Filipino Reviewer Lesson 1 Gen-ED - Teachers ng Pinas
KOMUNIKASYON – ang komunikasyon ay ang paghahatid at pagtanggap ng mensahe na kinasasangkutan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
MGA SALIK/SANGKAP NG KOMUNIKASYON
1. Pinagmulan
2. Mensahe
a. pangnilalaman
b. relasyunal
3. Tsanel/Daluyan
a. sensori
b. institusyunal
4. Tumatanggap
5. Tugon
a. tuwiran
b. di tuwiran
c. naantala
6. Mga Potensiyal na Sagabal
a. Semantika
b. Pisikal
c. Pisyolohikal
d. Saykolohikal
URI NG KOMUNIKASYON AYON SA LAWAK:
1. Intrapersonal
2. Interpersonal
3. Pampubliko
URI NG KOMUNIKASYON AYON SA PARAAN:
1. Berbal
2. Di – Berbal
MGA ANYO NG DI BERBAL
1. Oras
2. Espayo
3. Katawan
a. Pananamit at kaanyuan
b. Tindig at Kilos
c. Kumpas
4. Pandama
5. Simbolo
6. Kulay
7. Paralanguage
MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON:
1. Setting (Lugar)
2. Participants (Sino ang kausap?)
3. Ends ( Ano ang layunin?
4. Act Sequence (Takbo ng Usapan)
5. Keys ( Pormal o Impormal)
6. Instrumentalities ( Ano ang midyum ng usapan?)
7. Norms ( Ano ang paksa?)
8. Genre ( Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo? Naglalarawan?, Nagsasalaysay?)
PAKIKINIG - ay isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip.
PROSESO NG PAKIKINIG :
1. Resepsyon
2. Rekognisyon
3. Interpretasyon
LEBEL NG PAKIKINIG:
1. Appreciative
2. Pakikinig na Diskriminatori
3. Mapanuring Pakikinig
4. Implayd na Pakikinig
5. Internal na Pakikinig
MGA ELEMENTONG NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PAKIKINIG:
1. Oras
2. Tsanel/Daluyan
3. Edad
4. Kasarian
5. Kultura
6. Konsepto sa Sarili
URI NG TAGAPAKINIG:
1. Eager Beaver
2. Sleeper
3. Tiger
4. Bewildered
5. Frowner
6. Relaxed
7. Busy Bee
8. Two-Eared Listener
PAANO MAGIGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG
1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
2. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa naririnig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istraktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.
PAGSASALITA
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA
1. Kaalaman
a. Paksa
b. Kaalaman sa Bokabularyo
c. Gramatika
d. Kultura ng Wika
2. Kasanayan
a. Kasanayan sa Pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon
b. Kasanayan sa Paggamit sa iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita
c. Kasanayan sa Pagagamit sa iba’t ibang genre
3. Tiwala sa Sarili
MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA:
1. Tinig
2. Bigkas
3. Tindig
4. Kumpas
5. Kilos
PAGBASA – Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag.
APAT NA PROSESO NG PAGBASA:
1. Persepsyon
2. Komprehensiyon
3. Reaksiyon
4. Asimilasyon
URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN:
1. Skimming
2. Scanning
URI NG PAGBASA BATAY SA PARAAN:
1. Tahimik
2. Malakas
URI NG PAGBASA AYON SA BILIS:
1. Bilis
2. Tulin
LIMANG DIMENSIYON NG PAGBASA:
1. Pag-unawang Literal
2. Interpretasyon
3. Mapanuri
4. Aplikasyon
5. Pagpapahalaga
MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA
1. Pag-uuri ng mga ideya at detalye
2. Pagtukoy sa layuninng teksto
3. Pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw ng teksto
4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng opinion at katotohanan
5. Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw
6. Paghihinuha at paghula
7. Pagbuo ng lagom at kongklusyon
8. Pagbibigay interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan
PAGSULAT
APAT NA PROSESO
1. Prewriting
2. Drafting
3. Editing
4. Rewriting
MGA HAKBANG SA MASINING NA PAGSULAT NG ISANG PAHAYAG:
1. Ideya
2. Ang Layunin
3. Kaalaman sa Wika
4. Pangangalap ng Impormasyon
5. Pagtitimbang sa mga Impormasyong Nakalap
6. Paggawa ng Balangkas
7. Pagsulat ng Burador
8. Pagripaso ng Burador
9. Pagsulat ng pinal na sipi
LAYUNIN NG PAGSULAT :
1. Impormatib
2. Mapanghikayat
3. Malikhain
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA SULATIN:
1. Kaisahan
2. Kohirens
3. Empasis
FILIPINO (Gramatika / Retorika)
Gramatika /Balarila – ay tumutukoy sa kaayusan ng salita sa isang pangungusap.
