Filipino Reviewer Lesson 2 Gen-ED - Teachers ng Pinas


Filipino Reviewer Lesson 2 Gen-ED - Teachers ng Pinas


PANITIKAN

Ang salitang TAGALOG na PANITIKAN ay galing sa unlaping pang (na naging pan- kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa d, l, d, s t; sa ugat na titik (letra) na nawawalan ng simulang t  sa pagkakasunod sa pan-; at sa hulaping an, samakatuwid: pang-titik-an. Ang salitang ito ay panumbas ng Tagalog sa literature na kapwa batay sa dating litera ang kahulugan ay letra o titik.

Ayon kay Hon. Asarias sa kanyang aklat na “PIlosopiya ng Literatura,” ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathlang Lumikha

Mga Impluwensya ng Panitikan

1. Klima

2. Gawain

3. Kinatitirahan

4. Lipunan at pulitika

5. Relihiyon at edukasyon

Ang mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensya sa buong daigdig ay marami. Ang mga pangunahin ay ang mga sumusunod:

1. Ang Banal na Kasulatan (Holy Scriptures) na mula sa Palestina at Gresia at naging batayan ng sangkakristyanuhan.

2. Ang Koran na pinaka-Bibliya ng mga mahometano at galing sa Arabia

3. Ang Iliad at Odyssey ni Homero, na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o palaalamatan ng Gresia

4. Ang Mahabharata ng India, kasaysayan ng mga dating Indo at ang kanilang pananampalataya.

5. Ang Divina Commedia ni Dante ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahong kinauukulan.

6. Ang El Cid Campeador ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.

7. Ang Awit ni Rolando na kinapapalooban ng Roncesvalles at Docd Pares ng Pransia, na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga Pranses

8. Ang Aklat ng mg Araw ni Confucio, na naging batayan ng pananampalataya, kalinangan at karunungan ng mga Intsik (na malinaw na nakarating dito sa atin)

9. Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto, na kinapapalamnan ng kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipsio

10. Ang Sanlibo’t Isang Gabi ng Arabia at Persia  na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga silanganin

11. Ang Canterburry Tales ni Chaucer ng Inglatera, na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon

12. Ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nakatawag pansin sa karumal dumal na kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng simulain ng demokrasya


Bago Dumating ang mga Kastila

Alibata sa Luzon at Visayas

Sanskrito sa Mindanao

17 titik (14 katinig at 3 patinig) 

Uri ng Panitikan

a. Awiting Bayan- bahagi na ng katutubong  pamumuhay sa kulturang Pilipino. Lumitaw ang mga awitin sa anyong patula na may sukat at tugma at naaayon sa damdamin at kaugalian ng mga Pilipino.

Hal. Oyayi- awit paghehele  Diona o Ihiman- awit pangkasal

Soliranin at Talindaw- awit sa pamamangka/manggagawa Kumintang o Tikam- awit ng pandigma

Dalit- awit paglalamay sa patay Tagayan- awit sa pag-iinuman ng alak

Umbay- awit sa paglilibing Balitaw at Kundiman- awit ng Pag-ibig

Lawiswis Kawayan- Tagalog O Naraniag A Bulan- Ilokano

Ati Cu Pung Singsing-Kapampangan Si Nanay Si Tatay- Bikol

Sarong Banggi-Bikol

 b. Alamat/Kuwentong Bayan

Hal. “Ang Matalinong Pagong at ang Hangal na Unggoy” Alamat ng Sansinukob

Pinagmulan ng Araw at Gabi Alamat ng Ating Kulay

Alamat ng Hugis ng Ilong Si Malakas at Si Maganda

Paano Nalikha ang Mundo Alamat ng Bigas

      Alamat ng Samar-Leyte Alamat ng Bulkang Mayon

Ang Bobong Prinsipe

c. Karunungang Bayan

Bugtong – ay isang halimbawa ng ating matandang tula. Ang bugtong ay inihanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinhaga na masasagot sa pamamagitan ng panghuhula, Karaniwang paglalarawan ito sa isang

 bagay na siyang pinahuhulaan. Kapag nilalaro ang bugtong, tinatawag itong bugtungan. Ginaganap ang bugtungan sa paglalamay sa isang patay bilang pang-aliw o panlibang sa mga naulila at nakikipaglamay.

Salawikain –ang salawikain ay pananalitang nakaugalian na at nagpasalin-salin sa bibig ng madla na nagsisilbing patnubay ng kabutihang asal at wastong pag-uugali. Nagtataglay ang mga ito ng paniniwalang panlipunan at minanang kapaniwalaan

Hal. Ang Paniniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili

Sawikain-kasabihang walang nabagong kahulugan

Hal. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa

Palaisipan

Hal. May isang prinsesa sa tore nakatira

Balita sa kaharian, pambihirang ganda

Bawal tumingala upang siya’y makita

Anong gagawin ng binatang sumisinta?

d. Mga Epiko

Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na karaniwang may katangiang mala-Diyos. Madalas ang paksa ng Epiko ay hango sa karaniwang pangyayari.

Ibalon- Bikol Biag ni Lam-ang- Ilokano Kumintang- Tagalog Bidasari- Moro

Tuwaang-Bagobo Lagda-Bisaya Darangan-Muslim Alim- Ifugaw

Panahon ng Kastila (1865-1872)


Uri – Makarelihiyon- Panrelihiyon ang namayaning paksa ng mga akda. Kristiyanismo ang paksang ginamit sa lahat halos ng akdang pampanitikan.


1. Mga Unang aklat panrelihiyon/kagandahang asal


a. Doctrina Cristiana- unang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Isinulat ito ni Padre Domingo de Nieva noong 1953. Nilalaman nito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa simbahang Katoliko Romano

b. Nuestra Senora Del Rosario-itinuturing na ikalawang aklat na nalimbag-isinulat at pinalimbag ni P. Blancas de San Jose noong 1602 katulong si Juan de Vera, isang mistisong intsik.

c. Barlaan at Josaphat – ay isinatagalog ni Padre Antonio de Borja noong 1708 

d. Pasyon- ay nagsasaad sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Jesucristo mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa pagkamatay Niya sa krus.

e. Urbana at Feliza- pagsusulatan ng magkapatid na pawang patungkol sa kagandahang asal.


2. Mga akdang Pangwika

a) Arte Y Reglas dela Lengua Tagala-Padre Blancas de San Jose

b) Vocabulario dela Lengua Tagala- kauna-unahang talasalitaan sa     Tagalog ni Padre Pedro San Buenaventura

c) Vocabulario dela Lengua Pampango- ni Padre Diego Bergamo

d) Compedio dela Lengua Tagala- ni Padre Gaspar de San Agustin

e) Arte dela Lengua Iloka-kauna-unahang balarilang Iloko ni Francisco Lopez


3. Mga Pagtatanghal Panrelihiyon

a) Panunuluyan dinaraos ito sa gabi bago sumapit ang araw ng Pasko. Ang mga tauhan dito ay sina Jose at Maria.

b) Salubong- ginaganap naman ang pagtatanghal na ito sa madaling araw ng Pasko ng Pagkabuhay

c) Alay o Flores de Mayo – ginagawa ito kung buwan ng Mayo. Sa isang altar ng Birheng Maria ginagawa ang pag-aalay ng mga bulaklak ng mga piling kadalagahan na may tiyak na sinusunod na hakbangin. May kantahin para rito.

d) Pangangaluluwa – ginagawa ito sa gabi ng Todos Los Santos. Nagpapanggap ng mga kaluluwang nanggaling sa purgatoryo ang mga kalahok na naglilibot sa bahay-bahay at naghihingi ng limos.

e) Tibag- pagsasadula ito sa paghahanap ng Reyna Elena sa krus na kinamatayan ni Jesucristo


4. Mga Akdang Panlibangan/Pang-aliwan


a) Karilyo- palabas ito na ang tauhang yari sa karton, na ang anino ay makikita sa isang puting tabing.

b) Karagatan- Isang larong patula ng mga dalaga at binata na ang pinapaksa’y pagliligawan.Ginaganap ito sa lamayan sa patay o sa laglag-luksa.

c) Juego de Prenda- laro rin ito sa mga lamayan sa patay at ang mga kasali rito’y yaong hindi pa lubhang mahusay  tumula.

d) Pamutong- Ito’y napapanood lamang sa Marinduque at Quezon. Ang Pamutong o Panubong ay pagpaparangal sa isang natatanging tao sa pamamagitan ng pagpuputong sa kanila ng koronang bulaklak.

e) Embayoka/ Bayok-Ito’y ang duplo ng mga Muslim. Ang nagtatalo rito’y karaniwang isang babae at isang lalaki. Nagtatagisan ng talino ang nagtatalo at nagpapahusayan sa pagbigkas.

f) Moro-moro o Komedya- pagtatanghal ng paglalabanan ng mga Kristiyano at Moro

g) Saynete-dulang hinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.

h) Sarswela-dulang musical na tatluhing yugto


5. Mga Unang Tula/Makata

a) Fernando Bagonbanta- LADINO o isang makatang kung sumulat ng tula ay magkasama ang Kastila at Tagalog. Sinulat niya ang tulang Salamat ng Ualang Hanggan.

b) Tomas Pinpin- kauna-unahang manlilimbag na Pilipino. Si Pinpin ay isa ring Ladino.

c) P. Pedro Suarez Osorio. Isa siyang pari ngunit higit siyang nakilala sa pagsulat ng tula.

d) Felipe de Jesus. Siya ang kauna-unahang mambeberso na may mainam na panlasa. Masagisag ang kanyang tula.


Kaibhan ng awit at Kurido

Awit Kurido

12 pantig 8  pantig

marahang kumpas mabilis na kumpas   

“andante” “allegro”

Kagandahan – aral kagandahan – kuwento

Hal.  Florante at Laura Hal. Ibang Abong Adarna


Panahon ng Propaganda at Himagsikan

6. Mga Propagandista at ang Kanilang Akda

Nagdilig ng Nasyonalismo – Gomez, Burgos at Zamora


A. Dr. Jose Rizal-Jose Protacio Rizal Mercado at Alonzo Realonda. Gumamit ng mga sagisag na Dimasalang, Laong-laan at P. Jacinto

Mga Akda ni Rizal

Noli Me Tangere- nobelang panlipunan ito na inihandog niya sa Inang Bayan

El Filibusterismo- karugtong ito ng Noli at nalimbag sa tulong ni Valentina Ventura at inialay ni Rizal   kina Gomez, Burgos at Zamora.

Mi Ultimo Adios (Huling Paalam)- Isang tula ng pamamaalam ni Rizal sa bayan.

Liham sa mga Babaeng Taga-Malolos- Nakasulat ito sa Tagalog.  Mga payo ng kabanalan ni Rizal sa mga taga-Malolos.

Sa Aking Mga Kababata- Tula ng naghahayag ng kanyang matapat na pagmamahal sa sariling wika. Nakasulat ito sa Tagalog


B. Marcelo H. Del Pilar- tanyag sa bansag na Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat at Pupduh. Itinatag niya ang Diariong Tagalog na pinaglathala niya ang mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng Pamahalaang Kastila at ng   mga prayle.


Mga Akda ni Marcelo H. Del Pilar

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- salin ito sa Tagalog ng tulang Amor Patrio ni Rizal at inilathala niya sa Diariong Tagalog.

Kaiingat Kayo- Ito’y pabirong tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal. 

Dasalan at Tocsohan-Akdang hawig sa katesismo subalit nanunuya at laban sa mga prayle.

Ang Cadaquilaan ng Dios- isang sanaysay na patuligsa rin sa mga prayle ngunit nagpapahayag ng pilosopiya at pag-ibig sa kalikasan.

Sagot sa Espanya sa Hibik ng Pilipinas- isang tulang tagalog na tugon sa tula ng kanyang gurong si Herminigildo Flores na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.


C. Graciano Lopez Jaena- Itinatag niya ang pahayagan El Latigo Nacional. 

Sa Mga Pilipino- Isang talumpati na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino na maging malaya, maunlad at may karapatan.

D. Antonio Luna- ginamit niya ang sagisag na Tagailog.

Mga Bituin ng Aking Lahi- Isa itong tula na handog sa mga dalagang mag-aaral sa Colegio de Concordia.

Noche Buena- Naglalarawan ang akdang ito ng buhay Pilipino.


