng Pandiwa:
1. Tagaganap
2. Layon
3. Direksiyonal
4. Ganapan
5. Kagamitan
6. Tagatanggap
7. Sanhi
8. Resiprokal
1. Tagaganap
Halimbawa:
- Lumikas ang mga biktima ng lahar.
- Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.
- Nagkikita kami araw-araw
2. Layon
Halimbawa:
- Ginawa niya ang kanyang homework kagabi.
- Kinakain ni Rona ang lansones.
- Binili ko ito/iyan.
- Ibigay mo ito sa kanya.
- Ilalagay ko iyan dito.
- Pag-aaralan mo ang paksang ito,
3. Direksiyonal
Halimbawa:
- Pasyalan mo si Ana sa opisina.
- Pinuntahan namin iyon.
- Tinabihan niya ang bata.
- Bigyan mo siya nito.
4. Ganapan
Halimbawa:
- Pinaglaban ko ang batya.
- Pinaglalaruan nila ang kuwarto ko.
- Paglulutuan ko ito/iyon.
5. Kagamitan
Halimbawa:
- Ipinambili niya ng mga regalo ang unang suweldo niya.
- Ipinamunas ni Rod sa silya ang kanyang panyo.
- Ipansulat mo ito/iyan.
6. Tagatanggap
Halimbawa:
- Ikinuha ko si Nene ng malamig na tubig.
- Ipagluto niya ng karekare ang mga panauhin.
- Ipamili mo ako ng mga gulay sa Baguio.
- Ipaglaba mo nga ako.
7. Sanhi
Halimbawa:
- Ikinalungkot namin ang pag-alis niya.
- Ikatutuwa ko ang pagbabago mo.
- Ikinalulugod ko iyon.
8. Resiprokal
Halimbawa:
- Magsusulatan ang magkaibigang Fe at Alma na hindi nagkita sa loob ng dalawang taon.
- Nagtulungan ang mayayamang negosyante at ang mga karaniwang manggagawa sa EDSA revolution.
- Nagmamahalan sila.
- Baka magsipagbatuhan ang mga bata mamaya.
PANG–ABAY - Ito ay nagbibigay buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Mga Pang-abay na naililipat ang posisyon
1. Pamanahon
2. Panlunan
3. Pamaraan
4. Benepaktibo
5. Kawsatibo
6. Pangkaukulan
1. Pamanahon
Halimbawa:
- Nagsimula silang magtrabaho noong Lunes.
- Noong Lunes, nagsimula silang magtrabaho.
2. Panlunan
Halimbawa:
- Kumakain siya sa eskuwelahan.
- Sa eskuwelahan siya kumakain.
- Dyanitor siya sa aming eskuwelahan.
- Sa aming eskuwelahan siya ay dyanitor.
3. Pamaraan
Halimbawa:
- Lumalakad nang banayad ang bata.
- Ang bata ay lumakad nang banayad.
4. Benepaktibo
Halimbawa:
- Ginawa niya ang trabaho para sa iyo.
5. Kawsatibo
Halimbawa:
- Pinili siya dahil sa kakayahan niya.
6. Pangkaukulan
Halimbawa:
- Nagkuwento siya hinggil sa giyera.
- Nagbalita siya ukol sa pulitika.
PANG-ANGKOP – ito ang mga katagang ginagamit sa pagdurugtong ng modifier o panuring sa salitang tinuturingan.
Dalawang Uri ng Pang-angkop :
1. ng – ikinakabit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
Hal.
Batang makulit.
Maikling kuwento
Pusong mamon.
2. na – ikinakabit ito sa mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa – n.
Hal.
Singsing na bago.
Ilaw na maliwanag.
Mabait na bata.
Kapag nagtatapos sa katinig na n ang unang salitang ikinakabit hindi na ginagamit ang na. sa halip dinagdagan na lamang ng g ang n.
Hal.
Dahong tuyo.
Simbahang bago.
Panahong pabago-bago.
PANGATNIG - ito ay mga kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay.
Uri ng Pangatnig:
1. Pandagdag
2. Eksepsiyon
3. Sanhi /Dahilan
4. Bunga/Resulta
5. Pagbibigay Layunin
6. Pagbibigay Kondisyon
7. Pagsalungat
8. Pagbibigay-Kongklusyon
9. Pagpapatotoo
1. Pandagdag
Halimbawa:
- Aalis si Pedro at si Juan.
- Naglalaba si Maria at nagluluto si Ana.
- Ako saka siya ang maglalaro ng chess.
2. Pagbibigay-eksepsiyon
Halimbawa:
- Ang pelikula ay maaaring panoorin ng lahat maliban sa mga batang may gulang na pito pababa.
- Lahat ng mag-aaral ay dadalo sa palatuntunan bukod kay Adela na naatasang maglinis ng silid-aralan.
3. Pagbibigay sanhi/dahilan
Halimbawa:
- Di-dapat kaawaan ang pulubing iyon dahil sa pagsapit ng gabi’y nakikitang nakasuot siya ng magarang damit at nakakotse.
- Hindi nakaalis ang bapor sapagkat may malakas na bagyo.
- Hindi niya maasikaso ang kanyang mga anak; kasi, ang dami niyang gawain.
4. Paglalahad ng bunga/resulta
Halimbawa:
- Totoong dibdiban ang pag-aaral ni Lisa kaya hindi kataka-takang manguna siya sa mga magsisipagtapos sa kanilang kolehiyo.
- Aral nang aral ang kapatid ko, tuloy, matataas ang mga marka niya sa kard.