Ponema – ito ay maliliit na yunit ng tunog na may kahulugan.
Ponolohiya – ito ay pag-aaral sa maliliit na yunit ng tunog/ ponema na may kahulugan.
Dalawang Uri ng Ponema:
Ponemang Segmental
Ponemang Suprasegmental
Ponemang Segmental – ang mga tunog ay tinutumbasan ng letra o titik upang ito
ay mabasa at mabigkas.
Halimbawa:
Ponemang Katinig
Ponemang Patinig
Diptonggo
Klaster
Ponemang Suprasegmental – ang mga tunog ay tinutumbasan ng simbolo upang ito’y mabasa at mabigkas.
Halimbawa:
Diin
Tono , Intonasyon at Punto
Hinto
Morpema – ito ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng isang salita.
Morpolohiya – ito ay pag-aaral sa mga makahulugang yunit ng salita / morpema.
Dalawang Uri ng Morpema:
Salitang Pangnilalaman
Salitang Pangkayarian
Halimbawa ng Salitang Pangnilalaman o Leksikal:
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-Uri
Pang-abay
Halimbawa ng Salitang Pangkayarian:
Pang-angkop
Pangatnig
Pang-ukol
Pananda
PANGNGALAN – Sa tradisyunal na balarila at kahulugang semantikal, ang pangngalan ay tumutukoy sa mga salitang sumisimbolo sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian at kalagayan.
Tao – anak, mamamayan, sundalo
Bagay – tubig, computer, buto
Hayop – ibon, ahas, Zebra
Lugar – kusina, ospital, EDSA
Damdamin – pag-ibig, pagkatuwa, galit
Katangian – kabaitan, katapatan, katamaran
Kalagayan – kasaganaan, kahirapan, paghihirap
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Konsepto:
Kongkreto
Hal. Ina, Bentilador, Kaklase
Abstrakto
Hal. Tuwa, pag-awit, kabayanihan
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Kayarian:
Payak
Hal. Abo, tubig, ama, galit, dunong
Maylapi
Hal. Aklatan, lamayan, awayan, kaopisina, kabanalan, pinagsumikapan
Tambalan
Hal. Kapitbisig, hampaslupa, bahay-aliwan, balikbayan, silid-aklatan
Inuulit
Hal. Bali-balita, Sali-salita, sabi-sabi, tau-tauhan
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian:
Pambalana
Hal. Doktor, sabon, ospital, paligsahan
Pantangi
Hal. Dr. Reyes, Palmolive, Manila Medical Center, Bb. Pilipinas
Ayon sa Kasarian:
Panlalaki
Hal. Senador, kuya, tandang, hari, manong
Pambabae
Hal. Senadora, ate, inahin, reyna, manang
Di – Tiyak
Hal. Mambabatas, mananahi, manok, pinuno, kamag-anak
Walang Kasarian
Hal. Senado, tahian, gunting, itlog, korona
Ayon sa Kailanan:
Isahan
Hal. Ang bata, ng puno, sa balde, isang aklat, si Noel, ni Paolo, kay Joshua, isang digmaan
Dalawahan
Hal. Magkapatid, magbayaw, maglolo, dalawang tao, dalawang mesa, dalawang kilometro
Maramihan
Hal. Ang mga kongresista, ng mga dokumento, sa mga tagapagbalita, maraming artista, limang lalaki, magkakasama, magkakapatid.
