Filipino Reviewer Lesson 3 Gen-ED - Teachers ng Pinas


Filipino Reviewer Lesson 3 Gen-ED - Teachers ng Pinas


Mga Batayang Konsepto sa Pag-aaral ng WIKA

Mga Kasanayan:


1. Nagagamit nang wasto ang wikang Filipino

2. Naisasagawa ang mabisang pakikipagkomunikasyon sa wikang Filipino


PANGUNAHNG KAISIPAN


Ilang mga pananaw ukol sa wika:


 “…Maari nating hiramin sa loob ng isang panahon ang wika ng ibang bayan,ngunit hindi tayo tunay na makapag-aangkin ng isang wikang pambansa maliban sa pamamagitan ng pagpapatibay, pagpapaunlad  at paggamit ng isang wika na sariling atin.”

(Manuel L. Quezon)

Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito.

(Bienvenido L.Lumbera)

Ang wika ay isang panlipunang phenomenon.ibig sabihin,mahalaga ito hindi lamang sa indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang kinabibilangan.

(Pamela C. Constantino)

Mahalagang kasangkapan ng panlipunang capital ang wika na gamit ay gawing episyente o mabisa ang mga transaksyon sa isang ekonomiya.

(Tereso Tullao Jr.)


“Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Samakatuwid, wika ang behikulo n gating ekspresyon at komunikasyon na epektibong magagamit.”

(Dr. Arsenia R. Emperado)

Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay binubuo ng dalawang kakayahan:


kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila; tinatawag itong kakayahang linggwistika o linguistic competence

kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambaliralang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon; tinatawag itong kakayahang komunikatibo o communicative competence.

Mahalagang maunawaan ng lahat ng wika ay may grammar at nahahati sa sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika.

Ponolohiya

Patern o kumbinasyon ng mga tunog sa loob ng isang wika

Ponema- pinakamaliit ngunit pinakamakahulugang yunit ng tunog ng isang wika.

Mga Ponemang Segmental

Ito ay makabuluhang tunog sa Filipino na ginagamitan ng mga katumbas na titik upang mabasa at mabigkas.

Kabilang dito ang mga ponemang katinig, patinig, diptonggo,at klaster.

Mga Ponemang Katinig

Ang mga katinig ng Filipino ay maisasaayos ayon sa punto o paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig o walang tinig.

Posisyon ng Bahagi ng Dila sa Pagbigkas Harap Bahagi ng Dila

Sentral Likod

Mataas

Gitna

Mababa i

e

(ə)

a u

o

Mga Ponemang Patinig

Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos sa tsart ayon sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig-unahan,sentral,likod---at kung ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas---mataas,nasa gitna, o mababa.

Ang /i/, halimbawa, ay tinatawag na mataas-harap sapagkat kapag binibigkas ito, ang harap ng bahagi ng dila ang gumagana na karaniwan ay umaarko nang pataas.

May limang pangunahing patinig ang wikang Filipino: ang /a/. /e/,/i/,/o/, at /u/. Gayon man, mapapansing isinama sa tsart ang pomemang (ə) (schwa) na gamitin sa Pangasinan, ilang pook sa Ilokos,Maranaw,at iba pang lugar sa Pilipinas.

Sa maraming katutubong wika ng Pilipinas at maging sa wikang Filipino, mga allophone,o maaaring mapagpalit-palit ang mga tunog ng /e/ at /i/, gayon din ang mga tunog ng /o/ at /u/. Tulad nito:

/lala·keh/~/lala·kih/ ‘man’

/baba·eh/~/baba·ih/ ‘woman’

/Miyer·koles/~/Miyer·kules? ‘Wednesday’

Mga Diptonggo

Tumutukoy ang diptonggo sa mga pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,I,o,u) at isang malapatinig (w,y). Nasa ibaba ang tsart ng mga diptonggo sa wikang Filipino.

Posisyon ng Bahagi ng Dila sa Pagbigkas Harap Bahagi ng Dila

Sentral Likod

Mataas

Gitna

Mababa iw, iy

ey


ay,aw uy

oy,ow




Halimbawa:

aywan baytang alay

awdisyon restawran dilaw


Mga Klaster

Ang mga klaster o kambal-katinig sa Filipino ay dumarami dahil sa pagpasok ng mga Sali8tang Ingles sa wikang Filipino. Ang klaster ay ang mga magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.

Halimbawa:

blakboard brigada kard

kliyente krokis nars

komonwelt    transportasyon dimpols


Mga Ponemang Suprasegmental

Tumutukoy ang mga pomemang suprasegmental sa mga kahulugang yunit ng tunog na karaniwang di tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Kabilang sa mga pomemang suprasegmental ang tono(pitch),haba(length),diin(stress),at antala(juncture).

Tono

Ang tono ay paraan ng pagbigkas na maaaring malambing,pagalit,mabilis na parang nagmamadali,mahina at iba pa. Naiiba-iba ang tono o pagtaas at pagbaba ng tinig sa wikang Filipino batay sa iba’t ibang layunin at damdamin ng nagsasalita. Halimbawa maiiba-iba ang intonasyon sa sumusunod na pangungusap ayon sa inihahayag na damdamin ng nagsasalita.basahin ang mga pangungusap batay sa ipinahahayag na emosyon:

Ikaw nga! (nagulat)

Ikang nga! (pagalit)

Ikaw pala. (ordinaryong pagbati)

Ikaw pala. (walang interes na pagbati)

Diin

Ginagamit sa gramatikang ito ang dalawang magkahiwalay na bar (//) upang maglaman ng notasyong ponemik na sisimbolo sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ginagamit din ang tuldok /. / upang matukoy ang pantig o silabol ng isang salita na may diin (stress). Ito ay nangangahulugan naman ng pagpapahaba ng pantig na lagging may kasamang patinig. Tulad ng sumusunod kung saan may diin at pinahahaba ang pantig na sinusundan /./ :

/kasa.ma/*=companion

/kasama/=tenant

/magnana.kaw/=thief

/magna-na.kaw/= will steal

/magna.nakaw/=will go on stealing

Punto at Intonasyon

Tumutukoy ang punto sa kakaibang pagbigkas ng isang grupo ng mga tao. Halimbawa sa rehiyong Tagalog, iba-iba ang punto ng mga Batangenyo,Kabitenyo, taga-Quezon,Rizal,Bataan, at iba pang nasa Katagalugan. Sa pagsasalita pa lamanmg, matutukoy agad kung saan nagmula ang isang tao, lalo pa’t gumagamit siya ng “Ala e!” kung taga- Batangas, ng “Aru!” kung taga- Quezon at iba pa. ang ilang lugar naman sa Cebu na gumagamit ng “Agi!”

Hinto

Ito ay ang pagtigil sa pagsasalta na maaring panandalian (sa gitna ng pangungusap), o pangmatagalan (sa katapusan ng pangungusap). Sa pasulat na komunikasyon, sinisimbolo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng pangungusap.

Halimbawa:

Juan Carlo Jose ang pangalan niya.//

(tinutukoy si Juan Carlo Jose at sinasabi ang kanyang buong pangalan.Maaring itinuturo lamang si Juan Carlo Jose, o maari rin naming kaharap siya ng mga nag-uusap.)


Alpabetong Filipino

Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ang ayos:

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z,

Sa 28 letrang ito ng alpabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA ( A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, O, P, R, S, T, U, W, Y), at 8 letra ang dagdag ditto ( C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z ) na galling sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa ibang wika.

Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa Ñ (enye) na tawag-Kastila.

Salabikasyon

Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga local na wika at panghihiram.

Ang pagtukoy sa pantig, gaundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.

          Kayarian         Halimbawa

P   u-pa

KP ma-li

PK is-da

KPK han-da

KKP pri-to

PKK eks-perto

KKPK plan-tsa

KKPKK trans-portasyon

KKPKKK shorts


Palabuuan ng Salita


1. Morpolohiya-  ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morponema sa pagbuo ng mga salita sa isang wika. Pag-aaral ng mga morpema ng wika.


Morpema- pinakamaliit na yunit o bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Ito ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng salita.


Mga Paraan ng Pagbuo ng Salita


Payak ang anyo ng salita kapag binubuo ito ng salitang-ugat lamang.


Halimbawa:

langit yaman sulat

ilog puti lantad/hantad

bahay diwa talino


Maylapi ang anyo ng salita kapag binubuo ito ng salitang-ugat at panlaping maaaring ilagay sa unahan o hulihan ng salitang-ugat. Dahil sa panlaping nag-uuri, nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang salita.


Mga Panlaping Ginagamit sa Pagbuo ng Pangngalan


-an


1. lalagyan ng maraming bagay na isinasaad ng salitang-ugat

Halimbawa: atisan, manggahan, aklatan

2. pook na ginagampanan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat

Halimbawa: saingan, katayan, laruan

3. panahon o maramihang pagganap sa isinasaad ng salitang-ugat

Halimbawa: binyagan, anihan, taniman

4. gantihang kilos

Halimbawa: tulakan, tulungan, kuwentuhan

5. maramihan o sabayang kilos

Halimbawa: suguran, bilihan, sigawan



-in


1. relasyong isinasaad ng salitang-ugat

Halimbawa: pininsan, inale, inapo

2. nagsasaad ng karaniwang gamit o tungkulin ayon sa salitang-ugat

Halimbawa: salain, saluki, pakutin


                              ka-


1. kasama sa pangkat, katulong sa Gawain

Halimbawa: kabayan, kalahi, kaklase

2. nagsasaad ng relasyon ayon sa isinasaad ng salitang-ugat.