5. Pagbibigay-layunin
Halimbawa:
- Magtulungan tayo upang madaling matapos ang ating gawain.
- Tapusin na natin ang lahat ng ating gawain; sa ganon/gayon makakauwi tayo nang maaga.
6. Pagbibigay-kondisyon
Halimbawa:
- Ang isang nagpipildoras ay dapat sumangguni sa doktor kapag mayroon siyang nararamdamang pagbabago sa katawan.
- Maaari kitang tulungan kung pagbibigyan mo ako sa aking kahilingan.
7. Kontrast/pagsalungat
Halimbawa:
- Sasama ako sayo ngunit tulungan mo muna ako sa aking gawain.
- Nais na niyang lisanin ang kanilang magulong tahanan ngunit hindi niya ito magawa dahil pinipigilan siya ng kanyang ina.
- Sumasama siya sa Baguio sa halip na maiwan upang tumulong sa pagtitinda.
8. Pagbibigay-kongklusyon
Halimbawa:
- Napakamahal ng mga bilihin ngayon; samakatuwid, dapat bilhin na lamang ang talagang kailangan.
- Ang sabi nila’y wala sa talaan ang iyong pangalan kung kaya inaalis ka nila sa iyong gawain.
- Anupat ang taong walang pilak, parang ibong walang pakpak.
9. Pagpapatotoo
Halimbawa:
- Sa totoo lang, hindi ko natapos ang lahat ng dapat kong gawin sa araw na ito.
- Si Julio ay di-mapagkakatiwalaan; sa totoo, hindi na niya binayaran ang utang niya sa akin.
PANG–UKOL – mga salitang ginagamit upang matukoy ang paksa o pinagbatayan ng impormasyon.
Uri ng Pang-Ukol:
1. Paksa
Halimbawa:
- Tungkol sa wika ang kanilang tatalakayin sa klase.
- Ang talumpati ng Pangulo ay hinggil sa suliranin natin sa polusyon.
- Ukol kay Mapangahas ang kuwento.
2. Pananaw
Halimbawa:.
- Batay kay Ama, isang dakilang tungkulin ang gumawa para sa kapakanan ng bayan.
- Ayon kay Dance, ang wika ay dinamiko, buhay, at nagbabago.
- Para kay Rizal, nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
PANANDA - Ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa ng mga Salitang Pananda:
1. Ang / Ang mga - ginagamit sa pantukoy ng isang pangngalan na ginagamit na simuno ng pangungusap. Ginagamit ang ang mga kapag marami ang tinutukoy.
2. Sa / Para sa - ang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.
3. Si / Sina - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay para sa dalawahan o maramihan.
4. Ng / Ng Mga - ginagamit bilang pananda sa pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa.
5. Kay / Kina - ito ay mga pananda ng pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa at panuring. Ang kay ay isahan at ang kina ay maramihan.
MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO:
1. Asimilasyon
a. Parsyal
b. Ganap
2. Pagpapalit
3. Paglilipat
4. Pagkakaltas
5. Pagdaragdag
6. Pang-aangkop
1. Asimilasyon – tumutukoy ito sa pagbabago ng anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog. nagiging n ang ng kapag ang kasunod na titik ay nagsisimula sa d,l,r,s,t. samantalang nagiging m ang ng kapag ang kasunod na titik ay p at b.
Ang ng ay mananatiling ng kapag hindi d,l,r,s,t at p at b at mga patinig.
Halimbawa:
sing +talino= sintalino
Pang+bata= pambata
Pang+palo= pampalo
Pang+sukat= pansukat
pang+anim= pang-anim
Sing+kapal= singkapal
a. Asimilasyong Parsyal
Halimbawa:
Pang+bansa= pambansa
Pang+ligo= panligo
Sing+pula= simpula
b. Asimilasyong Ganap
Halimbawa:
Mang+salamin= mansalamin= manalamin
Mang+tahi= mantahi= manahi
Pang+pukaw= pampukaw= pamukaw
2. Pagpapalit
Halimbawa:
Ano+ano= anu-ano
Sino+sino= sinu=sino
Gusto+ng+gusto= gustong-gusto
Talo+ng+talo= talung-talo
Lalake=lalake/lalaki
Babae=babaing-babae
Madami=marami
Lakadan=lakaran
Tawidan=tawiran
Madapat=marapat
3. Paglilipat
Halimbawa:
Y+in+aya= yinaya= niyaya
Y+in+akap= yinakap= niyakap
L+in+uto= linuto= niluto
L+in+inis= lininis= nilinis
4. Pagkakaltas
Halimbawa:
Magpa+tahi= magpatahi= patahi
Ipa+tapon= ipatapon= patapon
Bili+han= bilihan= bilhan
Putol+in= putulin= putlin
5. Pagdaragdag
Halimbawa:
Paalala+han= paalalahan= paalalahanan
Alala+han= alalahanan= alalahanin
Totoo+han= totohan= totohanin
6. Pag-aangkop
Halimbawa:
Hintay+ka= teka
Tingnan+mo= tamo
Hayaan+mo= hamo
Tayo+na= tena
PANGUNGUSAP - Salita o lipon ng mga salita na naghahayag ng isang buong diwa o kaisipan.
Dalawang Bahagi o Komponent:
1. Paksa/ Simuno - Tumutukoy sa paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay tinatawag na subject sa wikang Ingles.
2. Panaguri - Tumutukoy sa bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay tinatawag na predicate sa wikang Ingles.
Halimbawa: 1. Si Nene ay nagdidilig.