E.  Andres Bonifacio - kinilalang Ama ng Demokrasyang Pilipino, Ama ng Katipunan o Supremo ng Katipunan     

                                                   at Ang Dakilang Dukha

Huling Paalam- Ito ang kauna-unahang salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Rizal.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- tula ito tungkol sa pagmamahal sa sariling lupa. Wala na raw hihigit pa sa tinubuang lupa.

Katapusan ng Hibik ng Pilipinas- Tula ito na sagot sa tula ni M. H. Del Pilar na “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas.” Masasalamin sa tula ang damdaming makabayan ni Bonifacio.

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog- isa itong paglalagom sa Kasaysayan ng Pilipinas at isinasaad ang kasaysayan ng Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila, ang pagdating ng mga Kastila at ang pagbabago ng pamumuhay na halos lahat ay naging sa kapaki-pakinabang ng mga Kastila. Hinihiling ni Bonifacio na magkaisa ang mga Pilipino sa paghanap ng kalayaan.


F. Emilio Jacinto- kinilalang “Utak ng Katipunan”Ang sagisag niya sa Katipunan ay PINGKIAN.

Kartilla ng Katipunan- nagtataglay ng sampung kautusang dapat sundin ng mga kasapi sa katipunan.

Liwanag at Dilim na katipunan ng mga sanaysay sa iba’t ibang paksa. 

A La Patria- Sa Bayang Tinubuan- Ito ang ipinalalagay na obra maestra ni Jacinto. Tula itong naghahayag ng kanyang pag-ibig sa sariling bayan.


G.  Apolinario Mabini- Utak ng Himagsikan-Ang Dakilang Lumpo

Ang Himagsikang Pilipino na binubuo ng mga tala tungkol sa  pakikidigma ng mga Pilipino sa Amerikano.

El Liberal na tumuligsa sa pamamahalang mga Amerikano sa Pilipinas.


H. Dr. Pedro A. Paterno-Nobela niya ang Ninay- nobelang panlipunan at ipinalalagay na kauna-unahang nobelang orihinal sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino. Ito ang nagtaas kay Paterno sa katanyagan bilang manunulat.


I. Mariano Ponce- Nakilala ang pangalan niya sa La Solidaridad na siya ang patnugot. 


J. Pascual Poblete- Ama ng Pahayagang Tagalog. Tanyag siyang mamamahayag, makata, mandudula at mananalaysay.

Kauna-unahang salin sa Tagalog ng Noli Me Tangere.


K. Jose Isaac Palma- sinulat niya ang Himno Nacional Filipino na titik ng pambansang awit ng Pilipinas


Panahon ng Amerikano

   Dula- 

1. Severino Reyes- Ama ng Sarswelang Tagalog (Lola Basiang, Mang Binong)

a. Walang Sugat-kauna-unahang dula at siya rin niyang obra maestra.

b. RIP- ang dula niyang nanuligsa sa moro-moro

c. Ang Kalupi- dula niyang pumapaksa sa banidad at kamunduhan ng mga lalaki.

d. Cablegrama Fatal-Ipinakita sa dulang ito ang kawalang katarungan ng paglilitis  kay Rizal 

e. Los Martires de la Patria – ito ay dulang pasalubong niya sa mga pesyonadong Pilipino na galing Amerika.

f. Filipinas para los Filipinos-Ipinakikita sa dula ang kabalbalang ugali ng ilang Amerikano lalo na ang pagtutol ng mga maykapangyarihang makasal sa isang Pilipina ang isang Amerikano.

g. Puso ng Isang Pilipina

h. Bagong Fausto l.   Alma Filipina

i. Tatlong Babae m. Filotea

j. Mga Pusong Dakila n.  Opera Italiana

k. Tatlong Bituin o.  Minda Mora


2. Hermogenes Ilagan- Kilala sa tawag na Ka Mohing. Masasabing hindi lamang siya kapanahon kundi kapantay ni Severino Reyes sa pagsulat ng sarswela.

a. Dalagang Bukid d. Dalawang Hangal

b. Biyaya ng Pag-ibig e. Ilaw ng katotohanan

c. Punyal de Rosas f.  Ang Buhay Nga Naman


3. Patricio Mariano- Mandudula, kuwentista, makata, mamamahayag, pintor at biyolinista. Tinawag din siyang Puno ng Mandudulang Tagalog

a. Ang Sampaguita, kauna-unahang dula

b. Tulisan

c. Luha’t Dugo

d. Silanganan

e. Ang Unang Binhi

f. Ang Pakakak-nagwagi ng Gantimpalang Renacimiento Filipino noong 1913

g. Ako’y Iyo Pa Rin

h. Ang Dalawang Pag-ibig

i. Deni

j. Lakambini na siya niyang obra

k. Ang Anak ng Dagat-ang pinakatanyag sa kanyang mga sinulat


4. Julian Cruz Balmaceda- gumamit ng Itang Badbarin.Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa

a. Sugat ng Puso d. Puso ni Anita

b. Sa Bunganga ng Pating e.  Higanti ng Patay

c. Dahil sa Anak


5. Aurelio Tolentino-Hindi naging sagabal ang pagiging Kapampangan niya sa pagpapaunlad ng panitikang Tagalog.

a. Kahapon, Ngayon at Bukas f. Luhang Tagalog

b. Germinal g. Bagong Kristo

c. La Rosa h. Manood Kayo

d. Sinukuan at Sumpaan i.  Lagrimas

e. Neneng j.   Filipinas at Espanya

Panulaan

1. Lope K. Santos- Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa- mga sagisag sa pagsulat

Sekretang Gala, Verdugo, Lakan-Dalita, Taga-Pasig, Kulodyo, Gulite, Duktor Lukas, Anak-Bayan

a. Banaag at Sikat- nobela at itinuturing na obra niya

b. Alila ng Kapalaran- nobela

c. Ang Selosa- nobela

d. Puso at Diwa- Libro ng mga Tula

e. Mga Hamak na Dakila- Libro ng mga tula


   2. Jose Corazon De Jesus-Unang Hari ng Balagtasan. Ginamit niya ang sagisag na Huseng Batute


3. Florante Collantes- gumamit ng sagisag na Kuntil Butil

4. Amado V. Hernandez- Tinagurian siyang “makata ng anakpawis/manggagawa

a. Isang Dipang Langit- aklat na binubuo na 170 tula na karamihan ay sinulat niya sa loob ng Muntinglupa

b. Luwa ng Buwaya

c. Ibong Mandaragit

d. Muntinglupa

5. Ildefonso Santos- Ang Guryon, Tagailog, Simoun, Tatlong inakay, Sa Tabi ng Dagat, Alamat ng Buho,       Tanaga, Katlea, Ang Mangingisda, Ginamit din niya ang sagisag na Ilaw Silangan.

6. Cirio H. Panganiban- Sa Likod ng Altar, Hiwaga ng Buhay, Karnabal ng Puso, Ang Panday, Sa Habang Buhay. Ginamit niya ang sagisag na Crispin Pinagpala


Ang Nobelang Tagalog


Valeriano Hernandez at Pena

-Siya si Tandang Anong sa mga kakilala at kaibigan, ginamit niya ang Kintin Kulirat.

Akda- Nena at Neneng, Mag-inang Mahirap, Hatol ng Panahon, Kasawian ng Unang Pag-ibig, 

Bunga ng Pag-iimbot

Inigo Ed. Regalado- (Odalager) makata, mandudula,kwentista, at nobelista. 

Akda- Madaling Araw, Kung Magmahal ang Dalaga, Sampaguitang Walang Bango, Ang Dalaginding, Ilaw na Pula, 

May Lasong Ngiti.


Faustino Aguilar-Tinawag na Alexander Dumas sapagkat siya ang kauna-unahang nobelang panlipunan

Akda- Ang Pinaglahuan. Sinulat din niya ang Busabos ng Palad, Patawad ng Patay at Lihim ng Isang Pulo.


Ang Maikling Kwento


 Alejandro Abadilla- isang kwentista at makata 

 Clodualdo del Mundo, makata kwentista at nobelista ay namili ng mahuhusay na kwento at tula. 

Ginamit ni Abadilla sa kanyang pamimili ang Talaang Bughaw samantalang si Del Mundo naman ay ang Parolang ginto.

Deogracias A. Rosario-Ako’y Mayroong Isang Ibon at Manika ni Takeo, Isang Gabi sa Haway, Walang Panginoon

Macario Pineda-Talambuhay ng Aming Nayon, May Landas ang mga Bituin, Suyuan sa Tubigan,Sinag sa Dakong Silangan, Kasalan sa Malaking Bahay.

 Brigido C. Batungbakal- Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok, Tatlong Katyaw, Isang Dumalaga at Si Myrna at Nagbibihis ang Nayon.


Tula 

Balagtasan – Tagalog Crisotan – Pampanga

Bukanegan- Iloko, Embayoka – Moslem

PANAHON NG HAPON

Mga Maikling Kwento/May-akda na nagwagi

a. Lupang Tinubuan- Narciso Reyes

b. Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway Arceo

c. Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan-NVM Gonzales

PANAHON NG LIBERASYON

1. Mga Aklat na nalimbag

Mga Piling Katha (1947-48)-A. G. Abadilla

a. Maikling Kwentong Tagalog

b. Ako’y Isang Tinig-Genoveva Edroza Matute

c. Mga Piling Sanaysay-A.G. Abadilla

d. Mga Maikling Akda ng Kadipan- Efren Abueg

e. Pitong Dula Dionisio Salazar

2. Timpalak Palanca (Maikling Kwento)

a. Unang Taon (1950-1951)

b. Unang Gantimpala- Kuwento  Mabuti ni Genoveva Edroza Matute

c. Ikalawang Gantimpala-Mabangis na Kamay….Maamong Kamay ni Pedro S. Dandan

d. Ikatlong Gantimpala-Planeta, Buwan, at Mga Bituin ni Elpidio Kapulong

Dula (1953-54)

Unang Gantimpala-Hulyo 4, 1954 A.D. Dionisio S. Salazar

3. Nobela

a. Pagkamulat ni Magdalena- Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong

b. Mga Ibong Mandaragit- Amado V. Hernandez

4. Cultural Heritage Award

1962- a. Isang Dipang Langit –Amado . Hernandez

1963- b. Tinig ng Darating-Teo S. Baylon

1965- c. Mga Piling Tula-Alejandro Abadilla

1968- d. Damdamin-Iñigo Ed Regalado

PANAHON NG AKTIBISMO

1. Mga Manunulat ng Panitikang Rebolusyunaryo

Rolando Tinio, Rogelio Mangahas, Efren Abueg, Rio Alma, Clemente Bautista


PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


1. Panulaan At Awiting Pilipino-naging mabisang tagahubog ng kalinangan ng bansa

a. Supling -Ruth Mabanglo

b.  Isang Munting Alamat- Imee Marcos

c. Anak- Freddie Aguilar

d. Kapaligiran-lorante

e. Bagong Lipunan

2. Dulaan

a. Sining Kambayoka-MSU

b. Isang Munting Alamat-Imee Marcos

c. PETA-Cecille Guidote Alvarez

d. Teatro Filipino-Rolando Tinio

KONTEMPORARYONG PANAHON

a. Nobela-

a. Satanas sa Lupa-Celso Carunungan

b. Dekada 70 at Gapo- Lualhati Bautista

ANG PATALINGHAGANG PAGPAPAHAYAG O TAYUTAY

Mga Uri ng Patalinghagang Pagpapahayag o Tayutay

1. Pagtutulad (Simile) – ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Ito’y gumagamit ng mga salitang tulad ng  para, kagaya, kapara, kawangis at katulad.

a. Ang luha ni Dina ay tulad ng mga butil ng perlas.

b. Ang kanyang ngiti ay kawangis ng bukang-liwayway.

c. Parang bulking sumabog ang tinitimping galit ni Rodin.

2.  Pagwawangis (Metaphor) – ito ay naghahambing din tulad ng pagtutulad ngunit hindi  gumagamit ng mag salitang tulad ng para ng, kagaya, kawanguis at katulad sapagkat ito’y tiyakang paghahambing.

a. Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

b. Isang basag na salamin ang dalaga ni Aling Pinang.

c. Ang tinig mo’y musika sa aking pandinig.

3. Eksaherasyon o Pagmamalabis (hyperbole) – Lubhang nagpapalabis o nagpapakita ng kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

a. Bumaha ng salapi sa mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa ibang bansa.

b. Nadurog ang kanyang puso sa kapighatiang dulot mo.

c. Bundok-bundok na mga pinggan ang pinagtulungang hugasan ng magkapatid.