Halimbawa: kalaro, kausap, kamag-anak


       tag-


1. nagsasaad ng panahon

Halimbawa: tag-init, tag-ulan, tag-araw


Mga Panlaping Ginagamit sa Pagbuo ng Pang-uri


ma- + su : mahusay, maganda

mapag- + su : mapagbigay, mapagtanong

-in/ -hin + su : silanganin, kanluranin, artistahin

(nangangahulugang ng pagtataglay ng katangiang inihuhudyat ng salitang-ugat ang lahat ng panlaping ito)

maka- + su : makabayan, makabago, makamanggagawa

(mahilig, kampi, may malasakit)

mala- + su : malabituin, malasanto, malatelenobela

(tila, parang, halos)

pala- + su : palaluto, palabasa, palabati, palakain

su + -in : sakitin, bugnutin, magagalitin

( may tendensi, ugali o pagkamahilig)

ka- + su : kalahi, kasukat, kakulay

(kaisa, katulad)

su + -an/-han : noohan, pangahan, ilongan, matahan

(labis ang laki, malaki sa karaniwan)

-al : emosyonal

uwal/-wal : aktuwal/aktwal

-ante : importante, bastante


Mga panlapi para maipakita ang nasyonalidad o rehiyong pinagmulan, pati sekswalidad:


-o/a : Amerikano/Amerokana, Australyano/a

-es/esa : Hapones/ Haponesa

-ano/a : Ilokano/a, Bikolano/a

-ense : Pangasinense

-enyo/enya : Batangenyo/a


Inuulit ang anyo ng salita kapag inuulit ito ng parsyal o buo.


Halimbawa:

maganda-ganda (nangangahulugan ng moderasyon, di labis, di kulang)

mataas-taas

malayu-layo

masamang (+ -ng) + masama : masamang-masama  ( naghahayag ng kasukdulan)


Tambalan ang anyo ng salita kapag binubuo ito ng dalawang salitang maaaring magkaroon ng ibang kahulugan kapag pinagsama. May gitling (-) sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal subalit taglay pa rin nito ang kani-kanilang kahulugan. Wala nang gitling ang dalawang salitang pinagtambal kung nagkaroon na ito ng pangatlong kahulugan.


Halimbawa:

balat + sibuyas : balat-sibuyas (sensitibo)

ningas + kugon : ningas-kugon (mabuti lamang sa simula)

kapit + tuko : kapit- tuko (di humuhiwalay)

palabat + bunga : pabalat-bunga (pakitang-tao)

isip + lamok : isip-lamok ( kahinaan ng pag-iisip, di nag-iisip)

boses + ipis : boses-ipis (mahinang- mahina ang boses)

bahaghari

dalagambukid


Mga Panlaping Makadiwa o Panlaping ginagamit sa Pagbuo ng Pandiwa


1. Pandiwang pokus sa tagaganap o actor

Panlaping mag-, um-, maka-, makapag


Halimbawa:  magsaing, bumili, umasa, mangisda, makapagbenta

2. Pandiwang pokus sa layon

Panlaping I, -an, ipa, -in

Halimbawa: igisa, balatan, ipaukit, tabasin

3. Pandiwang pokus sa ganpan

Panlaping –an, pag------an

Halimbawa: ibili, ipanghingi, ipagluto

4. Pandiwang pokus sa tagatanggap 

Panlaping I-, ipang-, ipag- 

Halimbawa:  ipangsalok, ipambili, ipandilig

5. Pandiwang pokus sa instrument

Panlaping  ipang-

Halimbawa: ipinangsalok, ipambili, ipandilig

6. Pandiwang pokus sa direksyunal

Panlaping ika-, ikapang-

Halimbawa:  ikagulat, ikainis, ikinagaling, ikinapanghina

7. Pandiwang pokus sa direksyunal

Panlaping –an

Halimbawa: puntahan, kuhanan, utangan

Pagbabagong Morpoponemiko

Karamihan sa mga pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita ay sanhi ng pagdaragdag ng panlapi o pagsasama ng dalawa o higit pang morpema upang bumuo ng salita. Ang nagaganap na pagbabago ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.


Asimilasyon pang + bansa = pambansa; mang + daya = mandaya

Pang + tukoy = pantukoy; mang + dukot = mandukot

Pang + talo = panalo; mang + kuha = manguha

Pagpapalit ano + ano = anu-ano

Paglilipat y + in + akap = yinakap = niyakap

lipad + in = linipad = nilipad

Yaya + in = yinaya = niyaya

Pagbabago ng ma + dama = marami; ma + dapat = marapat

Ponema tamad + in = tamarin; lipad + in = liparin

Pagkakaltas bili + han = bilihan = bilhan; dakip + in = dakipin = dakpin

Tirah + an = tirahan = tirhan; sarah; sarah + an = sarahan = sarhan

Pagdaragdag paalala + han = paalalahan; paalalahan + an = paalalahanan

Pag-aangkop hintay + ka = teka


Kaantasan ng Katangiang Ipinahahayag ng Pang-uri

1. Lantay- karaniwang anyo ng pang-uring ginagamit sa paglalarawan 

Halimbawa: mataba, palabiro, sutil

2. Katamtaman- nagpapahayag ng katamtamang antas ng paglalarawan. Gumagamit ng mga salitang medyo, nang kaunti o nang bahagya.

Halimbawa: Medyo maitim siya ngayon.

         Payat siya nang bahagya ngayon.

Maaari rin ang katamtamang antas sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito.

Halimbawa: Malayu-layo rin ang kanilang bagong bahay.


3. Masidhi- nagagawa ang pagpapasidhi ng pang-uri sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita at paggamit ng pang-angkop na na o ---ng.

Halimbawa: Masayang-masaya siya ngayon.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping napaka-, pagka at kay.

Halimbawa: Pagkalapi-lapit lang ng kanilang tirahan

                   Kay-init-init ng panahon ngayon.

                       Napakasungit ng kaibigan mo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitanmg lubha, masyado,totoo,talaga,tunay,ubod ng, hari at iba pa.

Halimbawa:  Talagang maaasahan ang kaibigan kong iyon.

          Tunay na mahal ang mga bilihin nagyon.


Antas ng Hambingan

1. Pahambing- tawag sa mga pang-uring ginagamit sa paghahambing ng dalawang tao, bagay, o pook.

Halimbawa:  Kasinlaki mo si Kuya.

          Kapwa matalino ang magkapatid.

          Di kasinhusay ni Paul si Christian.

          Di hamak na mainam tumira sa probinsya kaysa Manila.


2. Pasukdol-  panlaping ginagamit sa pagbuo ng pasukdol na anyo ng pang-uri ay ang pinaka- at ka- -an.


Halimbawa:  Pinakamabili ang tinda nilang paputok.

          Kasuluk-sulukan ang kanilang pinuntahang bahay.

Pokus ng Pandiwa

Tumutukoy sa makahulugang ugnayan ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap. May pitong (7) uri ng pokus ang pandiwa.

1. Pokus sa Tagaganap/Aktor- ang paksa ay ang tagaganap ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa. Mga 

Halimbawa: Sumalok ng tubig ang bata.

2. Pokus sa Layon- binibigyang-diin sa pangungusap ay ang layon. Mga panlaping ginagamit: i-, -an, ma, ipa, at –in.

Halimbawa:  Isinalok ng bata ang timba.

3. Pokus sa Ganapan- binibigyang-diin ng paksa ay ang lugar o ang gaganapan ng kilos. Mga panlaping ginagamit: pag-…-an/han, mapag-…-an/han, at pang-..-an/han

Halimbawa: Pinagsalukan ng bata ng tubig ang balon.

4. Pokus sa Tagatanggap- ang paksa ay ang tagatanggap o ang pinaglalaanan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Mga ginagamit na panlapi: i-, ipang-, at ipag-.

Halimbawa:  Ipinangsalok niya ng tubig ang ama.

5. Pokus sa Instrumento o Gamit- ang paksa ng pangungusap ay ang instrument o gamit sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlaping ginagamit ipang-

Halimbawa:  Ipinangsalok niya ng tubig  ang timba.

6. Pokus sa Direksyon- ang paksa ng pangungusap ay ang direksyon o tinutungo ng kilos na isinasaad ng kilos. Mga panlaping ginagamit: -an/-han.

Halimbawa:  Pinagsalukan ng bata ng tubig ang balon.

7. Pokus sa Sanhi- ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos. Mga panlaping ginagamit: i-, ika- at ikapang-.

Halimbawa:  Ikinatakot ng bata ang pagkaubos ng tubig.

Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ay ang katangian ng padiwa na nagsasaas kung nasimulan na o hindi pa ang kilos. Ang mga pandiwa sa Filipino ay nababanghay sa tatlong aspekto.

1. Perpektibo/Pangnagdaan- ang kilos ay nasimulan na o natapos na. maaari ri itong magsaasd ng kilos na kakatapos lamang. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag- uulit ng unang katinig at unang patnig o unang patinig lamang ng salitang-ugat.

Halimbawa:  Nagtinda siya ng isda sa palengke

          Katitinda lang niya ng isda sa palengke

2. Imperpektibo/Pangkasalukuyan- ang kilos ay nasisimulan na at ipinapagpatuloy pa.

Halimbawa:  Nagtitinda siya ng isda sa palengke

3. Kontemplatibo/Panghinaharap- ang kilos ay di pa nasisimulan.

Halimbawa:  Matitinda  siya ng isda sa palengke.

Ang Paningit o Ingklitik

Ang paningit o inklitik ay katagang isinisingit sa pangugusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Halimbawa:  ba, kasi, kaya, daw/raw, din/rin, ho, lamang/lang, man, muna, na, manan, nga, pa, pala, sana, tuloy,   at yata.