(simuno) (panaguri)
2. Ang mga bata ay naglalaro.
(simuno) (panaguri)
3. Si Jose Rizal ay isang henyo.
(simuno) (panaguri)
4. Umawit ng kundiman si Claire.
(panaguri) (simuno)
Dawalang Uri ng Pangungusap Batay sa Pagtataglay ng Simuno at Panaguri
1. Ganap – May Simuno at Panaguri
Halimbawa:
Nagbabasa ang mag-aaral.
2. Di – Ganap – Walang Simuno at Panaguri.
Di–Ganap
a. Pangkalikasan – Umaaraw, umuulan, dumidilim
b. Pasasalamat – Salamat po
c. Patawag – Orlando!
d. Pampook – Nasa Cavite.
e. Eksistensiyal – May tao, may anak, may-asawa
f. Pasukdol – kayganda mo
g. Panahon – Pasukan na, mamaya na, bukas na
h. Pagbati – Magandang gabi, magandang umaga
i. Pakiusap – Pakiabot nga niyan.
j. Pagpapaalam – Paalam na po.
k. Pamuling pagtatanong – Ano?, Ilan?
l. Pautos – Takbo!
m. Sagot sa tanong – Oo at hindi
Dalawang Ayos ng Pangungusap:
1. Karaniwan – nauuna ang panaguri kaysa simuno.
Halimbawa:
Bahagi ng ating kultura ang ating mga kaugalian.
2. Di – Karaniwan – nauuna ang simuno kaysa panaguri.
Halimbawa:
Ang ating mga kaugalian ay bahagi ng ating kultura.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit:
1. Pasalaysay - ito ay pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
Tumawa ng malakas ang mga bata.
Si Nene ay marahang kinuha ang palamuti.
2. Patanong - ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
3. Padamdam - ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!
Halimbawa:
Naku, nalulunod ang bata!
Sunog!
4. Pautos - ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
Dagdagan mo ng asin ang niluluto mo.
Kunin mo ang mga gamit mo dito.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian:
1. Payak – 1S+1P, 1S + 2P , 2S + 1P , 2S + 2P
Halimbawa:
Si Ana ay kumakain.
2. Tambalan – 1SM+1SM/2SM+2SM
Halimbawa:
Ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon at ipinakilala niya sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon.
3. Hugnayan – 1SM+1SDM/1SM+2or3SDM
Halimbawa:
Kung hindi kikilos ng maaga pamahalaan maraming walang muwang na mamamayan ang mamamatay.
4. Langkapan – 2SM+1SDM/3SM+2or3SDM
Halimbawa:
Kung ang Agila ay kinikilalang hari ng mga ibon sa Pilipinas at ito’y sumasagisag sa pagmamahal ng Pilipinas sa kalayaan, ang pinakamataas naman sa lahat ng ibon ay Moa.
Mga Pangatnig na ginagamit sa SM at SDM Mga Pangatnig na ginagamit sa SM at SDM
a. Sugnay na Makapag-iisa – at, samantalang, dapat, habang, ang, saka , pati , ngunit .
b. Sugnay na Di-Makapag-iisa – na, dahil, hanggang, upang, kung, kapag, nang, alang-alang, kaya,
RETORIKA – ay tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang kaalaman sa pagpapahayag. Ito ay nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at magandang pagsasalita at pagsusulat.
Kadalasang Ginagamit Upang Maging Masining ang Pagpapahayag:
a. Tayutay
b. Idyoma
c. Salawikain, Kasabihan , Kawikaan
Uri ng Tayutay:
1. Simile o Pagtutulad
Halimbawa:
Parang sirang plaka ang bibig ni Linda.
2. Metapora o Pagwawangis
Halimbawa:
Venus siya ng kagandahan.
3. Personipikasyon o Pagbibigay – Katauhan
Halimbawa:
Lumuha ang langit sa tindi ng hapis.
4. Pagmamalabis o Hyberbole
Halimbawa:
Bumaha ang luha.
5. Metonomiya o Palit-Tawag
Halimbawa:
Ang haligi ng tahanan ang naghahanap buhay para sa pamilya.
6. Senekdoke o Pagpapalit-Saklaw
Halimbawa:
Dalawampung bisig ang nagtutulong-tulong sa paglilipat ng bahay.
7. Balintunay o Ironiya
Halimbawa:
Kay galing mong umawit, lahat ng makarinig sa boses mo’y nagtatakip ng taenga.
8. Pagtawag o Apostrope
Halimbawa:
Pag-ibig masdan ang ginawa mo!
9. Pagsasayusay o Tanong Retorikal
Halimbawa:
Pulitika! Ugat ka nga ba ng kurapsyon sa pamahalaan?
10. Paghihimig o Onomatopeya
Halimbawa:
Teng! Teng! Tang! Orasyon na naman.
11. Pagtanggi o Litotes
Halimbawa:
Hindi ako bulag para makita ang katotohanan.
12. Pag-uulit o Aliterasyon
Halimbawa:
Sasagipin ang sisiw na sisinghap-singhap.
13. Paglilipat –Wika o Epithets
Halimbawa:
Ang ulila’t kaawa-awang silid ay pinasok ni Norman.
14. Pagsalungat o Epigram
Halimbawa:
Ang kawal namatay upang mabuhay.
15. Pagdaramdam o Eksklameysyon
Halimbawa:
Hangad ko ang ikaw ay madamayan sa iyong pagdadalamhati dahil sa pagyao ng iyong mahal, ngunit naisin ko man ay di ko magawa pagkat ikaw ay nasa ibayong dagat!