PANGHALIP – ito ang mga panghahalili sa salitang pangngalan.
Tatlong Uri ng Panghalip:
Panao
Hal. Bago ang sapatos ko.
Iyan ang bahay nila.
Kukunin natin ang mga libro.
Nabaitan siya sa titser.
Pamatlig
Hal. Iyan ang dala ko.
Iyon ang dala ko.
Ito ang dala ko.
May pulis sa kanto.
May pulis dito.
May pulis doon.
Pananong
Hal. Sino ang nagbabasa?
Kanino sinabi ang sagot?
Ano ang gusto mo?
Ano ang nangyari?
Kailan aalis ang barko?
Tagasaan ang banyaga?
PANG- URI – Ang pang-uri ay salita o lipon ng mga salita na iniuugnay sa pangngalan at panghalip upang maipakita ang katangian na ikinatatangi nito.
Kaanyuan ng Pang-Uri:
Payak
Hal. Buhay, dinamiko, banal, payat
Maylapi
Hal. Kabalt, kalahi, kamukha, marunong, mabulaklak, mabuhangin, mapagmataas
Tambalan
Hal. Agaw-buhay, kapus-palad, taos-pusong
Inuulit
Hal. Sunod-sunod, abot-abot, hinay-hinay
Kaantasan ng Pang-Uri:
Magkatulad
Hal. Kadugo, kapanahon, kababayan, kapangalan, kawika
Di – Magkatulad
Hal. Di-kasintalino, di-kasinlakas, di-gaano, lalo nang mataas, higit na matapang
PANDIWA – Ito ay mga salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon o gawa, proseso o pangyayaring karaniwang sadya o di sadya, likas o di-likas at karanasan o damdamin.
Anyo ng Pandiwa
Payak
Hal.
Lakad, upo, labas, takbo
Maylapi
Hal.
Kumain, magluto, tinapos, magkantahan
Aspekto ng Pandiwa:
Perperpektibo – kilos na nasimulan at natapos na.
Hal. kumain
Perpektibong Katatapos – katatapos palamang ang kilos.
Hal. Kakakain
Imperpektibo – kilos na nasimulan ngunit hindi pa tapos.
Hal. Kumakain
Kontemplatibo – kilos na hindi pa nasimulan o mangyayari pa lamang.
Hal. Kakain
Pokus ng Pandiwa:
Tagaganap
Layon
Direksiyonal
Ganapan
Kagamitan
Tagatanggap
Sanhi
Resiprokal
Tagaganap
Halimbawa
Lumikas ang mga biktima ng lahar.
Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.
Nagkikita kami araw-araw
Layon
Halimbawa
Ginawa niya ang kanyang homework kagabi.
Kinakain ni Rona ang lansones.
Binili ko ito/iyan.
Ibigay mo ito sa kanya.
Ilalagay ko iyan dito.
Pag-aaralan mo ang paksang ito,
Direksiyonal
Halimbawa
Pasyalan mo si Ana sa opisina.
Pinuntahan namin iyon.
Tinabihan niya ang bata.
Bigyan mo siya nito.
Ganapan
Halimbawa
Pinaglaban ko ang batya.
Pinaglalaruan nila ang kuwarto ko.
Paglulutuan ko ito/iyon.
Kagamitan
Halimbawa
Ipinambili niya ng mga regalo ang unang suweldo niya.
Ipinamunas ni Rod sa silya ang kanyang panyo.
Ipansulat mo ito/iyan.
Tagatanggap
Halimbawa
Ikinuha ko si Nene ng malamig na tubig.
Ipagluto niya ng karekare ang mga panauhin.
Ipamili mo ako ng mga gulay sa Baguio.
Ipaglaba mo nga ako.
Sanhi
Halimbawa
Ikinalungkot namin ang pag-alis niya.
Ikatutuwa ko ang pagbabago mo.
Ikinalulugod ko iyon.
Resiprokal
Halimbawa
Magsusulatan ang magkaibigang Fe at Alma na hindi nagkita sa loob ng dalawang taon.