Ayos ng Pangungusap sa Filipino

Ang batayang pangungusap sa Filipino ay binubuo ng dalawang panlahat ng bahagi---- ang panaguri at ang paksa.

1. Paksa- pinag-usapan o pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap.

2. Panaguri- nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

Iba’t Ibang Uri ng Panaguri sa Filipino:

1. Panaguring Pangalan

Halimbawa: Kompyuter ang gustong regalo ng bata.

         Aklat-pambata ang dala ko.

2. Panaguring Panghalip

Halimbawa:  Sila  ang kamag-anak ko.

         Tayo  ang maghahatid ng sulat.

3. Panaguring Pang-uri

Halimbawa:  Malungkot ang buhay sa Dubai.

                        Mahal ang nabili kong damit.

4. Panaguring Pandiwa

Halimbawa:  Tumalon  ang bata.

                        Pumitas ng talbos si Joan.

5. Panaguring Pang-abay

Halimbawa:  Ngayon ang alis namin.

          Ganito ang pagluluto ng yema.

 

Karaniwang -Ayos ng Pangungusap- likas ng kayarian ng pangungusap sa Filipino na mauna ang panaguri sa paksa. Ginagamit ito sa ping-araw-araw na usapan.

Halimbawa: Nakabili ng dyip ang Tatay

        Naglaba kami ng mga damit sa sapa .


Di Karaniwang-Ayos ng Pangungusap- higit na gamitin sa mga pormal na sitwasyong komunikatibo, tulad ng pulong, sa hukuman, o pakikipag-usap sa mga pinuno.


Halimbawa:  Ako ay naatasang mamuno ngayon.

         Sila ay maghahain ng reklamo laban sa kapitan ng barangay.


Ang Wastong Gamit ng Salita


Ng at Nang


Gamit ng NG

ginagamit bilang pantukoy

Halimbawa: Nag-aaral ng  Ilokano si Sonia


ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay with 

Halimbawa:  Hinampas niya ng paying ang aso.


ginagamit bialng pang-ukol na ang katumbas ay sa

Halimbawa:  Magsisisuwi ng  Pilipinas ang magagaling na doctor.

Gamit ng Nang

ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-iisa

Halimbawa: Nang siya ay dumating, dumagsa ang tao.


ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inangkupan ng “ng” kaya’t nagiging “nang”

Halimbawa: Nagbalita nang  malakas ang aking kaibigan sa opisina.

May at Mayroon

Gamit ng May

ginagamit ang may kung ang sumusunod na salita ay:


Pangngalan

Halimbawa: May  batang nahulog.

Pandiwa

Halimbawa:  May sasayaw na babae mamayang gabi.

Pang- uri

Halimbawa:  May bagong bahay na nasunog.

Panghalip na paari

Halimbawa: May  kanya-kanya tayong alam.

Pantukoy na mga

Halimbawa: May mga batang pupunta ditto mamaya.

Pang-ukol na sa

Halimbawa:  May sa- kalabaw ang boses ng taong iyan.

Gamit ng Mayroon

sinusundan ng panghalip na palagyo

Halimbawa: Mayroon kaming dadaluhang pulong bukas.

sinusundan ng isang kataga

Halimbawa:  Mayroon ding pulong ang kababaihan.

ginagamit sa patalinghagang kahulugan

Halimbawa:  Si Mayor Favila ang mayroon sa lahat.

Subukin at Subukan

subukin- “pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang bagay o tao.”

subukan- “tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o ng mga tao.”

Halimbawa: Subukin mong gamitin ang sabon na ito.

         Sinubukan nila ang disiplina ng mga mag-aaral.

Pahirin at Pahiran

pahirin- pag-aalis o pagpawi

pahiran- paglalagay ng bagay

Halimbawa:  Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.

          Pahiran mo ng pulang pintura ang gate. 


Walisin at Walisan

walisin- pandiwang pokus sa layon

walisan- pandiwang pokus sa ganapan


Halimbawa: Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.

         Walisan mo ang bakuran.

Maliban at Bukod


maliban- (except o aside) may kahulugang matangi sa bagay na binanggit ay wala nang iba.

bukod- (in addition to o besides) karagdagang sa mga bagay na binanggit. 

Halimbawa: Maliban sa lupa, wala na siyang maiiwan sa nag-iisang anak.

        Bukod sa lupa, may bahay pa siyang maiiwasan sa nag-iisang anak.   

Kung at Kong


Gamit ng Kung

ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makap-iisa sa mga pangungusap na hugnayan


Halimbawa: Kung siya’y narito, tayo’y magiging magulo.


Gamit ng Kong

buhat sa panghalip na ako ang akong at nilalagyan lamang ng pang-angkop na  ng sa pakikiugnay sa salitang sumusunod:


Halimbawa: Ipinagtapat kong  nangyari.

Din at Rin; Daw at Raw; Doon at Roon


Gamit ng din,daw,doon

ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa w  at y 


Halimbawa: Napanood din nila ang pelikula.

         Napanood daw nila ang pelikula.

         Napanood doon nila ang pelikula.


Gamitin ng rin, raw, roon 


ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig. Ang w at y ay itinuturing na malapating. Samakatuwid, an grin, raw, roon ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa mga titik na ito.


Halimbawa: Himala rin ang kailangan niya.

         Kaliwete raw ang dalaga.

         Umuwi roon ang kanyang asawa.


Ika at Ika-


Gamit ng ika


ginagamit bilang  panlapi sa bilang na isinusulat balng salita

Halimbawa: ikatlong taon

         Ikalimang araw

Gamit ng ika-

ginagamit ang ginitlingan na “ika” bilang panlapi kung mismong bilang ang isusulat.


Halimbawa: ika-25 ng Enero

Ika- 5 taon


Maka at Maka-


Gamit ng maka

ginagamit ang “maka” na walang gitling kung pangngalang pambalana ang kasunod na salita.


Halimbawa: Naglunsad ng poetry reading ang mga makabayan.


Gamit ng maka-


ginagamit ang may gitling na “maka-“  kapag sinusundan ngt pangngalang pantangi


Halimbawa:  Maka-Nora  ang mga nanonood ng kanyang mga pelikula.


Gawin at Gawan


ginagamit ang mga panlapi –in/-hin sa mga pandiwang pokus sa layon


Halimbawa: Gawin  mo ang sa tingin mo ay tama.


ginagamit ang panlaping –an/-han sa mga pandiwang pokus sa direksyon


Halimbawa:  Subukan mong gawan siya ng mabuti.


Ang Wikang Filipino sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas


Artikulo XIV- Edukasyon,Syensya at Teknolohiya, Mga Sining,Kultura, at Isports


Wika


Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito, ito ay dapat na pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. 

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipaaya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggami ng Filpino bilang midyum ng opisyal na kominikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.


Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filip[ino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang wikang panrelihiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.

Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.


Seksyon8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filpino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrelihiyon,Arabic at Kastila


Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga knatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga didiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng ga pananaliksik sa Filpino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.


Pagbasa


Mga pananaw ukol sa pagbasa:


Ang pagbasa ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan kung saan ang mambabasa’y aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at istratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing kinapapalooban ng may kamalayan at walang kamalayang paggamit ng iba’t-ibang estratehiya, kasama na ang mga estratehiya sa paglutas ng suliranin upang makabuo ng modelo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor (Johnson, 1983).

Ang pagbasa ay proseso ng pamimili ng mga pahiwatig pangwika batay sa ekspektasyon ng bumabasa. Habang ang bahagi ng impormasyon ay nakikilala, nakagagawa ang mambabasa ng pansamantalang desisyon o hinuha na patutunayan niya, iwawaksi o pagtitibayin habang bumabasa (Kenneth Goodman, 1976).

Dahil magkaugnay ang pagbasa at pag-iisip, binabanggit ni Mikuleckey(1990) ang ginawang pagtutulad nina Kintsch at Van Dijk (1978), Rumelhart at Ortony (1977) at Winogard (1977), sa pagbasa sa pagpoproseso ng impormasyon upang maunawaan kung paano nag-iisip at umuunawa ang isang tao. Ayon sa kanila, dalawang aspekto ng “human information processing system” ang nagkakatulungan kapag nagbabasa ang isang tao:

Concept Driven o Itaas-Pababa- kapag ang bumabasa ay higit na nakatuon sa kung ano ang alam niya upang mantindahan ang binabasa.

Data Driven o Ibaba-Pataas- kapag higit na umaasa ang bumabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Ang Mapanuring Pagbasa

Ang mapanuring pagbasa ay isang halimbawa ng marahan at maingat na pagbasa na nangangailangan ng masuring prosesong pangkognitibo. Pangunahing layunin nito ay malayang pag-iisip at kasanayan sa pagsusuri sa pagtataya.


Mga kasanayan sa Mapanuring Pagbasa

1. Paghinuha sa maaaring mangyari

2. Pagpapangkat ng mga ideya

3. Paghahambing at pagtutulad

4. Pagtatangi ng katotohanan sa palagay/opinion

5. Pagbuo ng konklusyon

6. Pagbibigay ng sanhi at bunga

7. Pagkakasunud-sunod ng mga ideya

8. Paglalagom

9. Pagtukoy at pagpapahalaga sa katangian ng tauhan

10. Pagsusuri ng mga impormasyon

11. Pagpapakahulugan sa matatalinghagang pahayag

12. Pagpapakahulugan sa mga pahiwatig ng pahayag

13. Pagtutukoy sa magkakaugnay na ideya/ konsepto

14. Pagtukoy sa suliraning tinutukoy sa binasa

15. Pagbibigay reaksyon sa himig at tono ng seleksyon


Proseso ng Pagbasa

Ang pagkuha ng impormasyon di lamang nakakamit sa pagbabasa ng mga nakalimbag na sagisag. Mayroon ding mga impormasyong ginagamit ang bumabasa na nasa kanyang isipan na kanyang binabalikan kung kailangan niya sa pagbasa ng teksto. Ito ay ang mga di biswal na impormasyon ng binubuo ng datng kaalaman 

(prior Knowledge).