4. Personipikasyon (Personafication) – Pagbibigay-katauhan o pagsasalin ng talino o gawain at katangian sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

a. Ngunit ang buwan ay nagmamagandang gabi sa lahat.

b. Nagluksa ang daigdig sa kamatayan ng dakilang bayan.

c. Nagkanlong sa ulap ang araw.

5. Pagpapalit-tawag o Metonimiya – Pagpapalit ng mga katawagang mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambigan kundi sa mga kaugnayan. Ang salitang “ meto” sa metonimiya ay nangangahulugang paghalili at pagpapalit.

a. Tumanggap siya ng mga palakpak sa kanyang tagumpay.

b. Mabigat na krus  ang pinapasan ng babaing iyan.

c. Ang bunga na kanilang pag-iibigan ay isang malusog na lalaki.

6. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) – sa pagpapahayag na ito’y maaring banggitin ang  

   bilang pagtukoy sa kabuuan at maari namang ang isang tao’y  kumakatawan sa isang pangkat.

a. Anim na nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa batang takot na takot.

b. Dalawampung kamay ang nagtulung-tulong sa pagbuhat sa mabigat na makinarya.

c. Anim na tainga ang matamang nakikinig sa ibinalita ni Isabel.

7. Pagtatanong (Rhetorical Question) – Ginagamit ito upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay. Ang pagpapahayag na ito’y hindi maghihintay ng sagot.

a. May ina kayang makatitiis na hindi damayan ang nahihirapang anak?

b. Ang isa kayang matalinong hukom ay mapaniniwala agad sa mga sabi-sabi?

c. May babae kayang makatatagal sa lalaking iyon na ubod ng seloso at mapambugbog?

8. Pagdaramdam ( Exclamation) – Isinasaad ng pagpapahayag na ito ang di pangkaraniwang damdamin.

a. Minamahal kong ina, ikaw na walang ginawa kungdi pawang pagpapakahirap at pagpapakasakit para sa aking kapakanan ay yumaong hindi ko man lamang napaglingkuran.

b. Huwag mong akalaing ipinagpapawalang bahala ko ang iyong gipit na kalagayan, nais kitang tulungan ngunit ako’y walang salaping makahahango sa iyong kagipitan.

c. Nais kong makatulong sa mga maralita ngunit ano ang aking magagawa? Ako man ay isa ring anak-pawis kung hindi gumawa’y hindi kakain.

9. Pagtatambis (Antithesis) – Ang pagpapahayag na ito’y bumabangit ng mga bagay na makakasalungat upang mapabisa ang pangingibabaw ng isang natatanging kaisipan. 

a. Siya’y isang babaing napakahirap pakibagayan. Ayaw ng masalita at walang kibo. Nayayamot sa maraming tao ngunit ayaw naman ng nag-iisa. Nagagalit sa mangmang, ayaw rin namang makihalubilo sa maralita. Kay hirap unawain ang kanyang ugali.

b. Namili sa Aling Luisa ng iba’t-ibang gulay at mga prutas. Bumili siya ng mga gulay at pahaba, berde at dilaw, malaki at maliit, magagaspang at makikinis ang mga balat. Sari-saring prutas din ang kanyang pinamili; may maasim at matamis, malamukot at tuyot, may makapal at manipis na balat.

10. Pagtawag (Apostrophe) – pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinadaramang kaisipan na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao sa isang taong wala naman ay parang naroo’t kaharap.

a. Panaginip, halika’t lapitan mo ako at isakay sa iyong pakpak.

b. Pag-asa, halika rito’t ako’y akayin mo nang hindi dumilim ang aking buhay.

c. Tukso, lumayo ka’t huwag mo akong ibulid sa pagkakasala.

11. Pagtanggi (Litotes)- Gumagamit ito ng panangging “ hindi” upang magpahiwatig ng lalong makahulugang paksang-ayon.

a. Hindi ko sinasabing tamad ka, lamang at bakit laging marumi ang iyong bahay

b. Ako’y hindi nagpaparatang na magnanakaw si Budoy ngunit siya lamang ang pumasok sa kwarto mo kanina nang mawala ang pitakang nakapatong sa ibabaw ng cabinet.

c. Hindi ko sinasabing mabagal ka ngunit bakit araw-araw ay huli ka sa klase.

12. Pag-uyam (Irony) – Ang pagpapahayag na ito’y ginagamitan ng mga pananalitang nangungutya sa pamamagitan ng mga salitang kung kukunin ang literal na kahulugan ay tila kapuri-puri.

a. Ang babaeng nakilala mo ay talagang mahinhin. Napakalakas humalaklak at kung manamit ay halos nakabilad na ang katawan.

b. Kay bango ng iyong hininga. Bawat makausap mo’y nagtatakip ng ilong.

c. Kay bait mong kaibigan. Pagkatapos kita tulungan sa iyong mga kagipitan ay inagaw mo pa sa akin ang aking kasintahan.

13. Paglilipat-wika (Transfered Epithesis) – Tulad sa pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, ngunit sa halip na pandiwa ang ginagamit ay mga pang-uri, mga pang-uring tanging sa tao lamang ginagamit.

a. Ang mapaglingkod na payong ay sira na.

b. Natangay ng agos ang mapagsilbing tuwalya.

c. Mahiyaing mata subukin mong mangusap sa akin.

14. Parabula ( Parable) – Isang maikling  salaysay ng isang pangyayaring maaring maganap sa buhay o sa kahalagahan, na makukunan ng isang aral na pangkaasalan o    pangkaluluwa.

Halimbawa:

Si San Bernardo’y nagtanong

Sa Diyos na ating Panginoon

“ Sa sugat mo, Panginoon,

Na tinanong susun-suson

Ay alin sa mga iyon ang

Mahapdi hanggang ngayon?”

Sa tulang “ Sugat sa balikat” ni Florante

15.  Pabula (Fable) – Isang maigsing kasaysayan ang inilarawang mga kilos o mga katangian ng mga hayop o ng mga bagay na walang kaluluwa.


BAHAGI NG PANANALITA

PANGNGALAN

Ang pangngalan ay pasalitang simbolo na ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.

Ang unang katuturan ay gumagamit ng katawagang pansemantika, pasalitang simbolo; ang ikalawa ay ang karaniwang katuturang ibinibigay ng balarilang tradisyunal.

Halimbawa: Mga pangangalang ngalan ng tao

Gloria ama guro

Nonoy anak manananggol

Mga pangangalang ngalan ng hayop

Tagpi aso tandang

Muning pusa katyaw kalabaw


Mga pangngalang ngalan ng pook

Pilipinas lunsod kaparangan

Bundok bundok kamaynilaan


Mga pangngalang ngalan ng katangian

bait kabaitan pagkamabait

tapang katapangan pagkamatapang


Mga pangngalang ngalan ng pangyayari

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

kasalan pulong

pag-aasawa kaarawan


Sa ikalawang pananaw na batay sa lingwistikang istruktural, ang pagbibigay ng katuturan ay batay sa kayarian at gamit sa pangungusap ng yunit ng wika na binibigyang kahulugan. Hindi isinasaalang-alang dito ang kahulugang tinutukoy o binibigay ng salitang binibigayang-katuturan.

Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika. Sa kayarian, ang pangngalan, ay karaniwang salitang ugat o anumang pagbabagu-bagong anyo nito ayon sa kung ito ay inuulit, nilalapian, o pinagtatambal.

Halimbawa ang agos ay salitang ugat o anumang pagbabagu-bagong anyonito ayon sa kung ito ay inuulit, nilalapian, o pinagtatambal. Halimbawa ang agos ay salitang ugat; ang buhay-buhay ay pag-uulit ng salitang ugat ng buhay; ang kabuhayan ay salitang ugat ng buhay; ang kabuhayan ay salitang ugat na buhay na nilapian ng ka …. An; ang buhay-alamang ay dalwang salitang ugat na pinagtambal. Hinggil sa mga pangngalang maylapi. Sa Pilipino ay mayroon tayong mga panlaping sadyang ginagamit lamang sa pagbubuo ng pangngalan.

Tinutukoy pa rin ng kayarian ang gamit ng salita sa loob ng wika o ang kayarian ng mga pariralang maaaring mabuo nito, kasama ng iba pang salita o kataga.

Ang anumang salitang maaring sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya y isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

Ang tatlong pares ng mga katagang binanggit sa katuturan ay mga pananda.

Ang unang pares ay panda ng mga pangngalang nasa kaukulang palagyo; ang huling dalawang pares ay pananda naman ng mga pangngalang nasa kaukulang palayon.

Ano ang ibig sabihin ng pariralang “salitang maaring isunod sa… sa loob ng katuturan?

Nangangahulugan na ang salita ay nagagamit na kasunod ng aliman sa mga katagang nabanggit upang makabuo ng parirala.

Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni; ay ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.

Kung ang mga pariralang isahan sa mga halimbawa sa itaas ay ilalagay natin sa maramihan, ganito ang mga pariralang mabubuo natin:

1. ang mga anak 2. Sina Maria

ng mga anak nina Maria

sa mga anak kina Maria

Kung magpapatuloy tayong maghanap ng mga salitang maaaring isunod sa unang pangkat ng mga kataga (ang, ng, sa) makikita nating ang mga sumusunod na salita ay maaari ring gamitin: akin, mabait, umawit.


Makabubuo tayo ng mga parirala na sumusunod:

1. ang akin ang mga akin

ng akin ng mga akin

sa akin sa mga akin

2. ang mabait ang mga mabait

ng mabait ng mga mabait

sa mabait sa mga mabait


HALIMBAWA

1. Mga pariralang ang

a. Sa opisyal na pulong ko na inuulat ang akin.

b. Laging pinagpapala ng Diyos ang mabait.

c. Ang umaawit sa ating Palatuntunan ay tanyag sa buong daigdig.

2. Mga pariralang ng 

a. Kalihim ko ang bumasa ng akin sa opisyal na pulong.

b. Karaniwang tahimik at walang bagabag ang buhay ng mabait.

c. Ang pangalan ng umaawit ay tanyag sa buong daigdig.

3. Mga pariralang sa

a. Hindi ko malilimot ang kanyang ginawang tulong sa akin.

b. Ang Diyos ay laging may gantimpala sa mabait.

c. Walang katapusan ang papuri ng mga nakinig sa umawit.

Sa unang pangungusap, ang pariralang ang akin ay pinaikling anyo, isang elipsis. Ang salitang akin ay pinaikling panghalip na karaniwang ginagamit na kasama ng isang pangngalang inaari nito. Sa pangungusap na isinasaalang-alang, maaring ang pangngalang kasunod ng akin ay ulat. Kung gayon, ang buong pangungusap na walang elipsis.

Halimbawa:

Sa  opisyal na pulong ko na iuulat ang aking ulat.

Sa kayarian ng ating mga pangungusap sa Pilipino, ang salitang ulat sa ganitong halimbawa ay maaari nang alisin, kaya’t napapalitan ang tungkulin ng panghalip na akin. Ang dating panuring na akin ay nagiging isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

Mga Klasipikasyon Ng Pangalan

Ang mga pangangalan ay mauuri ayon sa kahulugan o kayarian ng mga ito bilang isang salita. Ang unang pag-uuri ay Klasipikasyong pansemantika, ang ikalawa ay pangkayarian o pang-istruktura.

Mga Uring Pansemantika

Sa ilalim ng pag-uuring pansemantika ay may dalawang paraan ng klasipikasyon. Ang una ay batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat, at ang ikalawa ay batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi tahas.

Ayon sa unang batayan, ang mga pangngalan ay maaaring pangngalang pantangi o pangngalang pambalana. Ayon naman sa ikalawang batayan, ang pangngalan ay maaaring tahas o basal.


Pantangi ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Ang ibig sabihin ng tangi ay partikular na tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Sumasagot ito sa tanong na: Ano ang panawag sa o ngalang partikular na taong ito, ng partikular na asong ito, o pusang ito; ng partikular na aklat na ito, o lapis na ito; ng partikular na dagat na ito o ilog na ito, atb.