Nagtulungan ang mayayamang negosyante at ang mga karaniwang manggagawa sa EDSA revolution.
Nagmamahalan sila.
Baka magsipagbatuhan ang mga bata mamaya.
PANG – ABAY
Ito ay nagbibigay buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Mga Pang-abay na naililipat ang posisyon
pamanahon
panlunan
pamaraan
benepaktibo
kawsatibo
pangkaukulan
Pamanahon
Halimbawa
Nagsimula silang magtrabaho noong Lunes.
Noong Lunes, nagsimula silang magtrabaho.
Panlunan
Halimbawa
Kumakain siya sa eskuwelahan.
Sa eskuwelahan siya kumakain.
Dyanitor siya sa aming eskuwelahan.
Sa aming eskuwelahan siya ay dyanitor.
Pamaraan
Halimbawa
Lumalakad nang banayad ang bata.
Ang bata ay lumakad nang banayad.
Benepaktibo
Halimbawa
Ginawa niya ang trabaho para sa iyo.
Kawsatibo
Halimbawa
Pinili siya dahil sa kakayahan niya.
Pangkaukulan
Halimbawa
Nagkuwento siya hinggil sa giyera.
Nagbalita siya ukol sa pulitika.
PANG-ANGKOP – ito ang mga katagang ginagamit sa pagdurugtong ng modifier o panuring sa salitang tinuturingan.
Dalawang Uri ng Pang-angkop :
ng – ikinakabit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
Hal.
Batang makulit.
Maikling kuwento
Pusong mamon.
na – ikinakabit ito sa mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa – n.
Hal.
Singsing na bago.
Ilaw na maliwanag.
Mabait na bata.
Kapag nagtatapos sa katinig na n ang unang salitang ikinakabit hindi na ginagamit ang na. sa halip dinagdagan na lamang ng g ang n.
Hal.
Dahong tuyo.
Simbahang bago.
Panahong pabago-bago.
PANGATNIG - ito ay mga kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay.
Uri ng Pangatnig:
Pandagdag
Eksepsiyon
Sanhi /Dahilan
Bunga/Resulta
Pagbibigay Layunin
Pagbibigay Kondisyon
Pagsalungat
Pagbibigay –Kongklusyon
Pagpapatotoo
Pandagdag
Hal.
Aalis si Pedro at si Juan.
Naglalaba si Maria at nagluluto si Ana.
Ako saka siya ang maglalaro ng chess.
Pagbibigay-eksepsiyon
Hal.
Ang pelikula ay maaaring panoorin ng lahat maliban sa mga batang may gulang na pito pababa.
Lahat ng mag-aaral ay dadalo sa palatuntunan bukod kay Adela na naatasang maglinis ng silid-aralan.
Pagbibigay sanhi/dahilan
hal.
Di-dapat kaawaan ang pulubing iyon dahil sa pagsapit ng gabi’y nakikitang nakasuot siya ng magarang damit at nakakotse.
Hindi nakaalis ang bapor sapagkat may malakas na bagyo.
Hindi niya maasikaso ang kanyang mga anak; kasi, ang dami niyang gawain.
Paglalahad ng bunga/resulta
Hal.
Totoong dibdiban ang pag-aaral ni Lisa kaya hindi kataka-takang manguna siya sa mga magsisipagtapos sa kanilang kolehiyo.
Aral nang aral ang kapatid ko, tuloy, matataas ang mga marka niya sa kard.
Pagbibigay-layunin
Hal.
Magtulungan tayo upang madaling matapos ang ating gawain.
Tapusin na natin ang lahat ng ating gawain; sa ganon/gayon makakauwi tayo nang maaga.
Pagbibigay-kondisyon
Hal.
Ang isang nagpipildoras ay dapat sumangguni sa doktor kapag mayroon siyang nararamdamang pagbabago sa katawan.
Maaari kitang tulungan kung pagbibigyan mo ako sa aking kahilingan.
Kontrast/pagsalungat
Hal.
Sasama ako sayo ngunit tulungan mo muna ako sa aking gawain.