Metakognisyon sa Pagbasa


Pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa.

Ang metakognisyon ay ang mataas na kasanayang pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitiv na napapaloob sa pagkatuto (Livingston,1996).

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin ng metakognisyon ang malawakang control sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o Gawain (McNeil, 1987).

Tatlong Uri ng Prosesong Metakognitiv ayon kay McNeil:

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa.

Kaaalam kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon; at 

Kalaaman ng mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa o pagkaalam kung kalian siya din a nakauunawa.

Komunikasyon

Aktibong  proseso ng paghahatid at pagkuha ng mensahe at tugon (feedback) sa pamamagitan ng interaksyon ng tagahatid at tagatanggap.

Ang komunikasyon ay ang pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Ito ay isang paraan ng pakikiugnay, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan.

Ang komunikasyon ay proseso ng pagbibigay (giving) at pagtanggap (receiving).

Kung kahulugang komunikatibo ang susuriin sa isang pahayag, tiyak na iuugnay ito sa tungkulin ng komunikasyon at ang kaugnay na gawi ng pagsasalita tulad ng ipinakikita ng sumusunod na tsart ni Gordon Wells.

Tungkulin ng Komunikasyon

( Functions of Communication) Gawi ng Pagsasalita

(Speech or Communication Acts)

A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba

(Controlling Function) Pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay babala

B. Pagbabahagi ng damdamin

(Sharing feelings) Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon, pahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat

C. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon

(Getting factual information)

D. Pagpapanatili sa pakikipag-kapwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa 

(Ritualizing Function) Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pagsagot

Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin


E. Pangangarap at  paglikha

(Imagining/Creating Function) Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao, paghula



Panitikan

Ang salitang Tagalog na “panitikan” ay galling sa unlaping PANG- ( na nagigi9ng PAN- kapag ang kasunod na ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s,t); sa ugat ng TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa PAN-; at sa hulaping –AN, samakatuwid; pang * titik * an.

Ang salitang ito ang panumbas ng tagalong sa “literature” o “literature” na parehong batay sa ugat na Lating “litera” na ang kahuluga’y  “letra” o titik.

Ayon kay Hno. Azarias, sa kanyang aklat na “Pilosopia ng Literature:, ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggi sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha.

“Nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.” (W.J Jong)


Anyo ng Panitikan


Tuluyan (prosa)- maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Halmbawa,anekdota,alamat,maikling katha, kathambuhay,sanaysay,talambuhay,dula, at iba pa.

Patula- pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig (6,8,12,16, o 18 sa taludtod) at pinapagtugma-tugma sa mga dulo ng mga taludtod sa loob ng isang estropa (stanza). Halimbawa, liriko, oda, pastoral, kurido, tulang pasalaysay, tulang padula, soneto, t iba pa.


Matandang Panitikan


Ang matandang panitikan ay inuuri sa dalawa:


Pasalita- kabilang sa panitikang hindi nakasulat ang mga pahayag na binubuo ng maiikling taludturan tulad ng salawikain, kasabahan, bugtong, mga talinghaga at mga awiting-bayan.

Pasulat- sa paglipas ng panahon, ang panitikang ito’y nagpasalin-salin sa bibig ng mamamayan; ito ay napagyaman, hanggang sa nagging maunlad ang panulatan at palimbagan at napatala na sa mga aklat- mga akdang kababakasan ng nakalipas na panahon.


Salawikain o Sawikain at Kasabihan- karamihan sa mga ito ay may impluwensya ng Arabe,Malay at ng Indo-Tsina.


Salawikain o Sawikain- nagtataglay ng talinghaga. Nagsisilbing mga panuntunan sa buhay- mga bata ng kaugalian at patnubay ng kagandahang-asal. Binubuo ito ng mga taludtod na karaniwan ay dadalawa, may sukat at tugma at nagbibigay-aral.


Halimbawa:


Ang bato sakdal man matigas

Tubig na malambot ang nakaaagnas.


Di man Makita ang apoy

Sa aso matutunton.


Ang inahing mapagkupkop

Di man anak isusukob.


Sabi o Kasabihan- hango sa karunungan ng matatandang may mga karanasan sa buhay. May himig paalaala, kung minsa’y parang nanunudyo at hindi gumagamit ng malalalim na mga talinghaga. Payak lamang ang kahulugan ng mga ito na kasalaminan din ng gawi at ugali ng tao.


Halimbawa:


Anak na di paluhain

Ina ang patatangisin


Nasa banig

Lumipat sa sahig


Kuwalta na

Nagging bato pa.


Walang sumisira sa bakal

Kundi kanyang ring kalawang.


Ang maniwala sa sabi

Walang bait na sarili.


Bugtong, Talinghaga, Tanaga- sa aklat na Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) nina Padre Juan de Noceda at de San Lucas, maraming maiikling matulaing pagpapahayag na kinabibilangan ng bugtong, talinghaga, at tanaga.


Bugtong- tugmang naghahamon sa tao na mag-iisip nang madalian nang walang pagbabatayan kundi ang nilalarawan ng mga salita. May layunin itong mapasigla ang guniguni at mapatalas ang isip.


Halimbawa: 


Di matingalang bundok Kinalag ang balangkas

Darak ang nakakamot. Sumayaw nang ilagpak.

(BALAKUBAK) (TRUMPO)


Kakabiyak na niyog Isang balong malalim,

Magdamag inilibot. Punung-puno ng patalim.

(BUWAN) (BIBIG)


Talinghaga- isang payak na metaporang may walong pantig sa bawat taludtod. Ito ay may sukat at tugma.


Halimbawa:


Labong ng katawayang bagong tumutubo

Langit na mataas ang itinuturo;

Kapag tumanda na at saka lumago,

Lupang pinagmulan, doon din ang yuko.


Tanaga- ayon kina Noceda at Sanlukar, isang tulang may apat na taludtod na pipituhing-pantig at naghahamon din sa isip.


Halimbawa:


Ang tubig ma’y malalim Baging akong kalatkalat

Malilirip kung lipdin Kya ako nataas

Itong budhing magaling Sa balite kumalat

Maliwag paghanapin. Nakinabang ng taas.


Bulong- tulang ginagamit sa panggagamot o pang-iingkanto.


Halmbawa: 


Huwag magalit, kaibigan Tabi po, tabi po

Aming pinuputol lamang Huwag pong manununu.

Ang sa ami’y napag-utusan.


Awiting-bayan- tulad ng alinmang tula, ang mga ito ay may sukay at tugma. Di nakilala ang mga kumatha ng maraming awiting-bayan.


Itinala ni Epifanio de los Santos Cristobal ang sumusunod na awiting-bayan:


1. Suliranin (awit sa paggaod)

2. Talindaw ( awit sa pamamangka)

3. Diona (awit sa panliligaw at pagkakasal)

4. Oyayi o ayayi (awit sa paghehele)

5. Kumintang (awit sa pakikidigma; nang lumao’y nagging awit sa pag-ibig)

6. Sambotani ( awit sa pagtatagumpay )

7. Kundiman (awit ng pag-ibig)

8. Dalit (himno)


Epiko-  mga tulang- salaysay tungkol sa mga bayani at sa kanilang kabayanihan. Ang mga bayaning ito ay tila mga bathala sa pagtataglay ng kapangyarihan. Ang mga epiko ay paawit kung isalaysay. Sinasabing ang mga epiko ng mga Bisaya, Tagalog, Ilukano, Ifugao, at Bikol ay napasulat sa Alibata, samantalang ang epiko ng Mindanao ay nakasukat sa Sanskrito.


Halimbawa:

1. Hudhud ( Ifugao)

2. Ibalon ( Bikol)

3. Biag ni Lam-ang (ilokano )

4. Maragtas ( Hiligayon-Iraya)


Akdang Panrelihiyon


1. Doctrina Cristiana- kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas. Nilimbag ito sa pamamagitan ng silograpiya noong 1593.

2. Nuestra señora del Rosario- isinulat at inilimbag ni Pari Blanca de San Jose,O.P, noong 1602 sa Imprenta ng Santo Tomas.

3. Barlaan at josaphat-  isinulat ni Pari Antonio de Borja, S.J. at inilathala noong 1708 at muli noong 1712. Ito ay batay sa mga salaysay mula sa Bibliya. Ipinalalagay na ito ang kauna-unahang nobelang Tagalog kahit salin lamang.

4. Pasyon- sa panahon ng kuwaresma, ang buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay inaawit.

5. Mga Dalit kay Maria- sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.


Pari Modesto de Castro- dahil sa kanyang Urbana at Feliza, tinagurian siyang “ Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog.”


Ang Dula


Panunuluyan- isang uri ng dulang pangrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila. Ang pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko.


Senakulo-  isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon.  Itinatanghal ito kung Mahal na araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”.


Moro-Moro-  itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap ditto: ang mga Kristiyano at ang mga Moro. Tinawag itong  comedia de capa y espada  na sa kalauna’y nagging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”. Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-kristiyanong tinawag ng mga Kastilang “moro”. Lagging magtatagumpay ang mga kristiyano sa mga paglalaban.


Tibag¬- ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan ditto ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si emperador Constantino. Tinatawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng kalbaryo sa paghanap ng krus.