16. Pagtatambis o Antitesis
Halimbawa:
O ang babae pag minamahal, may kursunada’y aayaw-ayaw, huwag mong dalawin ay nayayamot, kung panay ang dalaw, dadabog-dabog.
17. Pagsusukdol o Climax
Halimbawa:
Unang naramdaman niya ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Kasunod noon ang panlalamig ng buo niyang katawan. Nagdilim ang buong paligid at siya ay bumagsak.
18. Konsonans
Halimbawa:
Ang halimuyak ng bulaklak ay mabuting gamot sa pusong wasak.
19. Asonans
Halimbawa:
Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.
20. Anapora
Halimbawa:
Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayan.
Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang
Kabataan din ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan.
Kabataan din ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa.
21. Epipora
Halimbawa:
Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan.
22. Anadiplosis
Halimbawa:
Matay ko man yatang pigili’t pigilin
Pigilin ang sintang sa puso’y tumiim
Tumiim na sinta’y kung aking pawiin
Pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.
IDYOMA – nagpapahayag ng di tuwirang kahulugan ng bawat salita, sa halip ang kaispan o kahulugan ay nasa pagitan ng mga salitang gagamitin.
Buto't balat - Payat na payat
May pakpak ang balita - Mabilis kumalat ang balita
Anak araw- Maputi
Nagmumurang kamatis - Nagpapabata
Amoy lupa - Matanda
Babaeng mababa ang lipad - Bayarang babae
Pasan ang Daigdig - Maraming problema
Namumula ang pisngi - Kinikilig
Busilak ang puso - Matulungin
Nangangamote - Di makaisip ng maayos
May balat sa pwet - Malas
Naglahong bula - Di na nagpakita
Bakal na kamay - Mahigpit
Sakal sa leeg - Sunod-sunuran
Kutis singkamas - Maputi
Nagdadalawang isip – Nalilito
Malapad ang noo - Matalino
Malaki ang hinaharap - Maganda ang kinabukasan
Singkit ang mata - Maliit ang mata
Nagsunog ng kilay – Nag-aaral ng mabuti
Malaki ang tenga - Mahaba ang buhay
Malusog ang puso - Maraming nagmamahal
Salubong ang kilay - Galit
Bungkokan ang kilikili - Maitim ang kilikili
Balik-harap - Mabuti sa harapan, taksil sa likuran
Kidlat sa bilis - Napakabilis
Daga sa dibdib - Takot
Bukal sa loob - Tapat
May sinasabi - Mayaman
Matigas ang katawan - Tamad
Butas ang bulsa - Walang pera
Alog na ng baba - Matanda na
Bahag ang buntot - Duwag
Ikurus sa noo - Tandaan
Bukas ang palad - Matulungin
Kapilas ng buhay - Asawa
Nagbibilang ng poste - Walang trabaho
Ibaon sa hukay - Kalimutan
Taingang kawali - Nagbibingi-bingihan
Buwayang lubog - Taksil sa kapwa
Tagong bayawak - Madaling makita sa pangungubli
Bukal sa loob - Tapat
Mahapdi ang bituka - Nagugutom
Sukat ang bulsa - Marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan
Maanghang ang dila - Bastos magsalita
Matalas ang dila - Masakit mangusap
Makitid ang isip - Mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman
Mababaw ang luha - Madaling umiyak
Anak-dalita - Mahirap
Dalawa ang bibig - Mabunganga,madaldal
Halang ang bituka - Salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao
Makapal ang bulsa - Maraming pera
Kusang palo - Sariling sipag
Magaan ang kamay - Madaling manuntok,manapok,manakit
Di makabasag pinggan - Mahinhin
Namamangka sa dalawang ilog - Salawahan
Naniningalang-pugad - Nanliligaw
Makapal ang mukha - Di marunong mahiya
Maaliwalas ang mukha - Masayahin
Madilim ang mukha - Taong simangot, problemado
Panis ang laway - Taong di-palakibo
Pagkagat ng dilim - Paglubog ng araw
Putok sa buho - Anak sa labas
Makati ang paa - mahilig sa gala o lakad
Pantay ang mga paa - Patay na
Takaw-tulog - Mahilig matulog
Takipsilim - Paglubog ng araw
Tawang-aso - Nagmamayabang, nangmamaliit
Maputi ang tainga - Kuripot
Lumaki ang ulo - Yumabang
Matigas ang ulo - Ayaw makinig sa pangaral o utos
Basag-ulo - Gulo, Away
SALAWIKAIN – mga paalala, makinis na mga aral /pangaral sa mga kabataan. Malimit na ang mga matatanda noong unang panahon ang pinagbubuhatan ng mga payong ito na ibinabatay sa kanilang mga naging karanasan.
Halimbawa:
- Kapag may isinuksok - Ang di lumingon sa pinanggalingan
May madudukot Di makakarating sa Paroroonan
- Ang isang kaibigan
Mahigit pa sa ginto sa kaban
KASABIHAN – mga paalala na may halong panunukso. Nagtataglay ng payak na kahulugan at kakitaan ng kilos, ugali at gawi ng tao.
Halimbawa:
- Kuwalta Na - Kapag May Tiyaga
Naging Bato Pa May Nilaga
- Isang Kahig
Isang Tuka
KAWIKAAAN – mga paalaala hinggil sa mabubuting kaasalan at kaugalian.