Nais na niyang lisanin ang kanilang magulong tahanan ngunit hindi niya ito magawa dahil pinipigilan siya ng kanyang ina.
Sumasama siya sa Baguio sa halip na maiwan upang tumulong sa pagtitinda.
Pagbibigay-kongklusyon
Hal.
Napakamahal ng mga bilihin ngayon; samakatuwid, dapat bilhin na lamang ang talagang kailangan.
Ang sabi nila’y wala sa talaan ang iyong pangalan kung kaya inaalis ka nila sa iyong gawain.
Anupat ang taong walang pilak, parang ibong walang pakpak.
Pagpapatotoo
Hal.
Sa totoo lang, hindi ko natapos ang lahat ng dapat kong gawin sa araw na ito.
Si Julio ay di-mapagkakatiwalaan; sa totoo, hindi na niya binayaran ang utang niya sa akin.
PANG – UKOL – mga salitang ginagamit upang matukoy ang paksa o pinagbatayan ng impormasyon.
Uri ng Pang-Ukol
Paksa
Hal.
Tungkol sa wika ang kanilang tatalakayin sa klase.
Ang talumpati ng Pangulo ay hinggil sa suliranin natin sa polusyon.
Ukol kay Mapangahas ang kuwento.
Pananaw
Hal.
Batay kay Ama, isang dakilang tungkulin ang gumawa para sa kapakanan ng bayan.
Ayon kay Dance, ang wika ay dinamiko, buhay, at nagbabago.
Para kay Rizal, nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko:
Asimilasyon
Parsyal
Ganap
Pagpapalit
Paglilipat
Pagkakaltas
Pagdaragdag
Pang-aangkop
Asimilasyon – tumutukoy ito sa pagbabago ng anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog. nagiging n ang ng kapag ang kasunod na titik ay nagsisimula sa d,l,r,s,t. samantalang nagiging m ang ng kapag ang kasunod na titik ay p at b.
Ang ng ay mananatiling ng kapag hindi d,l,r,s,t at p at b at mga patinig.
Halimbawa
sing+talino= sintalino
Pang+bata= pambata
Pang+palo= pampalo
Pang+sukat= pansukat
pang+anim= pang-anim
Sing+kapal= singkapal
Asimilasyong parsyal
Hal.
Pang+bansa= pambansa
Pang+ligo= panligo
Sing+pula= simpula
Asimilasyong ganap
Hal.
Mang+salamin= mansalamin= manalamin
Mang+tahi= mantahi= manahi
Pang+pukaw= pampukaw= pamukaw
Pagpapalit
Hal.
Ano+ano= anu-ano
Sino+sino= sinu=sino
Gusto+ng+gusto= gustong-gusto
Talo+ng+talo= talung-talo
Lalake=lalake/lalaki
Babae=babaing-babae
Madami=marami
Lakadan=lakaran
Tawidan=tawiran
Madapat=marapat
Paglilipat
Hal.
Y+in+aya= yinaya= niyaya
Y+in+akap= yinakap= niyakap
L+in+uto= linuto= niluto
L+in+inis= lininis= nilinis
Pagkakaltas
Hal.
Magpa+tahi= magpatahi= patahi
Ipa+tapon= ipatapon= patapon
Bili+han= bilihan= bilhan
Putol+in= putulin= putlin
Pagdaragdag
Hal.
Paalala+han= paalalahan= paalalahanan
Alala+han= alalahanan= alalahanin
Totoo+han= totohan= totohanin
Pag-aangkop
Hal.
Hintay+ka= teka
Tingnan+mo= tamo
Hayaan+mo= hamo
Tayo+na= tena
PANGUNGUSAP
- salita o lipon ng mga salita na naghahayag ng isang buong diwa o kaisipan.
Dalawang Bahagi o Komponent:
Paksa
Panaguri
Dawalang Uri ng Pangungusap Batay sa Pagtataglay ng Simuno at Panaguri
Ganap – may simuno at panaguri
Hal.
Nagbabasa ang mag-aaral.
Di – Ganap – walang simuno at panaguri.
Di – Ganap
Pangkalikasan – Umaaraw, umuulan, dumidilim
Pasasalamat – Salamat po
Patawag – Orlando!