Mga Unang Tula

Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag sa kanyang aklat sa Librong pag-aaraaln nang manga Tagalog sa Uicang Castila. Ang tula ay binubuo ng magkasalit na taludtod sa Tagalog at Kastila sa layuning matutuhan ang Kastila.


Felipe de Hesus-  ipinalalagay ng mga manananaliksik na ang kritikong si Filipe de Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang unang tunay na makatang Tagalog.


Mga tulang Romansa


Kurido- tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga paksang kababalaghan at maalamat ( karamiha’y halaw at hiram sa paksang galling sa Europa) na dala rito ng mga Kastila. Inaawit ito nang mabilis o “allegro”. May walong pantig ang taludturan.

(Halimbawa: Ibong Adarna)


Awit- isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong at kung inaawit ay marahan o “Andrade”.

(Halimbawa: Florante at Laura)


Mga Manunulat ng Kurido at awit


 Ananias Zorilla- may akda ng awit na Dama Ines at Prinsipe Florinio.


Jose de la Cruz (1740-1892)- kilala sa sagisag na Huseng Sisiw. Siya ang kauna-unahang mag-aayos ng tula. Tinawag siyang Huseng Sisiw sapagkat sisiw ang karaniwang pabuya na ibinibigay ng nagpapagawa sa kanya ng mga tula ng pag-ibig at ng nagpapaayos sa kanya ng tula. Kumatha ng Historia Famosa ni Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, Adela at Florante at Flora at Clavela.


Francisco Baltazar(Balagtas)1788-1862- Isinilang sa Panginay.Bigaa, Bulacan noong ika-2 ng Abril, 1788. Sumulat ng Florante at Laura na inialay niya sa kanyang iniibig na si Maria Asuncion Rivera (M.A.R) na tinawag niyang si :Celia” sa akda.


Karagatan- isang paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang namatay. Ang mga kasali rito ay umuupo nang mailibing ang namatay. Ang mga kasali rito ay umuupo nang pabilog at nasa gitna ang hari.


Duplo- isang paligsahan sa pagtula na karaniwang ginaganap sa bakuran ng namatayan, sa ikasiyam na gabi matapos mailibing ang namatay, bilang panlibang sa mga naulila.


Ensilada- isang paligsahan sa pagtula na ginawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi habang nagsisiyam ang namatay.


Panahonng Pagbabago at Paghhmagsik


Herminigildo Flore- isang manunulat sa panahon ng himagsikan. Sa kanyang mga sinulat ay lalong bantog mahabang tulang may pamagat ba “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”


Mga Pangunahing Manunulat-propagandista


Jose P. Rizal (1861-1896)- Naipalimbag niya sa Berlin ang nobelang Noli Me Tangere(1887) Noong 1890, tnapos niya ang ikalawang nobela, ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium. Gumamit si Rizal ng mga sagisag na Dimas-Alnag, Laong-Laan. Si Rizal ay nakakapgsalita ng dalawampu’t dalawang wika.


Marcelo H. del Pilar- bilang pangunahing pinuno ng kilusang Propaganda, ipinakita niya kaagad ang pagtutol sa mga pamamalakid ng mga kastila. Lantad ang nagyon niyang damdamin sa pahayagang Diaryong Tagalog, na itinatag at pinamatnugan niya noong 1882. Noong Nobyembre 15,1889, napasali8n sa kanya ang pagiging patnugot ng La Solidaridad. Gumamit siya ng mga sagisag tulad ng Dolores Manapat, Piping Dilat, maitalaga, Kupang, Carmelo, L.O Crame, at Pupdoh.


Mag akda ni del Pilar:


1. Pag ibig sa Tinubuang Lupa- salin ng tulang Amor Patrio ni Rizal

2. Caiigat cayo 1888

3. Dasalan at Tocsohan 1888

4. Ang Kadakilaan ng Dios

5. Sagot ng espanya sa Hbik ng Pilipinas 1889

6. Dupluhan…,Dalit…. Mga bugtong…


Graciano Lopez Jeana(1856-1896)- itinatag niya sa Espanya ang Circulo Hispano-Filipino sumulat ng mga ulat para sa Circulo. Noong 1889, itinatag niya ang La Solidaridad at nagging unang patnugot nito. Nang mapalipat kay M. del Pilar ang tungkulin ng patnugot, nagging manunulat na lamang siya ng pahayagan. Nagkubli siya sa pangalan Diego Laura. Sa kanyang panahon, higit siyang kinilalang orador kaysa manunulat. Sinulat niya ang Fray Botd, isang maikling nobelang mapang-uyam na naglalarawan sa “kabibaan ng mga prayle”. Ang Fray Botod ay prayleng napakalakas kumain.


Mariano Ponce(1863-1899) gumagamit ng mga sagisag na Naning, Tikbalang, Kalipulako. Kabilang sa mga akda niya ang Mga Alamat ng Bulakan, at ang dulang Pagpugot kay Longino,”


Antonio Luna(1866-1899) parmasyutikong gumagamit ng sagisag na Taga-ilog sa kanyng pag-akda. Marami siyang naiambag sa La Solidaridad. Kabilang sa mga akda niya ang Noche Buena, La Tertulia Filipina, La Maestra de Mi Peublo at angImpresiones.

Pedro A. Paterno(1858-1911)- may-akda ng Ninay isang nobelang sosoyolohiko. Ito ang unang nobelang sinulat sa Kastila ng isang Pilipino.


Pascual Poblete( 1858-1921)- nobelista, makata, mananalaysay at tinaguriang Ama ng Pahayagan. Siya ang nagtatag ng mga pahayagang El Resumen, El Grito del Pueblo at ang Tinig ng Bayan. Siya rin ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Mr Tangere.


Jose Maria Panganiban(1865-1895)- sumulat ng mga sanaysay, lathalain at mga talumpati sa ilalim ng sagisag na Jomapa.


Pedro Serrano Laktaw- leksikograpo at nmanunulat;isa ring pangunahing Mason. Siya ang unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog (1889).


Isabelo delos Reyes- nagtatag ng “iglesia Filipina Independente, nagtamo ng gantimpala sa Exposisyon sa Madrid, sa sinulat na El Folklore Filipino.


Fernando Canon- kaklase ni Rizal sa ateneo.sumulat siya ng tula ukol kay Rizal. Sa mga tulang png-Rizal nagsimula ang kanyang katanyagan.


Kapwa pintor naman sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo


Mga Akdang Mapanghimagsik


 Ang paghihimagsik laban sa mga kastila ay pinagtampukan ng mga akda nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, mga akdang nasulat sa Tagalog, ang wikang opisyal ng Katipunan. Samantalang paghihimgsik laban sa mga amerikano ay  tinampukan naman ng mga akda nina Apolinario Mabini at Jose Palma.


Andres Bonifacio( 1863-1897)- kinilalang Ama ng Demokrasyang Pilipino kinikilala rin siyang Dakilang Plebyo. Siya ay kasal kay Gregoria de Jesus ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Si Bonifacio ay gumamit ng mga sagisag na Agap-ito, Bagumbayan, at May Pag-asa.


Mga Akda ni Bonifacio:


1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (tula)

2. Sampung Utos

3. Pahimakas (salin ng Mi Ultino Adios ni Rizal)

4. Mga Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan (dekalogo ng Katipunan)

5. Ang dapat Mabatid ng mga Tagalog (sanaysay)

6. Katapusang Hibik ng Pilipinas (Tulang tugon sa tula ni del Pilar na Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas)


Emilio Jacinto (1875-1899)- kinilalang Utak ng Katipunan dahilan na rin sa kanyang katalinuhan. Sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Ginamit niya sa pagsulat ang sagisag na Dimas-Ilaw, ginamit naman niyang pangalan bilang kasapi ng Katipunan ang “ Pingkian”.


Mga akda ni Jacinto:


1. A La Patria ( tulang hawig sa Mi Ultimo Adio ni Rizal )

2. A Mi Madre (isang oda)

3. Liwanag at Dilim( katipunan ng mga sanaysay)

4. Ang Tao any Magkakapantay

5. Kalayaan


Apolinario Mabini(1864-1903)- kilala sa bansag na Dakilng Lumpo. Tinaguriang siyang Utak ng Himagsikan. Bilang manunulat marami siyang akda sa Kastila mga akdang pampolitika,sosyolohiko, pampamahalaan at pilosopiko.


Mga Akda ni Mabini:


1. La Revolucion Filipino

2. El Verdadero, Decalogo (Ang Tunay na Dekalogo)


Jose Palma(1876-1903)- kabilang sa mga manunulat sa panahon ng rebolusyon laban sa mga Amerikano. Ang tulang Filipinas ang makabuluhan niyang ambag sa panitikan. Ito ang nagging titik ng musikang nilikha ni Juan Felipe.


Pag-unlad ng Tula


 Unang Hati- sa mga unang tatlumpu hanggang apatnapung taon ng pananakop ng mga Amrikano, ang mga makatang Pilipino ay mapapangkat sa dalawa: nakatatanda at nakababata.


1. Nakatatanda- kabilang sa nakatatanda sina Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan at iñigo Ed Regalado. Ang unang pangkat na ito ay aral sa Kastila.

2. Nakababata- sa nakababata naman ay sina Jose Corazon de Jesus, Teodoro Gener, Ildefonso Santos, Cirio H. Pnagniban,Aniceto F. Silvestre at Amado V. Hernandez.


Lope K. Santos(1879-1963)- tinatawag na Ama ng Balarilang Pilipino. May akda ng Banaag at Sikat. Bilang makata, lagging nababanggit kaugnay ng pangalan niya ang mga tulang Ang Panggingera, Puso’t Diwa, Mga Hamak na Dakila at Sino Ka—Ako’y Si….