HALIMBAWA:

1. Mga pangngalan ngalan ng partikular na tao

Danica Bb. Carol Reyes

Czarina Dr. Dioneda

2. Mga pangngalang partikular na ngalan ng iba’t ibang uri ng hayop

Tagpi Bantay

Muning Whitie

3. Mga Pangngalang Partikular ng Ngalan ng Iba’t Ibang Bagay

Pilot Mongol

Bagong Alpabeto Magasing Time

4. Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng Pook

Talon ng Maria Carolina Ilog Pasig

Bulkang Mayon Naga

5. Mga Pangngalang Partikular na Pangyayari

Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1998

Araw ng Paggawa

Pambalana ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa. Halimbawa, ang pangngalan ng tao ay tumutukoy sa lahat ng nilalang na may katawan at kaluluwang rasyunal.

1. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng tao

Halimbawa: bata, guro, lalaki

2. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng hayop

Halimbawa: aso, pusa, baka

3. Mga pangngalang pangkalahatang ngalan ng bagay

Halimbawa: lapis, radyo

4. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng pangyayari

Halimbawa: kaarawan, sayawan

Ang mga pangngalang pantangi ay sinisimulan sa malaking titik kapag isinusulat. Ang mga pangngalang pambalana ay sinisimulan naman sa maliit na titik maliban kung kung simula ng pangungusap.

Tahas ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na materyal.

Halimbawa: tao, hayop, puno, pagkain, gamot, kasangkapan

Ang mga pangngalang tahas ay mauuri pa rin sa dalawa:

Palansak. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.

Halimbawa : buwig, kumpol, hukbo, tangkal, tumpok

Di-Palansak. Ito ay tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang 

Halimbawa : saging, sundalo, kamatis, tao, bulaklak

Basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa o kaisipan.

Halimbawa: pag-ibig, katatagan at pag-asa

Mga Uring Pangkayarian

Uri ng pangngalan, batay sa kayarian nito:

1. Pangngalang Payak  kung ito ay isang salitang-ugat lamang. Wala itong kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito. Ang pangngalang payak ay binubuo ng isang morpena lamang.

Halimbawa:  bulak, dahon, bunga, diwa

2. Pangngalang Maylapi o Hinango kung binubuo ng salitang ugat at panlaping makangalan. Sa bagong pananaw, sinasabing ang pangngalang maylapi ay binubuo ng isang morpenang malaya at isang morepmang di-malaya. Ang morpemang Malaya ay ang salitang-ugat; ang morpemang di-malaya ay ang panlapi.

Halimbawa: kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan

Ang unang halimbawa ay binubuo ng unlaping ka at ng salitang ugat na klase

Ang huling halimbawa ay may salitang ugat na dugo, gitlaping in at hulaping an.

Tinatawag nating makangalan ang mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pangngalan, at kaiba ito sa iba pang panlapi ina ginagamit naman sa pagbubuo ng iba pang bahagi ng panalita, tulad ng panaguri at pandiwa.

3. Pangngalan Inuulit kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit. 

Batay sa kung ano ang inuulit, may dalawang uri ng pag-uulit: (a) ang pag-uulit na di-ganap o ang pag-uulit na parsyal at (b) ang pag-uulit na ganap.

Halimbawa:

Bali-balita, dala-dalawa, sali-salita, bali-baligtad

May mga pangangalang maylapi na ang inuulit ay ang unang salita (katinig) at patinig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Alaala, bulaklak, lapulapu, paruparo, sarisari 

Payak ang klasipikasyong mga ito sapagkat wala namang salitang-ugat na ala, lak, paro, lapu.

Pag-uulit na ganap ang tawag sa pag-uulit ng buong pangngalan. Mga pangngalang payak lamang na binubuo ng dalawang pantig ang nauulit nang ganap.

Halimbawa:

kuru-kuru, bayan-bayan, buhay-buhay, sabi-sabi

4. Pangngalang Tambalan

Ang pangngalang tambalan ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa. Binubuo ito, samakatwid, ng dalawang morpemang malaya.

May mga pangngalang tambalan na nanatili ang kahulugan ng mga saliang pinagtatambal at nagkakaroon ng bagong kahulugan ang nabuong pangalan.

Ang unang pangkat, yaong nanatili ang kahulugan ng pinagsamang salita, ay tinatawag na malatambalan o tambalang di-ganap. Samantala, ang ikalawa, yaong nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga salita, ay tinatawag na tambalang ganap. 

(a) Mga tambalang di-ganap

Balikbayan, alay-kapwa, dalagang-bukid, bahay-kalapati

Sa mga tambalang di-ganap ay may kataga o mga katagang nawawala.

Halimbawa, ang balikbayan ay galing sa pariralang bumalik sa bayan o nagbalik sa bayan inalis ang katagang sa at kinuha na lamang ang salitang-ugat na balik buhat sa bumalik o nagbalik upang mabuo ang pangngalang balikbayan.

Sa halimbawang alay-kapwa, ang katagang nawawala ay sa.

Sa dalagang-bukid, taga ang katagang inalis.

At sa bahay-kalapati ng ang nawawala.


(b) Mga tambalang ganap

kapitbahay, bahaghari, hampaslupa, dalagambukid (isda)

Mapapansin sa mga tambalang ganap, ang kahulugan ng mga pinasamang salita ay nawawala. 

Mga Kakanyahan Ng Pangngalan

May mga katangian o kakanyahan ang pangngalan na ikinaiiba nito sa iba pang subkategorya ng mga bahagi ng pananalita.

Sa balarila ni Lope K. Santos, apat ang kakanyahan ng pangngalan :

(1)kausapan, (2) kailanan, (3) kasarian, at (4) kaukulan.

Sa mga balarilang tradisyunal, ang kausapan, ay itinuturing na isa sa mga kakanyahan ng pangngalan ay natutukoy lamang sa pamamagitan ng panghalip na ksama nito o kaya’y sa pamamagitan ng konteksto na pangungusap.

Halimbawa: Ako, ang inyong ama, ang magpapasya.

Nalalalaman nating ang pangngalang ama ay nasa kausapang kumakausap. Samantala, sa pangungusap na:

Isang Pilantropo si Don Crispin.

Ang pangngalang Don Crispin ay alam na nating nasa ikatlong panauhan dahil sa konteksto.

Sa ibang salita, Don Crispin, halimbawa, ay walang kausapan kung nag-iisa. Kaya lang magkaroon ito ng kausapan ay kung magiging bahagi ng pangungusap dahil sa mga panghalip.

Halimbawa : Ako si Don Crispin.

Ikaw si Don Crispin.

Siya si Don Crispin.


Sa kailanan ng pangngalan ay nalalaman natin kung ang pangalan ay tumutukoy sa isa, dalawa, o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. At batay sa kung ilan ang tinutukoy, ang kailanan ng pangngalan ay maaring

(1) isahan, (2) dalawahan, (3) maramihan o lansakan. 

Halimbawa ng mga pangngalang likas na isahan, dalawahan, o lansakan.

Isahan : Kapatid

Dalawahan : kambal

Lansakan : kawan

Ang kapatid na likas na isahan ay magagawang dalawahan o maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng pantukoy, pang-uri, pamilang, at panlapi.

Halimbawa:

pantukoy : ang kapatid, ang magkapatid

pang-uri : mabait na kapatid, mababait na kapatid

pamilang : isang kapatid, dalawang kapatid, limang kapatid

panlapi : kapatid, magkapatid, magkakapatid

Kasarian ng Pangngalan

Ang tao, hayop, bagay na tinutukoy ng pangngalan ay maaaring uriin ayon sa sekso: (1) may sekso at (s) walang sekso. Tao at hayop ang may sekso; bagay, pook, at pangyayari ang mga walang sekso.

Dalawa ang uri ng sekso: (1) lalaki at (2) babae, kaya’t ang pangngalan ay maaring tumutukoy sa isang tao o hayop na lalaki o isang tao o hayop na babae. Ngunit may mga pangngalang maaaring tumutukoy sa alinman sa babae o sa lalaki.

Tinatawag na kasariang panlalaki ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa tao o hayop na lalaki. Kasarian pambabae kung ang mga pangngalan ay tumutukoy sa tao o hayop na pambabae. Kasariang di-tiyak kung ito ay mga pangngalang maaaring panlalaki at pambabae. Walang kasarian ang mga pangalang tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari na walang sekso.

May mga salitang likas na pawang sa lalaki, tulad ng ama, kuya, tiyo; at mayroon namang likas na panawag sa babae, tulad ng ina, ate, tiya. Mapapansing sa mga salitang ito ay walang tiyak na palatandaan sa kayarian. Kahulugan lamang an gating pinagbabatayan sa pagkilala ng kasarian.Kahulugan lamang ang ating pinagbabatayan sa pagkilala ng kasarian. Kung sabagay, maraming salitang hiram sa kastila ang nakikilala ang kasarian, tulad ng abogado, abogada, biyahera, konduktor,  konduktora sa pamamagitan ng mga morpenang (a) at (o) sa pusisyong pinal.

Kaukulan ng Pangngalan

Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap. May iba’t ibang gamit ang pangngalan sa loob ng pangungusap, at batay sa mga gamit na ito ay mauuri natin ang kaukulan ng pangngalan sa dalawa: kaukulang palagyo at kaukulang palayon.

Nasa kaukulang palagyo  ang pangngalang kung ginamit itong simuno, pamuno sa simuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno.


Halimbawa:

1. Simuno ang gamit ng pangngalan.

Si Bonifacio ay Dakilang Filipino.

2. Pamuno sa simuno ang gamit ng pangngalan.

Si Bonifacio, ang bayani, ay Dakilang Filipino.

3. Kaganapang pansimuno ng gamit ng pangngalan.

Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

4. Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan.

Czarina, alagaan mo si Celine.

5. Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit sa pangngalan.

Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.

Sa unang pangungusap, ang pangngalang Bonifacio ay pinapaksa kaya’t simuno ang gamit. Sa susunod na pangungusap ay may pamuno ang simunong Bonifacio ang pangngalang bayani. Ang kaukulan ng pamuno ay tulad sa kaukulan ng pangngalang pinupunuan.

Ang pangngalang ginagamit na panawag ay tinatawag na pangngalang patawag. Sa Ikatlong pangungusap, ang pangngalang Czarina, ay pangngalan patawag; ito ay nasa kaukulang palagyo.

Nasa kaukulang palayon ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol, o kung ang pamuno sa aliman sa dalawa. Tulad ng nakita na sa mga halimbawa sa kaukulang palagyo, ang pamuno ay may kaukulang tulad ng salitang pinupunuan nito.

Halimbawa:

1. Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan.

Ang masipag na ina ay nagsisinop ng kanilang bakuran.

2. Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan.

Ang mga mag-aaral ay nasa palaruan.

PANGHALIP

Ang panghalip ay mga salita na pamalit o panghalili sa pangngalan. Maaaring bigyan katuturan ang panghalip ayon sa pananaw pangsemantika at pananaw na pang-istruktura.

Halimbawa: 

Si Manuel L.Quezon ang kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa”.

Sa pananaw na istruktural, ang mga panghalip ay makikilala dahil sa impleksyon o pagbabagong-anyo ayon sa kaukulan: (a) ang mga panghalip na nasa anyong ang, (b) ang mga panghalip na nasa anyong sa. 

Tulad ng napag-aralan na natin, ang mga pangngalang ay may kaukulan. Ang pangngalang pinangungunahan ng ang/si ay nasa kaukulang ang. Ang pangngalang pinangununahan ng ng/si ay nasa kaukulang ng. Ang pangngalang pinangungunahan ng sa/ka ay nasa kaukulang sa.

Batay sa mga kaukulan ng pangngalan, ang mga panghalip ay mayroon ding mga kaukulan. Ang panghalip na maaring ihalili sa pariralang pangngalang pinangungunahan ng ang o si ay sinasabing nasa kaukulang ang o kaukulang palagyo.

Halimbawa:

(1) Ang mabuting mamamayan ay may disiplina sa sarili.

 Ang pariralang  pangngalang ang mabuting mamamayan ay maaaring palitan ng panghalip na siya. Nasa kaukulang an gang pariralang pangngalang ang mabuting mamamayan, kaya’t ang panghalip na’t ang panghalip na siya ay nasa kaukulang ang din.

MGA URI NG PANGHALIP

May apat na uri ang mga panghalip na panao, panghalip  na pamatlig, o panghalip na panaklaw, at panghalip na pananong. 

Mga Panghalip na Panao 

Ang panghalip na panao ay panghalili sa ngalang ng tao. 

Halimbawa: 

Si Dr. Jose RizalU ay manggagamot ng baryo. 