Pampook – Nasa Cavite.
Eksistensiyal – May tao, may anak, may-asawa
Pasukdol – kayganda mo
Panahon – Pasukan na, mamaya na, bukas na
Pagbati – Magandang gabi, magandang umaga
Pakiusap – Pakiabot nga niyan.
Pagpapaalam – Paalam na po.
Pamuling pagtatanong – Ano?, Ilan?
Pautos – Takbo!
Sagot sa tanong – Oo at hindi
Dalawang Ayos ng Pangungusap:
Karaniwan – nauuna ang panaguri kaysa simuno.
Hal.
Bahagi ng ating kultura ang ating mga kaugalian.
Di – Karaniwan – nauuna ang simuno kaysa panaguri.
Hal.
Ang ating mga kaugalian ay bahagi ng ating kultura.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit:
Pasalaysay
Patanong
Padamdam
Pautos
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian:
Payak – 1S+1P
Hal.
Si Ana ay kumakain.
Tambalan – 1SM+1SM/2SM+2SM
Hal.
Ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon at ipinakilala niya sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon.
Hugnayan – 1SM+1SDM/1SM+2or3SDM
Hal.
Kung hindi kikilos ng maaga pamahalaan maraming walang muwang na mamamayan ang mamamatay.
Langkapan – 2SM+1SDM/3SM+2or3SDM
Hal.
Kung ang Agila ay kinikilalang hari ng mga ibon sa Pilipinas at ito’y sumasagisag sa pagmamahal ng Pilipinas sa kalayaan, ang pinakamataas naman sa lahat ng ibon ay Moa.
Mga Pangatnig na ginagamit sa SM at SDM Mga Pangatnig na ginagamit sa SM at SDM
Sugnay na Makapag-iisa – at, kaya, samantalang, dapat, habang, sapagkat, ang
Sugnay na Di-Makapag-iisa – na, dahil, hanggang, upang, kung, kapag, nang, alang-alang, ngunit
RETORIKA – ay tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang kaalaman sa pagpapahayag. Ito ay nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at magandang pagsasalita at pagsusulat.
Kadalasang Ginagamit Upang Maging Masining ang Pagpapahayag:
Tayutay
Idyoma
Salawikain, Kasabihan , Kawikaan
Uri ng Tayutay:
Simile o Pagtutulad
Hal.
Parang sirang plaka ang bibig ni Linda.
Metapora o Pagwawangis
Hal.
Venus siya ng kagandahan.
Personipikasyon o Pagbibigay – Katauhan
Hal.
Lumuha ang langit sa tindi ng hapis.
Pagmamalabis o Hyberbole
Hal.
Bumaha ang luha.
Metonomiya o Palit-Tawag
Hal.
Ang haligi ng tahanan ang naghahanap buhay para sa pamilya.
Senekdoke o Pagpapalit-Saklaw
Hal.
Dalawampung bisig ang nagtutulong-tulong sa paglilipat ng bahay.
Balintunay o Ironiya
Hal.
Kay galing mong umawit, lahat ng makarinig sa boses mo’y nagtatakip ng taenga.
Pagtawag o Apostrope
Hal.
Pag-ibig masdan ang ginawa mo!
Pagsasayusay o Tanong Retorikal
Hal.
Pulitika! Ugat ka nga ba ng kurapsyon sa pamahalaan?
Paghihimig o Onomatopeya
Hal.
Teng! Teng! Tang! Orasyon na naman.
Pagtanggi o Litotes
Hal.
Hindi ako bulag para makita ang katotohanan.
Pag-uulit o Aliterasyon
Hal.
Sasagipin ang sisiw na sisinghap-singhap.
Paglilipat –Wika o Epithets
Hal.
Ang ulila’t kaawa-awang silid ay pinasok ni Norman.
Pagsalungat o Epigram
Hal.
Ang kawal namatay upang mabuhay.
Pagdaramdam o Eksklameysyon
Hal.