Halimbawa:
- Naghangad ng Kagitna - Nasa Diyos ang awa
Isang Salop ang Nawala Nasa tao ang gawa
- Ubos-Ubos Biyaya
Bukas Nakatunganga
TAMA AT ANGKOP NA GAMIT NG SALITA:
• Mabango/ Masamyo
• Kagyat/ Bigla
• Kamag-anak / Kaanak
• Magbangon / Bumangon
• Mabaho /Masangsang
• Mithi/ Nais
• Sampal / Tampal
• Higop / Inom
• Tingin / Titig / Tanaw / Sulyap
• Sunong / Kilik / Pasan/ Dala /Bitbit
• Halakhak / Hagikhik / Hagakhak/ Ngiti
• Sipa / Tadyak / Tapakan /
• Sigaw / Bulyaw
• Operahin / Operahan
• Pahirin / Pahiran
• Walisin / Walisan
• Haluin / Haluan
• Bilhin/ Bilhan
TALAHULUGAN / TALASALITAAN
Salita Kahulugan
1. Adhikain Layunin
2. Tarok Batid
3. Pinaglamayan Pinapuyatan
4. Ngiting – Aso Pakutya
5. Natunghayan Nakita
6. Samut – samot Magulo
7. Nakaririmarim Nakakatakot
8. Panukala Mungkahi
9. Bagamundo Lakwatsero
10. Tagbising Tag – ulan
11. Kahulilip Kapantay
12. Pagkahirati Pagkabalisa
13. Kasapakat Kaakibat
14. Kombenyo Kasunduan
15. Pag-aayuno Pagpipigil
16. Alinsuag Salungat
17. Pagwawaksi Pagtitiis
18. Batumbuhay Matapang
19. Palalo Mayabang
20. Dahop Kapos
21. Alipustahin Apihin
22. Himukin Hikayatin
23. Banayad Mahinahon
24. Nanalot Naminsala
25. Nabuwal Namatay
26. Payaso Nagpapasaya
27. Sanlibutan Katauhan
28. Kinakandili Inaaruga
29. Masigasig Matiyaga
30. Pag-iimbot Pag-aalinlangan
KARAGDAGANG TALAHULUGAN/ TALASALITAAN
• Bakas - Marka o Tanda
• Humahangos - Nagmamadaling parang pagod na pagod
• Inaaninaw - Tinitingnan kung may tao o wala
• Napalugmok - Napahiga
• Balikwas - Mabilis na pag-upo o pagtayo mula sa paghiga
• Nanghihilakbot - Natatakot
• Pinupugod - Sunud-sunod na marami
• Inilatag - Ibinaba o inilagay ng palapad
• Pagkakanulo - Pagtataksil
• Ginagap - Hinawakan nang mahigpit
• Sinisikil - Pinipigilan o hinahadlangan
• Nanlilibak - Nanunuya o iniinsulto
• Putong - Korona o bulaklak na nakapatong sa ulo
• Maligoy - Hindi tiyak o marami pang sinasabi bago tukuyin ang sadya
• Sumusuray-suray - Lumalakad na parang tutumba
• Umuumid - takot magsalita o kumilos kahit alam ang gagawin
• Gagapusin - Itatali
• Halughugin - Hahanapin o hahalungkatin
• Malalagas - Matatanggal
• Kabesera - Kapital ng lalawigan o bansa
• Sisibol - Tutubo
• Salok - Pagkuha ng tubig sa balon o gripo
• Baklad - Bitag na yari sa kawayan at nakatusok sa mababa na ilog o dagat
• upang makulong ang isdang papasok
• Palugit - Dagdag ng panahon
• Nakadaop - Nakasayad na pagkakalapit ng dalawang bagay
• Nakasandig - Nakasandal
• Natinag - Natakot
• Makubli - Malalim; malihim
• Iiling-iling - Paggalaw ng ulo na nagsasaad ng awaw, hindi
• Nagbuntung-hininga - Ang paghinga ng malalim at mahaba
• Sinasaliwan – Sinasabayan
• Marilag – maganda
• Kagawad – miyembro ng lipon
• Makasasalungat – makakalaban
• Isuplong – ipagharap ng sakdal o sumbong; malakas na buga ng apoy
• Hampas-lupa – walang hanapbuhay, taong tamad at walang hanapbuhay
• Mag-aabuloy – tutulong, magbibigay ng kontribusyon
• Humihikbi – umiiyak
• Bantulot – alinlangan
• Napakislot – gumalaw na pabigla-bigla
• Karosa – kotseng may mga palamuti
• Nasambit – nabigkas
• Tulisan – bandido
• Umuukilkil – umuusisa
• Malumanay – dahan-dahang magsalita at kumilos
• Matiwasay – tahimik, payapa
• Namamangha – nagugulat, nagtataka
• Nabinat – nagkaroon ng sakit na pagaling na ngunit lumala dahil sa pagkilos
• Pagpapatiwakal – kusang pagtikil sa sarili, nagpakamatay
• Yungib – lungga, kuweba
• Sawimpalad – bigo
• Karatig – katabi
• Yamot – inis, inip
• Kutob – kaba
• Namumuhi – nasusuklam, lubos na nagagalit
MAGKASALUNGAT NA MGA SALITA
Maputi - Maitim
Malaki - Maliit
Mataba - Payat
Maiinit - Malamig
Matanda - Bata
Matalino - Bobo
Matalas - Mapurol
Maasim - Matamis
Masaya - Malungkot
Patay - Buhay
Masigla - Matamlay
Masikip - Malawak
Una - Huli
Mataas - Mababa
Tulog - Gising
Mahirap - Mayaman
Matapang - Maamo
Simula - Katapusan
Gutom - Busog
Bago - Luma
Kulang - Sobra
Sarado - Bukas
Malas - Mapalad
Mabagal - Mabilis
Batugan - Masipag
Kalaban - Kaibigan
Pag-alis - Pagdating
Lumalapit - Lumalayo
Minsan - Madalas
Makinis - Nilulumot
Binuo - Tinapyas
Maganda - Pangit
Lalaki - Babae
Mabilis - Mabagal
Masipag - Tamad
Mabait - Masama
Tahimik - Maingay
Malinis - Marumi
Malaki - Maliit
Tama - Mali
Maayos - Magulo
Taas - Baba
Sapat - Kulang
Masaya - Malungkot
MAGKASINGKAHULUGAN NA MGA SALITA
Mabuti - Maayos
Dala - Bitbit
Busilak - Malinis
Berikta - Tuwiran
Nasisiyahan - Natutuwa
Munti - Maliit
Tama - Wasto
Dangal - Puri
Panganib - Kapahamakan
Pagibig - Pagmamahalan
Kamag-aral - Kaklase
Pagkamunghi - Pagkasuklam
Armas - Sandata
Mababang loob - Mapagkumbaba
Bawasan - Alisin
Gilid - Sulok
Nagmula - Nanggaling
Tigil - Hinto
Tutol - Hindi payag.