Pedro Gatmaitan- ang kanyang mga tula ay napatanyag dahil sa hindi malayong paggunita sa mga kabayanihan ng mga bayani ng digmaan at ng himagsikan 1896. Nagkubli siya sa mga sagisag na Pipit-Puso, Dante, Ernesto Salaminsim at Alitaptap. Nakilala ang kanyang Tungkos ng Alaala, katipunan ng kanyang mga natatanging tula.


Ikalawang Hati-sa panahong ito namayani ang mga nakababatang Jose Corazon de Jesus, Cirio Panganiban, Deogracias A. Rosario, Ildefonso Santos, Benigno Ramos at Aniceto Silvestre.


Ilaw at Panitik- isang tanyag na samahanh pangwika na nagtatag noon. Ang unag pangulo ng samahan ay si jose Esperanza Cruz, nagging patnugot ng Liwayway. Panahon din ito ng mga patimpalak sa pagtula at pagsulat ng tula at sa mga ganitong pagkakataon ang mga makatang kasapi ng ilaw at panitiki ay naghali-halili sa pagkakamit ng unang gantimpala.


Balagtasan- supling ng matandang duplo. Abril 6, 1924, idinaos ang kauna-unahang balagtasan. Ginanap iyon sa bulwagan ng Instituto de Mujeresa, sa Kalye Tayuman, Tondo, Maynila. Ang pamagat ay Bulaklak ng Lahing Kalinis-linis. Si Jose Corazon de Jesus ang lumagay na Paruparo at si Florentino Collantes naman ang sa Bubuyog. Si Sofia Enriquez naman ang mabangong kampupot o bulaklak ng kalinisan, samantala si Lope K. Santos ang siyang nag-lakandiwa. Si Jose Corazon de Jesus ang nanalo sa labanang iyon, ayon sa pasiya ng hurado. Nagging unang Hari ng Balagtasab si Batute.


Jose Corazon de Jesus- nagging Makata ng Pag-ibig sa halalan ng mga mambabasa ng pahayagang Mithi noong 1916. Isa sa mga tanyag niyang tula ang Isang Punongkahoy.


Florentino Collantes- nagging katunggali ni battue sa mga pagbabalagtasan. Naibigay sa kanya ang karangalan Makata ng Bayan kapanabay ng pagbibigay kay Lope K. Santos ng karangalang Paham ng wika, kabilang sa mga tula niya ang sumusunod: Ang Sawa, Sa Dakong Silangan, Ang Lumang Simbahan at Ang Tulisan.


Iba Pang Makata


Teodoro E. Gener- pangunahing tula niya ang Subo ng Sinaing, Guro at Pag-ibig


Aniceto F. Sil;vestre- makata ng damdamin. Ang kanyang tulang Filipinas ay ipinagwagi niya ng gantimpala sa tula sa isang patimpalak na Surian ng Wikang pambansa noong 1946.


Teo S. Baylen- ang mga tula niya sa loob ng tatlumpung taon ay isina-aklat sa kanyang tinig na Darating.


Ang pag-unlad ng Dula


Ang dula ay isang sangay na panitikang naglalahd ng isang pangyayari o mga pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at ng iba pang mga katulong na tauhan na itinatanghal sa isang dulaan.


Sarsuwela- bilang panooring panlibangan, ay ipinakilala ng mga Kastila noong mga taong 1878-1879 ngunit di nagkaroon ng sapat na panahon upang umunlad at lumaganap. Kaagaw pa nito ang moro-moro na mas dinudumog ng mga mamamayan.


Mga kilalang Mandudula


Severino Reyes- pangunahing manunulat ng sarsuwela si Severino Reyes. Kilala rin siya sa sagisag na Lola Bsyang dahil sa kanyang mga kuwentong-bayan na inilathala sa Lingguhang Liwayway. Ang kanyang sarsuwelang Walang Sugat ang itinuturing na kanyang obra-maestra. Noong 1922, nagging patnugot siya ng Liwayway.


Patricio Mariano- isang mandudula, peryodista, kuwentista, nobelista at makata. Marami siyang nasulat na dula na kinabibilangan ng Anak ng Dagat, Ang Tulisan, Ang Dalawang Pag-ibig, Ako’y Iyo Rin, at iba pa. siyang tinaguriang Dekano ng mga Mandudulang Tagalog.


Hermogenes Ilagan- siya ang nagsabing kaagaw ni Severino Reyes sa Kasigasigan sa paglikha at pagtatanghal ng sarsuwela. Ang pinakatanyag niyang dula ay ang Dalagang Bukid.


Julian Cruz Balmaseda- namumukod ang kanyang aral sa pag-iimpok sa tulang Ang Piso ni Anita. Ito ang dulang nagtamo ng unag gantimpala sa timpalak ng Kawanihan ng Koreo; sa kanyang Sa Bunganga ng Panting, binaka niya ang sakit na nililikha ng salaping patubuan.


Aurello Tolentino- dalubhasa sa paggamit ng tatlong wika, Pampango, Tagalog at Kastila. Maraming ula siyng nasulat tulad ng Bagong Kristo, isang tulang sosyolohiko;sumpaan, isang romantikong sarsuwelang may tatlong yugto. Ngunit higit sa lahat ng mga dula niya, ang nakilala’y ang kanyang kahapon, Ngayon at Bukas. Isang alegoriya ang dulang ito ay naglalahad sa pamamagitan ng mga simbilikong tauhan na pinagdadaanan ng Pilipinas.


Juan K. Abad- nang magsimula ang himagsikan sinunog ng lahat ni abad ang kanyang mga akdang nanunuligsa sa pamahalaan at sa mga prayle at pagkaraan ay umanib siya sa Katpunan. Hinarap ni Abad ang pagbaka sa comedia sa paniwalang ito ay nakakalason sa isipan ng mga Pilipino.


Ang Pag-unlad ng Nobela


Ang kauna-unahang nobalang Tagalog na ipinalimbag sa anyong aklat ay ang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña; inilimbag ito noong 1905. Isusunod n asana ang Banag at Sikat ni Lop[e K. Santos, na labis na pinananabikang mabasang muli, subalit dahilan sa kakapalan nito, nauna ang Miminsan Akong Umibig ni Valeriano Hernandez Peña na lumabas noong 1906. Sumunod na rin nang taon din iyon ang Banaag at Sikat ni Santos.

Ang Kathambuhay o nobela ay isang sangay ng paniyikan naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong na mga tauhan at ang buong pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon kaysa maikling katha.


Ang panahong Ginto ng Nobelang Tagalog


Panahong saklaw ng unag dalawampung taon, nasulat ang mga nobalang nagtataglay ng mga katangiang kasalaminan ng panahon at umayon sa layuning makapagturo ng mabuti, makapaghimaton ng pag-iwas sa mga sakuna at kasawian sa buhay, makapagbinhi ng mabuting kaugalian at makapagpaunlad ng isip. Sa palagay ni Regalado, hindi maitatanggi ng sino man na ang nabelang Tagalog ay nagkaroon ng Panahong Ginto.., at ang panahong iyon ay sumasaklaw sa mga taong buhat sa 1905 hanggang 1921.


Ang Maikling Kuwento


ang anyo ng maikling kuwento ay nakilala lamang sa Pilipinas ng mga unang taon ng ika-20 siglo nang narito na ang mga Amerikano. Ang mga unang anyo ng maikling kuwento ay ng dagli, na ang himig ay nangangaral. Ang mga ito’y namumuna at nanunuligsa at pasingaw o munting kasysayan na nagpapahayag ng pagibig sa mga nililigawan o hinahangaang paraluman.

Ang maikling kuwento ay isang sanagy ng panitikang naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.


Sangkap ng Maikling Kwento:


1. Paksang-diwa o tema-  pangunahing kaisipan ng kuwento, ng isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa mambabasa.

2. Banghay- balangkas o istruktura ng mga pangyayaring kinapapalooban ng mga kilos, pagkahubog ng tauhan, tunggalian at mga hadlang, at mga detalye na buhat sa simula ay mabilis sa pag-akyat sa kasukdulan. Ito ay mabilis na sinusundan ng wakas.

3. Katimpian- higit na masining ang matimping paglalarawan ng damdamin.

4. Paningin- pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Ito ang kahulugan ng paningin.


apat na paraan ng pagsasalaysay ng kuwento ayon sa paningin ng naghahayag:


a. Paningin sa Unang Panauhan- sumasanib ang may-akda sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay sa unang panauhan.

b. Paningin sa Pangatlong Panauhan- pangatlong panauhan ang ginagamit ng manunulat sa pagsasalaysay ng mga pangyayari sa kuwento. Ang isipan at damdamin ng mga tauhan ay maaari niyang utusan.

c. Itinakdang Obhetibong Paningin-maaaring ang pangunahing tauhan o ang alin man sa mga katulong na tauhan ang tauhang nagsasalaysay.

d. Obhetibong Paningin- ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing isang kamera at naririnig.


5. Pahiwatig- nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan sa kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaring maganap sa kuwento.

6. Simbolo- ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akda ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapahakulugan ang mambabasa. Halimbawa, ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan.


Deogracias A. Rosario- Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog


Sanaysay


Naglalarawan ng mga kuru-kuro at pansariling kaisipan ng isang manunulat. Ang sanaysay ay maaaring maanyo (pormal) at maaari naming Malaya ( di-pormal o personal).

Ang salitang sanaysay ay salitang-likha ni Alejandro G. Abadilli (AGA). Ayon sa kanya, ito ay pinagsanib na mga salitang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Di gaya ng maraming salitang likha, ang sanaysay ay dagling tinatanggap ng bayan.