Ang Si Dr. Jose Rizal ay maaaring palitan ng siya, kaya’t ang pangungusap ay magiging: 

Siya ay manggagamot ng baryo. O kaya’y 

Manggagamot ng baryo. 

Mapapangkat sa tatlong anyo ang mga panghalip na panao: panghalip panao, sa anyong ang, panghalip panao sa anyong ng, at panghalip panao sa anyong sa.

Narito ang tsart ng mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo. Pinag-iiba rin sa tsart ang mga panghalip ayon sa panauhan o kung sino ang tinutukoy : unang panauhan (kumakausap) , ikalawang panauhan ( kinakausap ) ,at ikatlong panauhan (pinag-uusapan). 

Gayundin, pinangkat ang mga panghalip ayon sa kailanan o bilang  ng tinutukoy: isahan, dalawahan at maramihan.


TSART I 

MGA PANGHALIP NA PANTAO


Panauhan / Kailanan Anyong ang

(palagyo)

Anyong ng 

(paukol) Anyong sa

(paari) 

Isahan

Una ako ko Akin

Ikalawa ikaw, ka mo Iyo

Ikatlo siya niya Kanya

Dalawahan

Una *kata *nita *kanita

kita, tayo natin Atin

Ikalawa kayo ninyo inyo 

Ikatlo sila nila kanila

Maramihan

Una kami namin amin

Ikalawa kayo ninyo inyo

Ikatlo sila nila Kanila


Bihira ng gamitin

Ipinakikira sa tsart ang mga panghalip na paano sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang

panauhan, at sa iba’t ibang kailanan. 

Ang pag-iiba ng anyo ng panghalip ay naayon sa mga kaukulan ng pangngalang

Hinahalipan ay nasa anyong ang, ang panghalip na maihahali ay nasa anyong ang din. 

Halimbawa: 

Ang Unang Ginang ng bansa  ay masigasig na tagataguyod ng kapakanang pangmadla.

ay magiging: 

Siya  ay masigasig na tagapagtaguyod ng kapakanang pangmadla. 

Kung ang panngalang hinahalipan ay nasa anyong ng, ang panghalip na maihahalili ay dapat na nasa anyong ng din. Halimbawa, ang pangungusap na: 

Malaki at matatababa ang mga baboy na alaga ni Mang Coro. 

ay magiging: 

Malalaki at matataba ang mga alaga niya.

Samantala naman,kung ang pangalang hinahalipan ay nasa anyong sa, ang panghalip na magagamit ay yaong nasa anyong sa rin. Halimbawa, ang pangungusap na: 

Ang aklat para sa guro ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan. 

ay magiging: 

Ang aklat para sa guro para sa guro ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan. 

Sa panauhan malalaman kung ang panghalip ay tumutukoy sa taong kausap, sa taong kinakausap, o sa taong pinag-uusapan. 

Ang kailanan naman ay tumutukoy sa bilang ng taong kinakatawan ng panghalip. Nasa kailanang isahan ang panghalip na panao kung tumutukoy sa isang tao; dalawahan kung dalawa ang tinutukoy, at maramihan  kung tatalo o higit pa ang tinutukoy. 


Mga Panghalip na PamatliG

Panghalip ng pamatlig  ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, atbp. na itituturo o inihihimaton. 

Halimbawa: 

Giya ng mga turista ang kapatid nito. 

Ang nito ay may hinahalinhang pangalan at gayundin, nagpapahiwatig na ang  tinutukoy ay itinuturo ng nagsasalita. 

Mapapangkat sa apat na uri ang mga panghalip na pamatlig: prominal, panawag-pansin  o pahimaton, patulad at palunan. 

Ang uring pronominal ay yaong pamalit at nagturo lamang sa ngalan ng tao, o bagay, at wala nang iba pang kahulugang kasangkap, tulad ng panghihimaton satao, o bagay, paghahambing,  o pagsasaad ng pook na kinaroroonan ng tinutukoy, na siya namang kahulugan ng iba pang mga uri. 

Ang bawat uri ng panghalip na pamatlig ay may apat na kategorya:malapit na malapit sa nagsasalita, malapit sa nagsasalita, malapit sa nakikinig, at  malayo kapwa sa nagsasalita at nakikinig. 

Ang pamatlig na pronominal pronominal   ay mapapangkat din sa tatlong anyo ayos sa pagkakaugnay nito sa pokus ng pangungusap: anyong ang, anyong ng at anyong sa ng upang magpahayag ng pagkakatulad ng mga tinutukoy ng nagsasalita. 

Halimbawa: 

gaya nire – ganire, gaya niyan – ganiyan/ganyan

Ang mga pamatlig na palunan ay masasabi namang pinaikling anyo ng nasa at ng anyong ang ng pamatlig na maaeing ipalit sa mga kayariang nasa sa mga pusisyong kategoryang iyan, niyan, diyan, (h) ayan, ganyan, at nariyan ung ang inihihinaton o ang itinuturo ay higit na malapit sa kinakausap kaysa nagsasalita. 


Iba’t ibang gamit sa pangungusap ng mga anyo ng pamatlig. 

Simunoo kaganapang pansimuno ang gamit sa pangungusap. 

ng anyong ang:

Halimbawa: 

1. Ito ay yaring Pilipino. (simuno)

2. Ang yaring Pilipino ay ito. (kaganapang pansimuno) 


Ginagamit ang anyong ng  na panghalili sa pariralang pang ukol

na nagpapahayag ng diwang paari.

Halimbawa: 

1. Napapanahon ang kurso ng mag-aaral na ito, 

2. Napapanahon ang kurso nito. 


Ginagamit ang anyong sa bilang panghalili sa pariralang pang-ukol na pinangungunahan ng pang-ukol na sa at samakatuwid ay nagsasaad ng lunan. 

Halimbawa: 

1. Ang klima sa pook na ito  ay mabuti sa kalusugan. 

2. Ang klima rito  ay mabuti sa kalusugan. 


Mga Panghalip na Panaklaw

Panghalip panaklaw ang tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami  o kalahatan  ng tinutukoy: 

Narito ang halimbawa ng mga panghalip na panaklaw. 

isa anuman magkanuman 

iba alinman kuwan

balana sinuman lahat

ilanman tanan kailanman

Halimbawa sa ilang pangungusap: 

1. Pinalabas ng guro ang isa. 

2. Balana ay humanga sa kagandahan ng Bulkang Mayon. 

3. Sinuman ay maaaring lumahok sa timpalak na ito. 

4. Hahanapin ka raw niya saanman.

5. Nawawala ang kuwan. 


Mga Panghalip na Pananong 

Panghalip na pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao at bagay, na ginagamit sa pagtatanong. Kaganapang pansimuno ang gamit ng mga ito. Mapapangkat ang mga ito sa dalawang kailanan: isahan at maramihan

Narito ang talaan ng mga panghalip na pananong: 


Isahan Maramihan 

sino sinu-sino

ano anu-ano

alin alin-alin

kanino kani-kanino

Ginamit ang sino at kanino para sa tao; ang ano at alin ay para sa tao; ang ano at alin ay para sa bagay, hayop, o lunan; ang ilang ay maaari sa tao, bagay, hayop o lunan. 


PANDIWA

Ayon sa kahulugang pansemantika ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nbagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita. 

Halimbawa: 

Ang pulisya ay naglunsad ng puspusang kilusan sa pagsugpi ng pagkasugapa sa narkotiko. 

Ang salitan naglunsad ay pandiwa sapagkat nagsasaad ng kilos o galaw. 

Sa pananaw na istruktural,  ang pandiwa ay nakikilala sa pamamagitan ng mga impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos nito. 

Halimbawa: 

1. Nagdasal na ang mag-anak. (Perpektibo) 

2. Nagdasal ang mag-anak ngayon. ( Imperpektibo) 

3. Magdasal na ang mga mag-anak. (Kontemplatibo.) 

Ang mga pandiwang nagdasal , nagdarasa, magdasal ay may iba’t ibang anyo sa iba’t ibang aspekto ng mga ito. 




(1) Kayarian ng Pandiwa 

Ang pandiwa sa Pilipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama sa isang salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Ang salitang ugat at ng isa o higit pang panlapi. Ang salitang ugat ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa samantalang ang panlapi naman ang nagpapahayag ng pokus o relasyong pasemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. 


(2) Mga Kaganapan ng Pandiwa

Kaganapan ng pandiwa   ang tawag sa bahgi ng pang-uri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa. 

Ang mga kaganapang tagaganap  at kaganapang layon  ay naipapahayag sa pamamagitan ng pariralang ng. 

Halimbawa: 

1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. 

2. (kaganapang tagaganap) 

3. Kumain ang bata ng suman at manggang hinog.

    (kaganapang layon) 

Ang iba pang kaganapan ay naipapahayg sa pamamagitan ng pariralang sa, o para sa, tulad ng mga halimbawa pariralang sa ( sa phrase) sa mga sumusunod na pangungusap: 

4. Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nag-balikbayan. 

(kaganapang tagatanggap) 

5. Nagtanim ng gulay sa bakuran ang aming katulong.

6. Pinunasan ko ang mga kasangkapan s pamamagitan ng basahang malinis

 (kaganapang kagamitan) 

7. Nagkasakit siya dahil sa labis na paghitit ng opyo. (kaganapang sanhi) 

8. Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa “Peace Corps”.

 (kaganapang direksyunal)


Katuturan ng mga Kaganapan

Ang kaganapang tagaganap ay ang bahagi ng panag-uri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. 


Halimbawa: 

Ipinagdiwang ng mga kabataan  ang unang anibersaryo ng kanilang Samahan. 

Ang pariralang ng mga kabataan ay siyang nagsasaad kung sino ang gumagana ng kilos ng pandiwa.

Ang kaganapang layon ay ang nagsasaad kung anong bagay o mga bagay ng tinutukoy sa pandiwa. 

Halimbawa: 

Nagpasadya ako sa Pasig ng binurdang husi.

Ang pariralang ng binurdang husi ang tinutukoy na binili. 

Ang kaganapang tagatanggap ay ang nagsasaad kung sino ang nakikinabang ng kilos ng pandiwa. 

Halimbawa: 

Nagluto sina Ingga ng halyang ube para sa aking mga panauhin.

Ang pariralang para sa king mga panauhin  ay nagsasaad kung ano para kanino ng pandiwa. 

Halimbawa: 

Naglaro ng basketbol sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan. 

Ang pariralang sa Rizal Stadium  at nagsasaad kung saan naglaro ang koponan. 

Ang kaganapang kagamitan ay nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa. 

Halimbawa: 

Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamagitan ng asarol. 

Ang pariralang sa pamamagitan ng asarol  ay nagsasaad kung ano ang ginamit upang mabungkal ang bukid. 

Ang kaganapang sanhi ay nagsasaad kung ano ang dahilan ng pangyayaei ng kilos ng pandiwa. 

Halimbawa: 

Yumaman siya dahil sa mina  ng ginto. 

Ang pariralang dahil sa mina  ay nagsasaad ng ikinayaman ng tinutukoy. 

Ang kaganapang direksyunal  ay ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos na taglay ng pandiwa.

Halimbawa: 

Nagtungo sila sa Bicol. 

Ang pariralang sa Bicol  ay nagsasaad ng direksyon ng kilos n ataglay ng pandiwa. 


Mga Aspekto ng Pandiwa

Maraming makabagong linggwistiko ang naniniwala na ang mga pandiwang Tagalog ay nagbabanghay sa aspekto at hindi dahil sa panahunan. Anila ay wala talagang pagkakaiba ang mga pandiwang Tagalog ayon sa panahunan na di tuld sa Ingles. Sa Ingles ay may pagkakaiba ang kilos  ng pangnagdaan o pangkasalukuyan. 

Halimbawa: 

1. My brother studied in Europe. 

2. My brothe studies in Europe. 

Sa Tagalog, ang distingkiyon ng kilos ay tulad sa pagkakaiba ng aspekto ng mga pandiwa sa mga sumusunod ng pangungusap. 

1. He ate his lunch early. 

2. He was eating his lunch. 


Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo

Nagpapahayag ang aspektong pangnakaraan ng kilos na nasimulan na at natapos na. Ang impleksiyon sa aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sumusunod na tuntunin: 

(a) Kapag ang panlaping pandiwa ay may inisyal na ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/. 