Abangan - Antabayanan
Akma - Angkop
Alagaan - Ingatan
Anak - Supling
Asul - Bughaw
Bagot - Yamot
Bagsak - Lagpak
Bakla - Binabae
Bawasan - Alisin
Beranda - Balkunahe
Bilanggo - Preso
Daloy- - Agos
Dalubhasa - Bihasa
Dangal - Puri
Dilaw - Kanaryo
Dukha - Mahirap
Gahaman - Swapang
Gapi - Daig
Inaasam - Pangarap
Kaanib - Kaalyansa
Kakauni - Kakarampot
Kisap-mata - Kindat
Langit - Himpapawid
Lipulin - Puksain
Mababang loob - Mapagkumbaba
Mabango - Mahalimuyak
Mabuti - Maayos
Maganda - Kaakit-akit
Maglinang - Magbungkal
Mahangin - Presko
Mahinhin - Mayumi
Makisig - Matipuno
Malakas - Malusog
Malapad - Malawak
Malinamnam - Masarap
Mangmang - Walang alam
Maralita - Mahirap
Marami - Sagana
Masigla - Masaya
Mataas - Matayog
Mataba - Malusog
Mayaman - Maykaya
Munti - Maliit
Nasisiyahan - Natutuwa
Iniirog - Minamahal
Pabaya - Bulagsak
Pagal - Pagod
Pagkamuhi - Pagkasuklam
Porsiyento - Bahagdan
Sweldo - Kita
Tama - Wasto
Tungayawin - Sumpain
Watawat - Bandila
Yaban - Hambog
Malusog - Mataba
Masama - Nananakip
Kontrabida - Kaaway
Madalas - Lagi lagi
Mataas - Matayog
Mataba - Malusog
Malapad - Malawak
Marami - Sagana
Tunay - Totoo
Kasiyahan - Kagalakan
Kapalit - Katumbas
Kahinaan - Kakulangan
Tama- - Tumpak
Maliit - Pandak
Silid - Kwarto
Aklat - Libro
Masaya - Maligaya
Bughaw - Asul
Luntian - Berde
Sunog - Apoy
Guro - Titser
Diyos - Panginoon
Mabango - Mahalimuyak
Malamig - Maginaw
Kubo - Dampa
Matalino - Marunong
Pagmamahal - Pag-ibig
Kaaway - Kalaban
Kaklase - Kamag-aral
Sinubaybayan - Ginagabayan
Hanapbuhay - Trabaho
Isa - Una
Katulong - Alipin
Malawak - Malapad
Mahirap - Dukha
PANITIKANG FILIPINO ( LITERATURE)
1. Panitikan – ito ay repleksiyon ng pamumuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan. Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso.
Dalawang Anyo ng Panitikan:
a. Patula
b. Tuluyan
Halimbawa ng akdang Patula:
Tula
1. Pasalaysay
a. Epiko
b. Awit at kurido
2. Liriko
a. Kantahan d. Oda
b. Soneto e. Dalit
c. Elehiya
3. Tulang padula
4. Tulang Patnigan
a. Balagtasan
b. Karagatan
c. Duplo
Halimbawa ng Akdang Tuluyan:
1. Alamat
2. Mito
3. Anekdota
4. Sanaysay
5. Talambuhay
6. Pabula
7. Parabula
8. Dula
9. Maikling Kwento
10. Nobela
11. Talumpati
12. Balita
Uri ng Nobela:
1. Pangyayari
2. Tauhan
3. Romansa
4. Pagbabago
5. Kasaysayan
Uri ng Maikling Kwento:
1. Katutubong Kulay
2. Madulang Pangyayari
3. Pakikipagsapalaran
4. Kababalaghan
5. Tauhan
6. Sikolohiko
7. Katatakutan
8. Katatawanan
Uri ng Dula:
1. Komedya
2. Trahedya
3. Tragikomedya
4. Melodrama
5. Parsa
6. Saynete
Uri ng Sanaysay:
1. Pormal
2. Impormal
Uri ng Talambuhay:
1. Pansarili
2. Paiba
Uri ng Talumpati
1. Biglaan
2. Maluwag
3. Handa at Isinaulo
KASAYSAYAN NG PANITIKANG FILIPINO:
MATANDANG PANITIKAN
Mga Unang Anyo ng Tula
Awiting-Bayan
1. Oyayi – awit sa panghele o pagpapatulog ng bata.
2. Sambotani – awit sa pagwawagi o pagtatagumpay sa digma.
3. Diona – awit sa panliligaw at pagpapakasal.
4. Soliranin – awit sa pagpapagaod o pagsasagwan.
5. Talindaw – awit sa pamamangka.
6. Kumintang – awit sa pakikipagdigma.
7. Balitaw at kundiman – mga awit sa pag-ibig.
8. Umbay – awit sa paglilibing.
9. Dalit – awit ng papuri sa Diyos.
10. Dung-aw – awit na nagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa.
11. Hiliraw at pamatbat – mga awit sa pag-iinum.
12. Indolin at kutang-kutang – mga awiting panlansangan.
13. Maluway – awit sa sama-samang paggawa.
Karunungang Bayan:
1. bugtong
2. palaisipan
3. salawikain
4. sawikain
Iba Pang Anyo ng Unang Tula:
1. Mga Tugmaang-Pambata
2. Bulong
3. Epiko
Mga Tauhan ng Panitikan sa Panahon ng Matandang Panitikan:
1. Kapre
2. Tikbalang
3. Aswang
4. Nuno sa Punso
5. Manananggal
6. Engkantada
7. Mangkukulam
8. Tiyanak
9. Pugot
10. Ikugan
11. Sagang
12. Buringkantada
13. Layog
14. Nimpa
15. Lampong
Mga Unang Anyo ng Dula:
1. Wayang Orang at Wayang Purwa
2. Embayoka
PANAHON NG KASTILA
1. Ang Doctrina Cristiana
2. Nuestra Señora del Rosario
3. Ang Pasyon
4. Ang Barlaan at Josaphat
5. Ang Urbana at Felisa
Mga Kantahing Bayan:
1. Leron-Leron Sinta
2. Dandansoy
Mga Anyo ng Dula:
1. Karagatan
2. Duplo
3. Juego de Prenda
4. Karilyo
5. Tibag
6. Sinakulo
7. Panunuluyan
8. Salubong
9. Panubong
10. Alay o Flores de Mayo
11. Pangangaluluwa
12. Moro-moro
13. Zarsuela
PANAHON NG PROPAGANDA
Mga Propagandista:
1. Jose P. Rizal
• Sa Aking Mga Kababata
• Noli Me Tangere
• El Felibusterismo
• Mi Ultimo Adios
• A La Juventud Filipino
• Sobre La Indolencia delos Filipinos
• Filipinas Dentro De Cine Años
• Ang Karangalan nina Luna at Hidalgo
• Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Liham sa mga Kaanak at Kaibigan
• Pangitain ni Padre Rodriguez at Por Telefono
2. Marcelo H. del Pilar
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Caiingat Cayo
• Dasalan at Tocsohan
• Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
3. Graciano Lopez Jaena
• Fray Botod
• El Bandolerismo en Pilipinas
• Sa Mga Pilipino
4. Mariano Ponce
• Ang alamat ng Bulakan
• Pagpugot kay Longino
• Sobre Filipinas
5. Antonio Luna
• Noche Buena
• La Turtelia Filipina
• La Maestra de Mi Pueblo
• Todo Por El Estomago
• Impresiones
6. Jose Ma. Panganiban
• A Nuestro Obispo
• Noche De mambulao
• Sa Aking Buhay
• La Universidad de Manila
7. Pedro Serrano Laktaw
• Diccionario Hispano-Tagalo
• Estudios Gramaticales
• Sobre La Lengua Tagala
8. Isabelo Delos Reyes
• El Folklore Filipino
• Las Islas Bisayas en la Epoca dela Conquista
• Historia de Ilocos
9. Pedro Paterno
• Ninay
• A Mi Madre
• La Cristianismo y la Antigua Civilization Tagala
• Sampaguita y Poesias Varias
10. Pascual Poblete
• Ang Kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal
• Buhay ni San Isidro Labrador
PANAHON NG HIMAGSIKAN
Mga Lider sa Panahon ng Himagsikan:
1. Andres Bonifacio
• Huling Paalam
• Katapusang Hibik ng Pilipinas
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Katungkulanmg Gagawin ng mga Anak ng Bayan
• Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
2. Emilio Jacinto
• Ang Kartilya ng Katipunan
• A La Patria
• Ang Anak ng Bayan
• Liwanag at Dilim
3. Apolinario Mabini
• Ang Himagsikang Pilipino
• El Desarollo y Caida dela Republika Filipinas
• El Liberal
• El Verdadero Decalogo
4. Jose Palma
• Melencholias
• De Mi Jardin
• Himno Nacional Filipina
PANAHON NG AMERIKANO:
Mga Tula :
a. Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
b. Isang Dipang Langit ni amado V. Hernandez
c. Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
Mga Maikling Kwento:
a. Binibining Pahtupats ni Juan Crisostomo sotto
b. Anabella ni Magdalena Jalandoni
c. Greta Grabo ni Deogracias Rosario
Mga Nobela:
a. Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña
b. Sampaguitang Walang Bango ni Iñigo Ed Regalado
c. Lihim ng Isang Pulo ni Faustino aguilar
d. Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
Mga Dula /Teatro:
a. Walang Sugat ni Severino Reyes
b. Tanikalang Guinto ni Juan Abad
c. Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino
PANAHON NG HAPON
Mga Tula:
• Haiku
• Tanaga
• Karaniwang Anyo
Mga Maikling Kwento:
• Narciso Reyes – Lupang Tinubuan
• Liwayway arceo – Uhaw Ang Tigang na Lupa
• Gloria Villaraza – Luad
• Brigido Batungbakal – Kadakilaan saTugatog ng Tagumpay
• Macario Pineda – Suyuan sa Tubigan
• N.V.M Gonzales – Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan
• Serafin Guinigundo – May Umaga Pang Daratal
• Gemiliano Pineda – Sumisikat na ang Araw