Dalawang uri ng Sanaysay:


1. Maanyo o pormal – tanging layunin nito ay mabigay ng kaalaman

2. Malaya o di-pormal- higit na kaaliw-alw na basahin sa mga slitang ginagamit ay medaling maintindihan at ang paksa ay karaniwan.


Talambuhay


Naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay o kasaysayan ng isang tao. Kapag ang talambuhay ay nauukol sa taong siyang sumulat, ito ay tinatawag na pansariling tambalan (autobiography).


Pangulong Tudling


Naglalahad ng kuru-kuro ng patnugot ng isang pahayagan. Ang mga pitak ng mga kolumnista ay kahawig ng pangulong tudling, lamang, ang kuru-kuro ng patnugot ay higit na matimbang o may bigat at siyang kuru-kuro na ng pahayagan.


Panahon ng Hopones (1942-1944)


Maraming nagsasabing gintong panahon daw ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog ang panahong ito. Sa panahong ito halos ipinagbawal ang Ingles ng mga mananakop kung kaya’t nagging luwalhati naman ng wikaing Tagalog ang pangyayaring ito.

Sa pangangasiwa ng Surian ng Wikang Pambansa, ang pinkamahusay na maikling kuwento ng panahong iyon ay pinili. Ang tatlong kuwentong nanguna ay ang mga sumusunod: Lupang Tinubuan ni Naerciso G. Reyes, Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo, at Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales.

Tatlong uri ng tula ang namamalasak noong panahon ng Hapon: Karaniwang anyo, malayang taludturan, na ang pinakamarami ay Haiku at Tanaga.


Tanaga- isang uri ng tulang Tagalog noong unang panahon na sa katipiran ng pamamaraan ay maihahalntulad sa Haiku ng mga Hapones , bagamat lalong maikli ang Haiku. Ang tanaga ay may sukat at tugma. Ang bawat taludtod ay may pitong (7) pantig.


Halimbawa:

Palay

Palay siyang matino

Nang humangi’y yumuko

Ngunit muling tumayo;

Nagkabunga ng ginto.


Gawad Pambansang Alagad ng Sining ( Panitikan)


Amado V. Hernandez - 1973

Jose Garcia Villa - 1973

Nick Joaquin - 1976

Carlos P. Romulo - 1982

Francisco  Arcellana - 1990

Levi Celerio - 1997 (Musika at Panitikan)

N.V.M Gonzales - 1997

Edith L. Tempo - 1999

F. Sionil Jose - 2001

Virgilio S. Almario - 2003

Alejandro R. Roces - 2003


MGA TEORYA/PANANAW PAMPANITIKAN


Teorya


Ito ang pormulasyon ng palilinawing mga prinsipyo ng mga tiyak na phenomena, paniniwala, o ideya upang makalikha ng isang sistematioking paraan ng pagpapaliwanag ng mga ito.


Teoryang Pampanitikan


Ang pagbabalangkas ng mga prinsipyo na magpapaliwanag sa pinagmulan at kalikasan ng panitikan, ano ito ngayon at ano dapat ito, papaano ito nalikha at papaano ito nagagamit ng lipunan.

Isang sistema ng mga kaisipan at mga kahalagahan na nagbibigay-kahulugan sa kalikasan at tungkulin ng panitikan pati na sa proseso ng paglikhang masining, at mga layunin ng may-akda at ng tekstong pampanitikan.


Teoryang Klasisismo


Pagtuklas at pagtanaw sa katotohanan, kagandahan, at kabutihan ang nilalayon ng klasisimo. Hinahangad nito na palawakin ang pananaw at pang-unawa ng matwid na tao, at makamtan yaong tinatawag na grandeur d ame o pagkadakila ng pagkatao. At dahil ang tao ay sadyang may katutubong karupukan, kinakailanagn din na ang panitikan ay makatulong sa paglilinis o pagpupurga sa kalooban at niloloob upang lalong makatulong sa pagkakamit ng kadakilaan ng katauhan.


 Teoryang Humanismo


Walang  higit pang kawili-wiling paksa kaysa tao. Kung pumasok man ang kalikasan sa sining ay upang lalong mapaliotaw ang mga katangian ng tao. Ang Diyos man ay nagiging makabuluhan sa daigdig dahil sa tao sapagkat kung walang tao sa daigdg, walang makakaisip ng anuman tungkol sa Diyos. Hindi nito sinasabi na higit nha dakila ang tao kaysa Diyos. Isinesentro lamang nito sa dagdig ang tao.


Teoryang Romantisismo


Higit na pinahahalagahan ang “damdamin” kaysa ideyang siyentipiko o may batayan. Nananalig ang mga romantisista sa Diyos; naniniwala sila sa katwiran, siyensya, eksperimento at obserbasyon; material din ang tingin nila sa kalikasan at santinakpan. Ngunit para sa kanila, kulang pa at hindi maipaliwanag o nassagot ang mga ito ang mga tanong at mga karanasan tungkol sa puso.


Teoryang Realismo


Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagndahan. Hinahangad nito ang katotohanan at ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan at alin pa mang maaring mapatunayan sa pamamagitan n gating mga sentido. Ang paraan ng paglalarawan ang susi, at hindi ng uri ng paksa. Naniniwala ang realism na ang pagbabago ay walang hinto.


Teoryang Naturalismo


Pinalawak ng naturalismo ang saklaw ng realismo. Tinangka kasi ng naturalismo ang mas matapat, di-piniling representasyon ng realidad, isang tiyak na hiwa ng buhay na ipinakita nang walang paghuhusga. Dahil sa walang muwang na scientific deterism, binigyang-diin ng naturalismo ang namana (o aksidente) at pangpisikal na likas ng tao kaysa mga katangian niyang pangmoral o resyonal. Naipakitang ang mga indibidwal ay produkto ng pinanggalingan at kapaligiran.


Teoryang Formalismo


Ang isang akda ay may sariling buhay at umiiral sa sarili nitong paraan. Nasa porma o kaanyuan ng isang akda ang kasiningan nito. Ang porma ay binubuo ng imahe (gamit ng lengguwahe na kumakatawan sa mga bagay, aksiyon at mga ideyang abstrakto), diksyon (pagpili ng mga salita at paraan ng pagkakaayos nito), sukat, tugma, at iba pa. kailangang magkasama ang porma at ang nilalaman upang magkaroon ng buong kahulugan ang isang akda.


Teoryang Imahismo


Malaya ang makatang pumili ng anumang nais na paksain ng kanyang tula. Gumagamit ng wika o salitang pangkaraniwan. Kailangang ankop at tiyak ang bawat salita, at walang hindi kinakailangang palamuti. Ang imagism, isang tradisyon ng panulaang modernista na sadyang tiwalag sa tradisyon ng pangangaral o pang-aliw bilang akdang pansining ay may bukod-tanging kairalan, at hindi ito kailangang ipasailalim sa anumang layuning hindi makasining. Wika nga, “ Art for art’s sake”.


Teoryang Siko-Analitika


Masalimuot ang teorya ni Freud. Sa pinakamadaling sabi, ang panitikan sa kanya ay ang kabuuan ng kamalayan at di-kamalayan: lumalabas ditto ang mga bagay na di masasabi o maisusulat ng makata nang tuwiran sa harap ng ibang tao.


Arketipal na Pananaw


o mitolohikal na oryentasyon. Ito ay isang pagdulog na tila kawangis ng sikolohikal na pananaw. Tulad ng sikolohikal na pananaw, nkpako ang atensyon nito sa paraan ng paglikha at epekto nito sa mambabasa. Subalit waring higit na malawak ang larangang sinuyod ng arketibong pananaw sapagkat buong kalipunan ng mga sagisag at imaheng palagiang lumilitaw sa mga teksto ng pandaigdigang kultura ang pinagpapakuan nito ng masusing pansin.


Teoryang Eksistensiyalismo


tulad ng romantisismo, ito ay mahilig sa eksperimentasyon tungo sa “tunay” na buhay at pananalita o ekspresyon. Sinusuri nito ang lahat ng bagay bilang :lived facts”, wala itong dini-diyos at itinuturing na dapat igalang (sacred) maliban sa kalayaan, pagkaresponsable at indibidwalismo ng bawat tao—ng manunulat o ng mambabasa. Walang makapagsasabi kung alin ang tama o mali, ay totoo o malikmata, ay importante o walang silbi, maliban sa taong nakararanas sa pinag-uusapan.


Teoryang Istrukturalismo


Iisa ang simulain  ng teoryang ito;: ang pagpapatunay na ang wika o lengguwahe, ay hinuhubog ng kamalayang panlipunan. Nakabaon ang panlipunang kamalayan sa paggamit ng wika (social discourse) o paggamit sa mga salita ayon sa mga kinikilalang tuntunin at pagsaspraktikang panlipunan (social conventions).


Teoryang Dekonstruksiyon

Binibigyang-diin sa teoryang ito ang kamalayan ng manunulat at ng mambabasa bilang mga produkto ng social discourse na nakasulat. Ito ay naangkop sa panitikang nakasulat bilang produkto ng isng tiyak na may-akda na tagapagdala o tagapagingat ng isang tradisyong pang-intelekwal at pampanitikan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayang gumamit sa teksto, at hindi sa teksto mismo.


Teoryang Moralistiko

Pinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di-mapapawing pagpapahalaga (values). Pinahahalagahan ang panitikan di dahil sa mga partikulanr na katangian nito biloang likhang-isip na may sinusunod na sariling mga batas at prinsipyo sa kanyang pagiging malikhain, kundi dahil sa mga aral na naidudulot nito s mga nakikinig o bumabasa.