Halimbawa: 

Anyong Pawatas Aspektong Pangnakaraan 

magsaliksik nagsasaliksik 

manghakot nanghakot

maunawaan naunawaan 


(b) Kapag ang pandiwa ay banghay sa –um/-um,  ang panlaping ito ay nanatili sa pangnakaraan at walang pagkakaiba. 


Halimbawa:

Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan 

umunlad umunlad 

yumuko yumuko


(c) Kapag ang pandiwa ang banghay sa hulaping –an/han¸maging ito man ay nag-iisa o may kasamang iba pang panlapi, ang –an/han ay nanatili ngunit nagdaragdag ng unlaping-in kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig, at gitlaping –in- naman kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig: 

Halimbawa: 


Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan

       alatan inalatan 

       sabihan sinabihan 


Taliwas sa tuntuning ito ang –an/han  na may kakambal na unlaping ma-.  Kapag ang

pandiwa ay banghay sa kabilang panlaping ma-.. –an / -han ay nagigin na-.

Halimbawa: 

Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan 

   matamaan natamaan 

   masabihan nasabihan 


Dapat ding banggiting ang panlaping –in- mas idinaragdagsa anyong pangnakaraan ng mga pandiwang may –an/-han ay nagiging ni- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /l/. Opsyunal ang ganitong pagpapalit kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /r/, /w/, o, /y/. 


Mga Halimbawa: 

Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan 

lagutan nilagutan 

ligawan niligawan 

regaluhan niregaluhan, rinegaluhan 

walisan niwalisan – winalisan 


Aspektong Perpektibong Katatapos 


Sa mga pandiwang Tagalog ay mayroon ding aspektong pangnakaraan katatapos,  o  aspektong perpektibong katatapos.  Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Maihahanay na rin ang aspektong ito sa aspektong katatapos lamang ay nabubuo sa pamamagitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang ugat. 


Halimbawa: 

Anyong Pawatas Aspektong Katatapos 

tumula katutula 

uminog kaiinog 

masulat kasusulat 

makalibot kalilibot 

magpatala kapapatala 


Pansining sa huling halimbawa, ang salitang inuunlapian ang pangalang hango (derived noun) na binubuo ng salitang-ugat na tala at panlaping pa-. Ang iba pang ngalang hango na nagiging pandiwa sa mag- at nalalagyan ng aspektong pangnakaraang katatapos ay yaong may pang- at ma-  


Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo

Ang aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit, di pa natatapos at kasalukuyang ipinagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang patinig o unang patinig ng salitang ugat at gayundin sa pamamagitan ng iba’t ibang tuntuning tinalakay sa ilalim ng aspektong perpektibo. Samakatueid, ang aspektong pangkasalukuyang ay tulad din ng aspektong pangnagdaan; inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang salitang-ugat. 


Halimbawa: 

Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan Aspektong Kasalukuyan 

Magsaliksik nagsasaliksik nagsasaliksik 

manghakot nanghakot nanghahakot 

umunlad umunlad umuunlad 

yumuko yumuko yumuyuko

alatan inalatan inaalatan 

sabihan sinabihan sinasabihan 

pagtawamam pinagtatawanan pinagtatawanan

pagbilhan pinagbilhan pinagbibilhan


Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo 

Ang aspektong panghinaharap ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat o pangalang hango. Walang pagbabago sa taglay na panlapi. Samakatuwid, ang aspektong panghinaharap ay tulad din ng anyong pawatas; inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat. Ang tanging taliwas sa tuntunin ay ang banghay sa –um/-um-. Ang panlaping –um/-um- ay nawawala sa aspektong panghinaharap. 


Halimbawa: 

Anyong pawatas Aspektong panghinaharap 

magsaliksik magsasaliksik 

maghakot maghahakot 

umunlad uunlad 

yumuko yuyuko

alatan aalatan 

sabihan sasabihan 

pagtawanan pagtatawanan 

pagbilhan pagbibilhan 

matamaan matatamaan 


Mga Pandiwang Di-Karaniwan 

Pangdiwang di-karaniwan  ang tawag sa mga pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabagong morpoponemikong pagkakaltas ng ponema o mga ponema, pagpapalit ng ponema, metatesis. 

Narito ang ilang halimbawa ng mga pandiwang d-karaniwan na may pagkakaltas ng ponema o mga ponema. 


Salitang-ugat + Panlapi Di-karaniwang Anyo ng Pawatas 

buhos + an buhusan busan 

dumi + han dumihan dumhan

higit + ma-..-an mahigitan mahigitan 

bata + hin batahin bathin


May mga halimbawa rin na ang pagbabagong nagaganap ay hindi lamang pagkatuklas kundi nagkakaroon din ng dagdag na ponema, tulad ng dinig + -in- dinigin – dinggin

Narito naman ang ilang halimbawa na may metatesis o paglilipat ng mga ponema. Mapapansing sa metatesis ay mayroon ding nawawalang ponema. 


Salitang-ugat + Panlapi Di-karaniwang Anyo ng Pawatas 

atip + -an = atipan aptan

silid + -an = silidan sidlan

tanim + pag-..-an pagtaniman pagtamnan 


Ang mga sumusununod na halimbawa naman ay mga pandiwang may ponema o mga ponemang napapalitan ng ibang ponema. 

Salitang-ugat + Panlapi Di-karaniwang Anyo ng Pawatas 

Tawa + -han = tawahan tawanan 

Halili + -han = halilihan halinhan

pawis + pag-..-an pagpawisan pagpusan



PANG-URI 


Ang pang-uri  ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao., hayop, bagay, lunan atb. na tinutukoy ng pangngalan o panghlip na kasama nito sa loob ng pangungusap. 

May iba’t ibang gamit ang pang-uri sa loob ng pangungusap: pang-uuring pangngalan o panghalip, pang-uring ginagamit bilang pangngalan,at kaganapang pansimuno. 


Halimbawa: 

1. Panuring ng Pangalan 

( a ) Mararangal  na tao ang pinagpala. 

Panuring ng Panghalip 

( a ) Kayong masigasig ay tiyal na magtatagumpay. 

2. Pang-uring ginagamit bilang Pangngalan 

( a ) Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo. 

3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno 

( a ) Mga madasalin  ang mga Pilipino 


KAYARIAN NG PANG-URI 

May tatlong kailanan ang mga pang-uri: isahan, dalawahan, at maramihan.

Anyong isahan ang ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan; anyong dalawahan kung dalawa ang inilalarawa; at nyong maramihan kung higit sa dalawa ang inilalarawan. 

Halimbawa: 

1. Kalahi ko siya. ( Isahan ) 

2. Magkalahi kaming dalawa. ( Dalawahan ) 

3. Magkakalahi tayong lahat. ( Maramihan) 


Ang anyong isahan ay naipakikita sa paggamit ng panlaping pang-isa, tulad ng ma, ka, pang, 

nang walang pag-uulit ng unang P o KP  ng salitang-gat o walang panandang mga,  o iba pang salitang nagsasaad ng bilang ng higit sa isa. 

Halimbawa: 

1. Maligayang  pamilya ang pamilyang malusog. 

2. Kapalagayang-loob ko siya. 

3. Pang-iniksyon iyan. 


Naipapakita ang anyong dalawahan sa paggamit ng panlaping magka, magkasing, o sa paggamit na dalawa o ng salitang kapwa. 

Halimbawa: 

1. Magkamukha ang magkapatid na Nica at Zsa-Zsa.

2. Magsinlaki sina Dannize at Chris. 

3. Magkasingganda  ang damit ninyo. 

4. Dalawang  magigilas ng ginoo ang panauhin. 

5.


Ang anyong maramihan ay naipapakita sa pamamagitan ng pantukoy na mga, sa pag-uulit ng 

unang P o KP ng salitang-ugat, o sa pag-uulit ng pantig na ka sa mga panlaping magka at magkasing; o sa paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa. 

Halimbawa:


1. Mga  mapagkakatiwalaang kawaksi sa bahay ang mga iyan. 

2. Malilintog na ang mga butil ng palay. 

3. Magkakakulay  ang mga Pilipino, Indonesyo, at Malayo. 

4. Maraming marunong sa klase ko. 


Ang pantrukoy na mga ay maaaring samahan ng pang-uring may panlaping ma na nasa anyong

Isahan o maramihan. 


Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri 


1. Lantay ang karaniwang anyo ng kasidhian ng pang-uri, tulad ng mayaman, pangararo, palabiro.

2. Katamtamang antas ay naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang medyo, bahagya, nang kaunti o sa pag-uulit ng salitang ugat o dalawang pantig nito. 

Halimbawa: 

1. Medyo hilaw ang sinaing. 

2. Labis nang bahagya ang pagkain. 

3. Masidhi ang ikatlong antas at naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping napaka, nag . . . an, pagka at kay; ng mga salitang lubha, masyado, totoo, talaga. 

Halimbawa: 

1. Mataas na mataas pala ang Bundok ng Apo. 

2. Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin. 


Hambingan ng mga Pang-uri. 


Pang-uring pahambing  ang tawag sa mga pang-uring naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, atbp.


Pasukdol  naman ang tawag sa ga pang-uring naghahambing ng higit sa dalawa. 


Dalawang uri ng pang-uring pahambing: 


1. Pahambing na magkatulad kung ang mga pinaghahambing ay pareho o magkapatas ng uri ng katangan. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping, ka, sing, kasing at ng mga salitang pampaunlad tulad ng gaya, tulad, paris, kapwa. 

Halimbawa: (a) Kamukha ni Mikee ang ama niya. 

(b) Kasingganda niya ang kanyang kapatid. 


2. Di-magkatulad ang hambingan kung ang mga pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian. Naipapakita ito sa pamamagitan ng mga salitang paghahambing tulad ng kaysa, di-tulad, dig aya, di gaano. 

Halimbawa: Malayo ang Kalinga kasya Baguio kung mangagagaling sa Maynila. 

3. Panukdulan  ng pang-uri ay napakikita sa pamamagitan ng mga panlaping pinaka, walang kasing. 

Halimbawa: (a) Pinakatanyag ng laro sa Pilipinas ang basketbol. 

(b) Walang kasing sungit ang matandang dalaga. 


Mga Pamilang 

Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang sapagkat ginagamit na panuring ng pangngalan o panghalip. 


Halimbawa: (a) Limang malalaking kaimito ang uwi niyang pasalubong. 

Ang pamilang na lima ay panuringng pangngalang kaimito. 


Mga Uri ng Pamilang

Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal 

Ang pamilang na panunuram ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng tao. Bagay, atbp. may panlapi itong ina-, o pang-.

Halimbawa: 

Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal 

isa siyam labinpito

dalawa sampu labingwalo

tatlo labing-isa labinsiyam

apat labindalawa dalawampu

lima labintatlo dalawampu’t-isa

anim labing-apat

pito labinlima

walo labing-anim


Pamilang na Panunuran 


Anyong ika- Anyong Pang-

una pang-una

ikalawa pangalawa

ikatlo pangatlo


Ang mga pamilang na patakaran ay batayan ng iba pang-uring pamilang: 

(1) Pamilang na pamamahiga (fraction), (2) pamilang na palansak o pangkat-pangkat (collective-distributive) at (3) pamilang na pahalaga (unitary collective) 



PANG-ABAY


Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, pandiwari a tiba pang pang-abay. Ang pang-abay ay nahahati sa iba’t ibang uri: 1. Pamanahon2. Panlunan, 3. Pamaraan, 4. Panggaanom 5. pang-agam, 6. Pananggi at panang-ayon,at 7. Panulad. 


Pang-abay ng Pamanahon 


Ang pang-abay na pamanahon ay karaniwang nagbibigay turing sa pandiwa at pang-uri at nagsasaad ng panahon. Sinasagot ang pang-abay ang tanong na “kailan”. 

Halimbawa: Ang pangulo ay dumating kahapon. 

Masaya kagabi ang tatay. 


Ang iba pang mga pang-abay na pamanahon ay gaya ng: minsan bukas, kamakalawa, ngayon, dati, lagi, bihira at iba pang mga salita’t pariralang nagsasaad ng panahon. 



Pang-abay na Panlunan


Ito ay pang-abay na sumasagot sa tanong na”saan” at madalas na nagbibigay-turing sa pandiwa at pang-uri. 

Halimbawa: Dito nakatira ang guro nina Teodora. 

Si Lyn ay maligaya roon nguni’t siya’y malungkot dito. 