Hangad ko ang ikaw ay madamayan sa iyong pagdadalamhati dahil sa pagyao ng iyong mahal, ngunit naisin ko man ay di ko magawa pagkat ikaw ay nasa ibayong dagat!
Pagtatambis o Antitesis
Hal.
O ang babae pag minamahal, may kursunada’y aayaw-ayaw, huwag mong dalawin ay nayayamot, kung panay ang dalaw, dadabog-dabog.
IDYOMA – nagpapahayag ng di tuwirang kahulugan ng bawat salita, sa halip ang kaispan o kahulugan ay nasa pagitan ng mga salitang gagamitin.
Asal Hudas
Binuksan ang Dibdib
Di Mahapayang Gatang
Hanap sa Tubig
Gintong Asal
Babaha ng dugo
Kahig ng Kahig
Isip – Lamok
Ibayong dagat
Ilista sa Tubig
Itaga sa Bato
Kahiramang Suklay
Malikot ang Kamay
Amoy Bawang
Anghel ng Tahanan
Nagmumurang Kamyas
Bulaklak ng Dila
Hinahabol ng Gunting
Balitang kutsero
Hawak sa Leeg
SALAWIKAIN – mga paalala, makinis na mga aral /pangaral sa mga kabataan. Malimit na ang mga matatanda noong unang panahon ang pinagbubuhatan ng mga payong ito na ibinabatay sa kanilang mga naging karanasan.
Halimbawa:
Kapag may isinuksok
May madudukot
Ang isang kaibigan
Mahigit pa sa ginto sa kaban
Ang di lumingon sa pinanggalingan
Di makakarating sa Paroroonan
KASABIHAN – mga paalala na may halong panunukso. Nagtataglay ng payak na kahulugan at kakitaan ng kilos, ugali at gawi ng tao.
Halimbawa:
Kuwalta Na
Naging Bato Pa
Isang Kahig
Isang Tuka
Kapag May Tiyaga
May Nilaga
KAWIKAAAN – mga paalaala hinggil sa mabubuting kaasalan at kaugalian.
Hal.
Naghangad ng Kagitna
Isang Salop ang Nawala
Ubos-Ubos Biyaya
Bukas Nakatunganga
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa
KASAYSAYAN NG ALPABETONG FILIPINO:
1. Alibata
* Binubuo ng 17 Titik
* 14 ang katinig at 3 patiig
2. Abakada ( 1940)
* Binubuo ng 20 Titik
* 15 katinig at 5 patinig
3. Noong 1971 – Dinagdagan ng 11 titik ang Abakada . Naging 31 titik lahat .
C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X AT Z
4. Noong 1987- Tinanggal ang CH, LL at RR
Sa Kasalukuyan, ang Alpabetong Filipino ay binuo ng 28 titik.
TEORYA NG WIKA
Bow-wow – Ang wika ay nagmula sa tunog ng kalikasan.
Pooh-pooh – Ang wika ay nagmula sa masisidhing damdamin.
Yoheho – Ang wika ay nagmula sa pwersang pisikal.
Tarara Boom Diay – Ang wika ay nagmula sa mga tunog ng ritwal.
Tata – Ang wika ay nagmula sa kumpas at galaw ng kamay.
Dingdong – Ang wika ay nagmula sa tunog ng mga bagay-bagay.