Teoryang historical/Sosoyolohikal


Di teksto bilang teksto ang lubusang pinagtutuunan ng pansin kundi ang  kontekstong dito’y nagbigay-daan; hindi ang particular na kakayahan lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensiyang ditto ay nagbibigay hugis—ang talambuhay ng awtor, ang political na sitwsyon sa panahong naisulat ang akda, ang mga tradisyon at kombensiyon na maaaring  nakapagbigay sa akda ng mga katangian.


Marxistang Pananaw


Ang panitikan ay tinitignan bilang instrument ng pagbabgo, o bilang behikulo na magagamit upang mabuksan ang isipan ng tao sa kanilang kalagayang api.


Feministang Pananaw


Pinagtutuunan ng pananaw feminism ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunion nitong baguhin ang mga de-kahong imahe o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan. Layunin ng pananaw na ito na masuri ang mga akdang pampanitikan  sa paningin o perspektiba ng babae. Dahil sa matagal na panahon, halos mga lalaki ang nagsusuri kung kaya hindi man maka-lalaki ang pananaw, ay nagtatanghal lamang ng mga nagawa ng kalalakihan.


MGA TAYUTAy O SALITANG PATALINGHAGA


Tayutay (Figures of Speech)


Nagpapagnda sa akda, nagpapalalim sa kaisipan at nagpapayaman sa guniguni ng bumabasa. Ang mga tayutay ay madalas na gmitin sa mga akdang pampanitikan.


1. Patulad o simile- paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ng uri (ginagamitan ng salitang para, gaya, katulad, kaparis, at iba pa).


Halimbawa: 

Para ng halamang lumaki sa tubig.

Daho’y nalalanta munting di madilig.


2. Pawangis o Metapora- paggamit ng salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ng ibang bagay.


Halimvawa:

Sapagkat ang haring may hangad sa yaman

Ay mariing hampas ng langit sa bayan.


3. Sinekdote- gumagamit ng bahagi sa halp ng kabuuan o ng kabuuan sa halip ng bahagi.


Halimbawa:

At ang baling bibig na bibubukalan

Ng sabing magaling at katotohanan.


4. Pangitain o Vision


Halimbawa:

Sa sinapupunan ng Konde Adolfo’y

Aking ntatanaw si laurang sinta ko.


5. Panawagan o apostrophr- kagyat na pagtutol sa naunang pagpapahayag at pananawagan sa tao o bagay na wala roon.


Halimbawa:

Kamataya’y nahan ang dting bangis mo?


6. Pabaligho o Paradox- pahayag wari’y slungat o laban sa likas na pagkukuro ngunit nagpapakilala ng katotohanan.


Halimbawa:

Ang matatawag kong palaya sa kin

Ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin

Agawan ng sinta’t panasa-nasaing

Lumubog sa dusa’t buhay koy’y makitil


7. Padamdam o Exclamation- pagbubulalas ng masidhi o matinding damdamin.


Halimbawa:

Nanlilisik ang mat’t ang ipinagsaysay

Ay hindi ang ditsong nasa orihinal,

Kundi ang winika’y ikaw na umagaw

Ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!

8. Pandiwantao o Personification- binibigyang-katauhan ang isang bagay na walang buhay o kaisipang basal (abstract).


Halimbawa:

Parang walang malay hanggang sa magtago’t

Humilig si Pebo sa hihigang ginto.


9. Pahalintulad o Analogy- tambalang paghahambing, pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.


Halimbawa:

Inusig ng taga ang dalawang leon

Si Apolo mandin sa Serpyente Piton.


10. Enigma- naikukubli ang kahulugan sa ilalim ng malabong pagtukoy.


Halimbawa:

Tapat ang puso ko’y di nagunamgunam

Na ang paglililo’y nasa kgandahan.


11. Papanuto o aphorism- maikling paglalahad ng isang tuntuning pangkaasalan.


Halimbawa:

Kung ang isalubong sa iyong pagdating

Ay masayang mukha’t may pakitang-giliw

Pakaingatan mo’t kaaway na lihim,

Siyang isaisip na kakabakahin.


12. Tanong na Mabisa o Rhetorical Question- tanong na naglalayong magbunga ng isang tanging bias at hindi upang magtamo ng kasagutan.


Halimbawa:

Anong gagawin ko sa ganitong bagay

Ang sinta ko kaya’y bayaang mamatay?


13. Pamamalabis o Hyperbole- pahayag na ibayong maindi kaysa katotohanan o lagpas sa maaring mangyari.


Halimbawa:

Bababa si Marte mula sa itaas

Sa kailalima’y aahon ang parkas.


14. Aliterasyon- paulit-ult na tunog ng isang katinig na ginagamit sa mga magkakalapit na salita o pantig.


Halimbawa:

At sa mga pulong dito’y nakasabog, nangalat, nagpunla.

Nagsipanahanan, nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.


15. Asonansya- inuulit ang tunog ng isang patinig sa halip ng katnig.


Halimbawa:

Ang buhay ng tao at s taong palad,

Nasa ginagwa ang halaga’y bigat.


16. Onomatopeya- pagkakahawig ng tunog ng salita at ng diwa nito.


a. Tuwirang onomatopeya- kapag ang mga tunog ng patinig at katinig ay hindi ang tunog ng inilalarawan ng taludtod.


Halimbawa:

Ikaw’y iniluwal ng baha sa bundok

Hahala-halakhal at susutsut-sutsot.


b. Pahiwatig na onomatopeya- kapag ng mga tunog na patinig at katinig ay hindi gumagadgad kundi nagpapahiwatig lamang ng bagay na inilalarawan.


Ayon kay Lope K. Santos, ana ating mga titk ay nag-aangkin ng sari-sariling pahiwatig na kaisipan. Ang A ay nagpapahiwatig ng kalakhan, kalinawan, kalawakan, kalantaran, samantalang ang I ay nagtataglay ng diwa ng kaliitan, Labuan, karimlan,kalaliman,kalihiman at iba pa.


a- Araw, buwan, ilaw, buwan, linaw, tanghal

i- Gabi, lihim, kulimlim, liit, unti, itim

ii- Ang suot ay puti’y may apoy sa bibig,

Sa buong magdamag ay di matahimik,

Ngunit ang hiwagang di sukat malirip

Kung bakit sa gabi lamang namamasid.


MGA URI NG MATALINHAGANG MGA PANANALITA


Pahayag idyomatiko (idiomatic Expression)


Isang pariralang ang kahulugan ay di mahhango sa alinmang bahagi ng pananalita.

Ang kahulugan ng mga ito ay di bunga ng pagsasama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito kundi isang natatanging kahulugang naiiba sa mismong parirala.

Malayo ang kahulugang literal o tuwirang kahulugan sa kontekstuwal o tunay na kahulugan.

Matatag na ang pagiging gamitin ng mag pahayag idyomatiko dahil ginagamit na sa mahabang panahon at bahagi na ng talasalitaan ng bayan.

Nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga tao.


Halimbawa:


Alagang ahas-taksil, walang utang na loob, kalawang sa bakal

Gagapang na parang ahas- maghihirap ang buhay, maghihikahos, magiging miserable ang buhay

Parang ahas na kuyog- galit na lahat ang buong angkan sa kagalit ng isa sa kanila

Alanganin-bakla, tomboy

Lumilipad sa alapaap- walang katiyakan, alinlangan

Inalat- minalas, inabot ng alat

Pinakain ng alikabok- tinalo sa isang karera ng takbuhan

Nasagap na alimuon- nakuhang tsismis,sabi-sabi,bali-balita,alingasngas


Patayutay na Pananalita (Figure Word or Phrase)


Isang salita o parirala na ang kahulugan ay ipinahihiwatig ng salita o ilan sa mga salitang parirala.

Nasisinag ang kontekstuwal na kahulugan sa mga salitang ginagamit.


Halimbawa:


Magulo pa sa sangkuwaltang abaka—masalimuopt, napakagulo, nakalilito, walang-walang kaayusan

Abo ang utak- walang pang-intindi, bobo, tanga, mahina ang ulo

Anay- lihim na kaaway

Anak sa labas- anak sa di tunay na asawa, anak sa ibang babae

Parang iniihan ng aso- di mapakali, di mapalagay, balisa

Buhol-babae- mahina o medaling makalas ang pagkakatali, di matatag/ matibay

Agawin ang buhay- iligtas ang buhay sa kamatayan

Mag-alsa ng bioses- sumigaw (sag alit), magtaas ng tinig

Mabigat ang katawan- masama ang pakiramdam o di maganda ang pakiramdam, tamad


Eupemistikong Pananalita (euphemistic Expression)


Pananalitang ipinapalit sa mga salita o pariralang kapag ipinahayag sa tuwirang kahulugan ay nagdudulot ng pagkalungkot o pagdaramdam, pagkalagim o ibang di kanis-nais na damdamin sa pinagsasabihan o nakakarinig.

Ginagawa ang ganitong pagpapalit upang maging kaaya-aya sa pandinig ang pahayg at nang maiwasan ang makasugat ng damdamin ng iba.

Madalas ng ginagamit ang mga eupeniskong pananalita sa mga pahayag kaugnay ng kamatayan, maseselang bahagi ng katawan ng tao at sa malalaswang Gawain.


Halimbawa:

Eupemistikong Pananalita kahulugan

Sumakabilang buhay

O binawi ang buhay namatay

Pagsisiping o pagtatalik pag-aasawahan


If this content helps you, please share this NEWS with your friends and help someone to pass the board too!


#LETReviewers #PRC #LET #LicensedPRofessionalTeacher #LPT #GenED Reviewers for Teachers | LET Reviewers


/via Teachers ng Pinas

Reactions

Post a Comment

0 Comments