Pang-abay ng Pamaraan

Ang pang-abay ng ito ay nagsasabi kung paano ang pagganap na binabanggit sa pandiwa. Ang mga pang-uring inuunlaipan ng “ma” ay ginagamit ding pang-abay na pamaraan. 

Halimbawa: Ang bara ay busog na,  huwag mo na siyang pilitin. 

Maraming sinabi ang matalas na babae nguni’t ang kausao ay hindi man lamang sumagot gaputok man.


Pang-abay na Pang-agam

Kapag ang nilalaman ng pangdiwa o pang-uri’y nagkakaroon ng diwa ng pag-aalinlangan at di-katiyak, ang pang-abay na pang-agam ay ginagamit. 

Halimbawa: Sasama marahil ang ama ni Gliza sa pagdiriwang. 

Ang kalahokk ay tila nahihiya sa mga tao. 


Pang-abay na Pananggi at Panang-ayon 

Ang pang-abay na pananggi ay nagbibigay-turing sa pandiwa at pang-uri at ang diwang isinasaad ay ¬pag-ayaw o kaya’y pagtanggi. 

Halimbawa: Huwag kayong mabahala at tutuparin nila ang kanilang pangako. 

Ayaw magluto ni Nanay sa dahilang siya’y bumili na lamang ng pagkain sa restauran.


Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad na pagsang-ayon at pagkatig sa kahulugang binabanggit sa pandiwa at pang-uri. 

Halimbawa: Oo, nakalampas na si Crispin sa mahigpit na pagsusulit. 

Tunay  na maligaya na ngayon ang mag-anak na Dioneda. 


Pang-abay na Panulad 


Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa o kaya’y paghahambing ng mga pang-uri. 

Halimbawa: Lalong nasasayahan si Gloria dito sa Maynila kaysa Lalawigan. 

Si Mang Pedro ay higit  na mayaman kasya Aling Juana. 


MGA PANG-UGNAY 


PANGUKOL 

Ang pang-ukol ay nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang mga salita sa pangungusap. Ang pang-ukol ay maaaring isang salita o kaya’y dalawang salita. 


Pang-ukol ng Isang Salita

Halos “sa” lamang ang siyang ginagamit na pang-ukol ng isang salita. Ginagamit din kung minsan ang “ng” 

Halimbawa: Ang pagkain ay inilagay na sa mesa. 

Ang alagang aso ay pumanhik ng (sa) bahay. 


Pang-ukol na Dalawang Salita 

Halimbawa: Ang mga ala-alang ito ay para sa iyong ina. 

Ayon sa balita, nagkaroon daw ng mahigpit na pagtatalo sa Kongreso. 


Ang pang-ukol na sinusundan ng pangngalan o panghalip ay siyang bumubuo ng pariralang pang-ukol. 

Halimbawa: sa bahay ukol sa iyo 

Bahay na ay ilaw punong may bunga


PANGATNIG


Ang pangatnig ay nag-uugnay ng kapwa salita, parirala at sugnay. Ang pangatnig ay maaaring panimbang, paninsay, panubal, pamukod, pananhi, panlinaw, at panapos. 


Pangatnig na Panimbang

Tinatawag na panimbang ang pangatnig na ginagamit kapag ang dalawang salita, parirala o sugnay na pinag-uugnay ay magkasing-halaga o magkasintimbang. Kabilang sa mga ito ang at, saka  at at saka. 

Halimbawa: Ikaw at ako ay mabuting magkaibigan. 

Ang mga babae at mga lalake, at saka ang matatanda at bata ay nangaroong lahat. 


Pangatnig na Paninsay

Ang pangatnig na ito’y karanwang ginagamit sa mga pangungusap na tambalan na ang 

unang sugnay ay sinasalungat ng ikalawa o ang ikalawa ang una. 

Halimbawa: Ang palatuntunan ay sinimulan nguni’t  wala ang panauhing tagapagsalita. 

Si Lourdes ay dadalo sa ating kasal bagaman masama ang kanyang loob. 


Pangatnig na Panubali 

Ito ay nag-uugnay ng mga kaisipang pasumala  o may pasubali. 

Halimbawa: Pagnasira ka sa iyong pangako, sila ay hindi na maniniwala sa iyo. 

Kung ikaw ay dadalo sa handaanm, tumawag ka sana kay Elisa. 


Pangatnig na Pamukod

Ang pangatnig na ito’y nagbubukod ng dalawa o mahigit na tao o bagay na binibigyang linaw. 

Halimbawa: Si Nestor ba o ikaw ang kandidato. 

Ni ikaw ni ako ay hindi dadalo sa handaan. 


Pangatnig na Pananhi

Ginagamit ng pangatnig na ito kapag ang diwang iniuugnay ay isang pangangatwiranan o isang kadahilanan ng binabanggit sa inuugnayan. 

Halimbawa: Dahil sa malayo angbahay sa simbahan, ang mga bata ay madalas ng hindi makasimba

Si Felisa ay nahinto sa pag-aaral pagka’t napaalis sa pinapasukan ang kanyang ama. 


Pangatnig na Panlinaw

Ang pangatnig na panlinaw ay nag-uugnay ng isang kaisipang nagpapaliwanag sa ibang mga bagay na binabanggit o binanggit na. 

Halimbawa: Ang sabi nila’y wala na sa talaan ng tanggapan ang iyong pangalan, samakatuwid inalis ka na nila sa iyong gawain. 


Pawang masama ang kanilang ginagawa at sinasabi, kung gayon nararapat nang paalisin sila sa lalong madaling panahon.


Ang iba pang mga pangatnig na panlinaw na lalong gamitin ay: alalaong baga, alalaong sana, sa katagang sabi, sa tahasang sabi at iba pa na pawang binubuo ng mahigit sa isang salita. 


Pangatnig na Panapos

Kapag ang diwang iniuugnay ay nagsasaad ng kawakasan, ang pangatnig na ginagamit ay pangatnig na panapos. 

Halimbawa: Nayari na ang lahat ay gawain a loob ng linggong ito, at sa wakas kami ay makauuwi na. 

Ang mga dala-dalaha’y nakahanda nang lahat , sa lahat ng ito, nagpapaalam na kami sa inyo. 


PADAMDAM

Ang padamdam ay isang bahagi ng panalitang nagpapahayag ng damdaming di karaniwan. Maaaring isang kataga, salita o lipin ng mga salita  ang isang pandamdam. 

Halimbawa: Ay! Hanggang kailan pa kaya ang hirap na ito. 

Mabuhay! Tiyak na siya ang panalo. 

Ano ka ba! Bakit ka nakatulala. 



SUGNAY AT PARIRALA 


Ang SUGNAY ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panag-uri na maaring may buong diwa o di – buong diwa. 


1. Sugnay na di makapag-iisa – may simuno at panaguri ngunit walang buong diwa. 

Halimbawa: 1. Umawit siya. 

2. Mabilis silang magtrabaho. 


2. Sugnat na makapag-iisa – may simuno at panaguri na may diwa. 

Halimbawa: 1. Nang si Leo ay dumating. 

2. Sapagkat siya’y nanalo.


Ang PARIRALA ay lipon ng mga salitang walang simuno at paanaguri may iba’t ibang uri ito ayon sa kayarian

1. Pariralang Pang-ukol – binubuo ng pang-ukol na sa at layon. 

(pangalan at panghalip) 

Halimbawa: 1. Sa Legaspi 

2. Ng ibon 

3. Hinggil sa tubig

2. Pariralang Pawatasi -  binubuo ng pantukoy at pawatas na pandiwa

(may panlapi) 

Halimbawa: 1. Sa nanatili

2. Ang mga tumayo 

3. Ang mga lumabas

3. Pariralang Pangngalang – diwa- binubuo ng pantukoy at pangngalang pandiwa

( pag+salitang-ugat) 

Halimbawa: 1. Sa pag-tuklas


MGA IDYOMA

Idyomatikong pagpapahayag  ang tawag sa mga pariralang ang kahulugan ay hindi mahahango sa alimang bahagi ng pananalita. 

LAWAK: GRAMMAR at WASTONG GAMIT


Layunin: Nagagamit nang wasto ang wikang Filipino

Naisasagawa ang mabisang pakikipagkomunikasyon sa wikang Filipino


WIKA-

ginagamit ng tao sa kanyang pag-iisip, pakikipagugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao at maging sa makikipag-usap sa sarili.

behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong magagamit



Ang pag-aaral ng isang wika tulad ng Filipino ay binubuo ng dalawang kakayahan:


KAKAYAHANG LINGGWISTIKA O LINGUISTIC COMPETENCE- kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambararila

KAKAYAHAN KOMUNIKATIBO O COMMUNICATIVE COMPETENCE-kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangngusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinigingi ng sitwasyon.


Ang WIKA ay may grammar at nahahati sa sumusunod:


Ponolohiya-patern o kumbinasyon ng tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabgikas.

Mga Ponemang Segmental- mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.

KATINIG-ipinapakita ang mga ponemang ito batay sa paraan ng artikulasyon, punto ng artikulasyon

PATINIG-mga allophone ang tunog (a,e,i,o,u)

DIPTONGGO-pinagsamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig (w,y) bahay, reyna, baliw, tuloy

KLASTER-kambal katinig-magakasunod na tunog katinig, karaniwang salitang hiram ang mga ganitong tunog. Hal. bruha, globo

Mga Ponemang Suprasegmental-karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi mga simbulo lamang upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.

DIIN, TONO, INTONASYON, PUNTO, HINTO

Alpabetong Filipino-may 28 letra; tulad ng tawag sa Ingles ang tawag sa bawat letra, maliban sa letrang ñ na bigkas kastila.

Silabikasyon-paghahati ng mga pantig sa wikang Filipino; mga halimbawa ng patern ng silabikasyon o pagpapantig sa wikang ito:

PKK-eks-tra KPKK- is-kawt KKPK-trak KKPKK-mag-drayb

Morpolohiya- may kinalaman sa pagbuo ng salita.

Mga Paraan ng pagbuo ng salita

Paggamit ng salitang-ugat sariwa

Paglalapi- napaka-sariwa

Pag-uulit- maganda-ganda

Pagtatambal- silid-aklatan

Mga Pagbabagong morpoponemiko

Asimilasyon- pang+bansa = pambansa

Pagpapalit- ano + ano = anu-ano

Paglilipat- y + in + akap= yinakap = niyakap

Pagkakaltas- bili+han= bilihan = bilhan

Pagdaragdag paalala + han = paalalahanan;paalalahan+an = paalalahanan

Pag-aangkop- hintay + ka = teka

Pambalarilang Kayarian ( Grammatical Structures)

Mga Salitang Pangnilalaman ( Content Words)

  Pangngalan

  Panghalip

  Pandiwa- pokus/aspekto

  Panuring-pang-uri/pang-abay

Mga Salitang Pangkayarian (Functional Words)

Mga Pang-ugnay

  Pangatnig

  Pang-ukol

Mga Pananda

  Pantukoy

Sintaks- pagbuo at pagpapahaba ng mga pangungusap

Batayang pangungusap at mga bahagi nito

Panaguri/Paksa

Sa Filipino, normal o karaniwan ang pagsasabi ng panaguri kasunod ang paksa tulad nito:


Kumakanta si Sarah Geronimo. Si Sarah Geronimo ay kumakanta

(Panaguri +Paksa) sa halip na             (paksa + ay + panaguri)


Magagamit na panaguri ng pangungusap ang iba’t ibang bahagi ng pananalita, kabilang ang nominal, pang-uri, pandiwa, at pang-abay, tulad ng mga sumusunod na halimbawa:

Pangungusap = Panaguri+ Paksa

1. Mga Nominal

a. Pangngalan-Doktor + ang kapitbahay ko.

b. Panghalip- Sila + ang barkada ko.

c. Panghalip Pamatlig- Iyon + ang alaga niyang aso.

d. Pariralang Nominal- Ang dalagang iyan + ang nililiyag ko.

Pangungusap = Panaguri+ Paksa

2.  Pang-uri

a. payak- - Duwag + si Benito

b. Maylapi- - Mataba + si Benito

c. Inuulit- - Maligayang-maligaya + si Benito

d. Tambalan- - Balat-sibuyas + si Berto

e. Pariralang Pang-uri- - May makinis na balat+ si Berto

3. Pandiwa

a. walang komplemento- Naglalaba + ang nanay.

b. May komplemento- Naglilinis ng messa sa kusina + ang nanay

4. Pang-abay

a. Pamanahon-Kamakalawa pa inilibing + ang napatay na sundalo.

b. Pamaraan-Malikot matulog + ang sanggol.