• Cornelio Reyes – Dugo at Utak
• Lucia Castro – Mga Yabag na Papalayo
• Pilar R. Pablo – Tabak at Sampaguita
• Teodoro Agoncillio – Madilim Pa ang Umaga
• Brigido Batungbakal – Ikaw, Siya at Ako
• Teo Buhain – May Uling sa Bukana
• Aurora Cruz – Bansot
• Alfredo Enriquez – Bahay sa Dilim
• Aristeo Florido – Ang Tao, Ang Kahoy at ang Bagyo
• Serafin Guinigundo – Si Ingkong Gaton at ang kanyang kalakian
• Hernando Ocampo – Unang Pamumulaklak
• Amado Pagsanjan – Mga Bisig
• Macari Pineda – Sinag sa Dakong Silangan
• Justiniano del Rosario – Mga Diyos
• Emilio Aguilar Cruz – Paghihintay
• Amado Pagsanjan – Ibon mang may Layang Lumipad
• Serafin Guinigundo –Nagmamadali ang Maynila
Mga Dula:
• Stage shows
• Zarzuela
• Moro-moro
BAGONG PANAHON
Sa panahong ito, nabuksan muli ang palimbagan ng mga pahayagan at magasin na naglalathala ng mga akda sa Wikang Filipino gaya ng:
a. Liwayway
b. Ilang-ilang
c. Sinagtala
d. Malaya
e. Kayumanggi
f. Philippine Free Press
g. Morning Sun
h. Daily News
i. Philippine Herald
j. Chronicle
k. Bulletin
Nagkaroon ng mga Patimpalak sa Pagsulat:
a. Palanca Memorial Awards in Filipino at English Literature
b. Gawad ni Balagtas
c. Republic Cultural Award
d. Talaang Ginto
PANAHON NG AKTIBISMO
Sa panahong ito naging maalab ang laman ng panitikang Filipino. Nabahiran muli ng paghihimagsik bunsod ng mga katiwalian ng mga namumuno sa pamahalaan. Marami sa mga kabataang Pilipino ang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan o New People’s Army. Ang kaguluhang ito ay humantong sa pagdeklara ng Batas Militar noong 1972.
BAGONG LIPUNAN
Ang paksa ng panitikan ay pagpapahalaga sa ating kultura, ang pagiging mabuting mamamayan, pagkakaisa at pagtutulungan
Mga Awiting Sumikat :
a. Ako’y Isang Pinoy
b. Magkaisa
c. Bayan ko
PANAHONG KASALUKUYAN
Ang Paksa ng Panitikan ay:
a. Inaping manggawa sa ibang bansa
b. Ang biktima ng panggagahasa
c. Alipin ng droga
d. Hinaing ng mga magbubukid
e. Suliranin sa iskwater
f. Pagsasamantala sa kabang yaman ng bansa
g. Kidnapping
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
1. ROMANTISISMO - Sa teoryang ito, higit na nagingibabaw ang damdamin ng mga tauhan kaysa sa kaisapan.
2. REALISMO - Pinalulutang dito ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay.
3. SIMBOLISMO - Ito’y ang pamamaraan ng paglalahad ng mga bagay, kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga sagisag
4. EKSISTENSIYALISMO - Pananalig na hinahanap ang kahalagahan ng personalidad ng mga tao at ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
5. FEMINISMO - Nagbibigay –diin sa karanasan at mga kakayahan ng mga kababaihan.
6. NATURALISMO - Teorya na mailarawan ang kalikasan nang buong katapatan, kaya’t malimit na maipagkamali sa realismo.
7. MODERNISMO - Teoryang tumutukoy sa paghihimagsik sa isang tradisyon, relihiyon, kaugalian o paniniwala upang magkaroon ng puwang ang mga pagbabago.
8. EKSPRESYUNISMO - Teoryang punong –puno ng paglalahad ng kaisipan at damdamin kaugnay sa mga bagay na naoobserbahan sa lipunan.
9. IDEALISMO - Paniniwala sa pinakamahusay na dapat gawin.
10. KLASISISMO - Pinangingibabaw ang isip laban sa damdamin.
11. MORALISTIKO - Higit na pinahahalagahan sa pananaw na ito ang mga aral o leksiyong ibinibigay ng akda sa mga mambabasa.
12. MARXISMO - Hindi lamang ang larangan ng pagsusuri ang sinasaklaw nito kundi gayon din ang larangan ng kultura.
13. PORMALISMO - Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
14. SOSYOLOHIKAL - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
15. SAYKOLOHIKAL/SIKOLOHIKAL - Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
16. BAYOGRAPIKAL - Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda.
17. HISTORIKAL - Layunin ng panitikan na ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ng tao at mundo.
18. KULTURAL - Layunin ng panitikan na ipakita ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon na minana at ipasa sa mga susunod na salinlahi.
19. QUEER - Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.
20. HUMANISMO - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentrong mundo; binibigyang –tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.
21. ARKITAYPAL - Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalikha ang mga manunulat ng mga pangyayaring hango sa sa mga sinaunang teksto.
22. DEKONSTRAKSYON - Teoryang pampanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding magdagdag ng mga tauhan.
If this content helps you, please share this NEWS with your friends and help someone to pass the board too!
#LETReviewers #PRC #LET #LicensedPRofessionalTeacher #LPT #GenED Reviewers for Teachers | LET Reviewers
/via Teachers ng Pinas
0 Comments