Magagamit na paksa ( simuno, topic, pinag-uusapan, sentro, pokus ng usapan) sa pangungusap ang mga pariralang nominal. Inihuhudyat ng nauunang pananda o marker ang (para sa pangngalang pambalana), / sina (para sa mga tangi o personal na pangalan) ang paksa ng pangungusap sa Filipino

Ginagamit ang ANG sa anumang bahagi ng pananalita na ginawang nominal, maging ito ay pangngalan, pang-uri, pandiwa o pang-abay.


Pangungusap = panaguri + paksa


1. Pariralang Pangngalan Nagwawalis + ang Metro Aide

2. Pariralang Pang-uri Nagwagi + ang pinakamataas sa lahat

3. Pariralang Pandiwa Isabay mo + ang mga nahuli

4. Pariralang Pang-abay Binali ko + ang nanalo kahapon

Sa mga pangungusap na verbal (kung saan pandiwa ang panaguri), nagiging pokus ng pangungusap ang paksa pagkat nagkakaroon ng semantic na relasyon  ang pandiwa sa paksa.

Halimbawa: Batayang pangungusap (BP)

Naglinis (ng mesa) ang nanay (sa kusina)

Sa BP na ito, nakapokus sa actor/ tagaganap (ang nanay) ang pangungusap, at mga komplemento naman ang “ng mesa) (layon) sa kusina” (ganapan)


Sa pagbabago ng panlapi, pansining maipopokus ang iba’t ibang komplemento tulad ng sumusunod:

Pokus sa LAYON- Nilinis ng nanay ang mesa sa kusina

Pokus sa GANAPAN- Pinaglilinisan ng nanay ng mesa ang kusina

Pokus sa SANHI- Ikinapagod ng nanay ang paglilinis ng mesa ang kusina

Pokus sa INSTRUMENTO- Ipinanlinis ng nanay ng mesa sa kusina an tubig sa timba.

Pokus sa DIREKSYON-Puntahan mo ang kusina (na pinaglilinisan ng mesa ng nanay)

2. Mga Pangungusap na WALANG PAKSA

Penominal-tumutukoy sa kalagayang pangkalikasan ( Binubuo ng panaguring pandiwa na may kasamang pang-abay)

Umuulan! Lilindol daw

Temporal-Nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian (Binubuo ng  pang-uri na may kasamang pang-abay)

Mainit! Kay init ngayon.

Eksistensiyal-nagsasaad ng pagka-mayron.

May mga mag-aaral na sa awditoryum. 

Alas diyes na. 

Lunes ngayon. Tag-araw. 

Bagong Taon na naman

Ka-pandiwa- nagsasaad ng katatapos na kilos.

Kaaalis lang niya

Pambating Panlipunan-magagalang na pananalita ng pakikipagkapwa-tao

Kamusta ka?

Salamat

Panawag-panawag na pangkamag-anak

Hoy! Psst! Tena! Manang

Pandamdam-nagpapahayag ng matinding damdamin

Aray ko! Sus! Aru! Ow talaga!

Modal-nangangahulugan ng “gusto”  /“nais”/ “ibig”

Gusto kong matulog

Semantika- may kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap.

Nabanggit na sa simula na binubuo ang grammar ng wika ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at panghuli ng semantika. Tumutukoy ang naunang tatlo sa pag-aaral ng anyo (form) at patern ng wika, tumutukoy naman ang semantika sa pag-aaral ng kahulugan mismo sa wika.


Denotasyon at Konotasyon

Halimbawa PASKO

Denotasyon- ika-25 ng Disyembre para sa mga kristiyano, araw ng kapanganakan ni kristo

Konotasyon: panahon ng pagbibigay ng mga regalo

Pagbibigay ng mga inaanak sa ninong at ninang

Karoling ng mga bata

Pagkain ng bibingka at puto bungbong


Sinonim, antonym,polisemi at homofon


Sinonim-mga salitang magkapareho  ng kahulugan

Hal. Payak-simple

Magbili-magbenta

Magkatulad-magkapareho

antonim-mga salitang magkasalungat ang kahulugan

Hal. mataas-mababa

Maliwanag-madilim

polisemi-mga salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na magkaugnay

Hal. marka

Mataas ang marka ng anak ko sa Ingles.

Nag-iwan ng marka  ang kanyang kagat sa braso ng bata.

Homofon-salitang magkapareho ng tunog o anyo subalit magkaiba ang kahulugan. Nagdudulot ng pagkalito o di kalinawan ang homofon sa pangungusap.

Halimbawa-bangka

1. maliit na sasakyang pandagat na yari sa kahoy

2. taong tagabigay ng baraha sa isang klase ng sugal

Pangungusap- Hindi pa dumarating ang Bangka. Mahirap lamin ang konteksto

Sino/Ano ang tinutukoy? Ang sasakyang pandagat o isang manunugal.

Parapreys-mga magkaparehong kahulugan ng mga pangungusap.

∞ Kimakanta ang koro ng mga lumang kanta

∞ Mga lumang kanta ang kinanta ng koro

∞ Naglaro ang mga bata ng basketbol

∞ Nagbasketbol ang mga bata 


∞Matapos na matalakay ang mga batayang kaalaman sa una, kakayahang linggwistika, dumako naman tayo sa ikalawa ang kakayahang komunikatibo sa pag-aaral ng wika.

∞Kung kahulugang komunikatibo ang susuriin sa isang pahayag, tiyak na iuugnay ito sa tungkulin ng komunikasyon at ang kaugnay na gawi ng pagsasalita tulad ng ipinakikita ng sumusunod na tsart ni Gordon Wells.

Tungkulin ng Komunikasyon

(Functions of Communication) Gawi ng Pagsasalita

(Speech or Communication Acts)

A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba (Controlling Function) Pakikiusap, Pag-utos, Pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay babala.

B. Pagbabahagi ng damdamin (Sharing Feelings) Pakikiramay, pagpupuri, pagsang-ayon, pahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat.

C. Pakikibagay o pagkuha ng impormasyon (Getting factual information) Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pagsagot

D. Pagpapanatili sa pakikipag-kapuwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapuwa (Ritualizing Function) Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin

E. Pangangarap at paglikha (Imagining/Creating Function) Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao, paghula


WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Sa pagsasalita at pagsulat ng wastong paggamit ng mga salitang karaniwan ay lubhang kailangan. Kailangang sumunod ito sa mga alituntuning pang-gramatika. Nakatulong sa maayos, malinaw at mabisang pagpapahayag kung wastong ang gamit ng mga salitang Filipino.



Gamit ng NG

∞Ginagamit bilang pantukoy

Halimbawa: Nag-aral ng Espanyol si Peter.

∞Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Inglas ay WITH

Halimbawa: Pinalo niya ng mahabang kahoy ang aso.

∞Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay SA .

Halimbawa: Magsisitungo ng Tagaytay ang mga turista.

Gamit ng NANG

∞Ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-iisa.

Halimbawa: Nang siya’y umalis, ako’y natutulog pa.

∞Ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inangkupan ng “ng” kayat nagiging “nang”





Gamit ng MAY

∞Ginagamit ang MAY kung ang sumusunod na salita ay:

- Pangalan

Halimbawa: May taong masipag.

- Pandiwa

Halimbawa: May aalis na marino mamayang gabi.

- Pang-uri

Halimbawa: May lumang bahay na nasunog.

- Panghalip na paari

Halimbawa: May kanya-kanya tayong gawi.

- Pantukoy na mga

Halimbawa: May mga magagarang damit ang mga bagong dating mula sa Italya

- Pang-ukol na sa

Halimbawa: May sa-palos ang taong iyan.

Gamit ng MAYROON

∞Sinusundan ng panghalip na palagyo

Mayroon silang  dadaluhang pagtitipon sa susunod na araw.

∞Sinusundan ng isang kataga

Mayroon ding palatuntunan sa Linggo ng Wika.

Ginagamit sa patalinghagang kahulugan

Si Don Elizalde ang mayroon sa kanilang lugar.




Gamit ng KUNG

∞Ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makapag-iisa sa mga pangungusap na hugnayan.

Halimbawa: Kung siya’y narito, tayo’y magiging Masaya.

Gamit ng KONG

∞Buhat sa panghalip na ko ang kong at nilalagyan lamang ng pang-angkop na ng sa pakikiugnay na salitang sumusunod.

Halimbawa: Ipinagtapat kong nangyari.



Gamit ng din, daw, doon

∞Ginagamit na kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.

Halimbawa: Sumikat din ang araw.

Sumikat daw ang araw.

Sumikat doon ang araw.

Gamit ng rin, raw, roon

∞Ginagamit kapag ang nauunang salita at nagtatapos sa patinig. Ang w at y at itinuturing na malapatinig, samakatuwid ang rin, raw,roon ay siyang ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa mga titik na ito.

Halimbawa: Wala rin ang kapatid ko sa bahay

Wala raw ang kapatid ko sa bahay

Wala roon ang kapatid ko sa bahay.




Gamit ng IKA

∞Ginagamit bilang panlapi sa bilang na isinusulat bilang salita

Halimbawa: Ikatlong taon

Ikaapat na araw


Gamit ng IKA-

∞Ginagamit ang ginitliiang “ika” bilang panlapi kung mismong bilang ang isusulat

Halimbawa: Ika-21 ng Febrero

Ika-3 taon




Gamit ng MAKA

∞Ginagamit ang “maka” na walang gitling kung pangngalang pambalana and kasunod na salita

Halimbawa: Naglunsad na naman ng kilos protesta ang mga makamasa.


Gamit ng MAKA-

∞Ginagamit ang may gitling na “maka-“ kapag sinusundan ng pangnglang pantangi

Halimbawa: Maka-Erap lagi ang pasimuno sa kilos protesta

Ang Gamit ng Gitling

Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusundo na pagkakataon:

1. Sa pag-ulit  ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

araw-araw dala-dalawa

isa-isa sari-sarili

apat-apat kabi-kabila

masayang-masaya

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patining na kapag di ginigitlingan ay magkakakrooon ng ibang kahulugan

Halimbawa: 

Mag-alis pang-ako may-ari

Nag-isa mang-uto tag-init

Nag-ulat pag-alis pag-asa

3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

pamatay ng insekto  - pamaty-insekto

kahoy sa gubat     - kahoy-gubat

humigit at kumulang - humigit-kumulang

lakad at takbo     - lakad-takbo

bahay na aliwan     - bahay-aliwan

dalagang tagabukid  - dalagang-bukid

       Subalit, kung sa pagsasama bg dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang  pagitan nito.

       Halimbawa:

       dalagambukid (isda)

        buntunghininga

4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brnad o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

Halimbawa:

maka-Diyos mag-PAL

maka-Rizal maka-Johnson

maka-Pilipino mag-Sprite

pa-Baguio mag-Corona

taga-Luzon Mag-Ford

taga-Antique mag-Japan

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

Halimbawa:

mag-Johnson magjo-Johnson

mag-Corona Magno-Corona

mag-Ford magfo-Ford

mag-Japan magja-Japan

mag-Zonrox magzo-Zonrox

5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:

ika-3 n.h. ika-20 pahina ika-9 na buwan

ika-10 ng umaga ika-3 rebisyon ika- 12 kabanata

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng  fraction.

Halimbawa:

isang-kapat ( ¼)

lima’t dalawang-kalina ( 5 2/5)

tatlong-kanin ( 3/6)

7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyibo ng babae at ng kanyang bana o asawa.

Halimbawa:

Gloria Macapagal-Arroyo

Conchita Ramos-Cruz

Perlita Orosa-Banzon

8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:

Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.





∞Ginagamit ang mga panlapi –in/-hin sa mga pandiwang pokus sa layon

Halimbawa: Gawin mo ang inaakala mong makikinabang ang lahat.


∞Ginagamit ang panlaping –an/-han sa mga pandiwang pokus sa direksyon

Halimbawa: Huwag mong gawan ng masama and kapwa mo.


Narito pa ang ilang halimbawa ng mga irregular na pandiwa na katulad ng gamit ng gawin at gawan.

If this content helps you, please share this NEWS with your friends and help someone to pass the board too!


#LETReviewers #PRC #LET #LicensedPRofessionalTeacher #LPT #GenED Reviewers for Teachers | LET Reviewers


/via Teachers ng Pinas

Reactions

Post a Comment

0 Comments