MGA WIKA SA PILIPINAS
Tala ng mga Wika
Mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.Mga buhay na wika
Walong Pangunahing Wika
Tagalog
2. Cebuano
3. Ilokano
4. Hiligaynon
5. Bikol
6. Waray
7. Kapampangan
8. Pangasinense
Pambansang Wika Sa Pilipinas
1937 – TAGALOG
1959 – PILIPINO
1987 – 2013 FILIPINO
Antas ng Wika
1. Pormal
a. Pambansa
b. Pampanitikan
2. Impormal
a. Lalawiganin
b. Kolokyal
c. Balbal
Barayti ng Wika
1. Dayalekto
2. Sosyolek
3. Jargon
4. Idyolek
Tungkulin ng Wika
1. Interaksyonal - Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
2. Instrumental – Tumutugon sa mga pangangailangan.
3. Regulatori – Kumokontrol at gumagabay sa kilos /asal ng iba.
4. Personal – Nakapagpapahayag ng sariling damdamin at opinyon.
5. Imahinatibo – Nakapagpapahayg ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
6. Heuristic – Naghahanap ng impormasyon/datos.
7. Impormatib – Nagbibigay ng impormasyon /datos.
TAMA AT ANGKOP NA GAMIT NG SALITA:
Mabango/ Masamyo
Kagyat/ Bigla
Kamag-anak / Kaanak
Magbangon / Bumangon
Mabaho /Masangsang
Mithi/ Nais
Sampal / Tampal
Higop / Inom
Tingin / Titig / Tanaw / Sulyap
Sunong / Kilik / Pasan/ Dala /Bitbit
Halakhak / Hagikhik / Hagakhak/ Ngiti
Sipa / Tadyak / Tapakan /
Sigaw / Bulyaw
Operahin / Operahan
Pahirin / Pahiran
Walisin / Walisan
Haluin / Haluan
Bilhin/ Bilhan
TALAHULUGAN
Salita Kahulugan
1. Adhikain Layunin
2. Tarok Batid
3. Pinaglamayan Pinapuyatan
4. Ngiting – Aso Pakutya
5. Natunghayan Nakita
6. Samut – samot Magulo
7. Nakaririmarim Nakakatakot
8. Panukala Mungkahi
9. Bagamundo Lakwatsero
10. Tagbising Tag – ulan
11. Kahulilip Kapantay
12. Pagkahirati Pagkabalisa
13. Kasapakat Kaakibat
14. Kombenyo Kasunduan
15. Pag-aayuno Pagpipigil
16. Alinsuag Salungat
17. Pagwawaksi Pagtitiis
18. Batumbuhay Matapang
19. Palalo Mayabang
20. Dahop Kapos
21. Alipustahin Apihin
22. Himukin Hikayatin
23. Banayad Mahinahon
24. Nanalot Naminsala
25. Nabuwal Namatay
26. Payaso Nagpapasaya
27. Sanlibutan Katauhan
28. Kinakandili Inaaruga
29. Masigasig Matiyaga
30. Pag-iimbot Pag-aalinlangan
PANITIKANG FILIPINO ( LITERATURE)
Panitikan – ito ay repleksiyon ng pamumuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan. Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso .
Dalawang Anyo ng Panitikan:
Patula
Tuluyan
Halimbawa ng akdang Patula:
Tula
1. Pasalaysay
Epiko
Awit at kurido
2. Liriko
Kantahan
Soneto
Elehiya
Oda
3. Tulang padula
Halimbawa ng akdang Tuluyan:
Alamat
Mito
Anekdota
Sanaysay
Talambuhay
Pabula
Parabula
Dula
Maikling Kwento
Nobela
Talumpati
Balita
Uri ng Nobela:
Pangyayari
Tauhan
Romansa
Pagbabago
Kasaysayan
Uri ng Maikling Kwento:
Katutubong Kulay
Madulang Pangyayari
Pakikipagsapalaran
Kababalaghan
Tauhan
Sikolohiko
Katatakutan
Katatawanan
Uri ng Dula:
Komedya
Trahedya
Melodrama
Parsa
Saynete
Uri ng Sanaysay:
Pormal
Impormal
Uri ng Talambuhay:
Pansarili
Paiba
Uri ng Talumpati
Biglaan
Maluwag
Handa at Isinaulo
KASAYSAYAN NG PANITIKANG FILIPINO:
MATANDANG PANITIKAN
Mga Unang Anyo ng Tula
Awiting -Bayan
Oyayi – awit sa panghele o pagpapatulog ng bata.
Sambotani – awit sa pagwawagi o pagtatagumpay sa digma.
Diona – awit sa panliligaw at pagpapakasal.
Soliranin – awit sa pagpapagaod o pagsasagwan.
Talindaw – awit sa pamamangka.
Kumintang – awit sa pakikipagdigma.
Balitaw at kundiman – mga awit sa pag-ibig.
Umbay – awit sa paglilibing.
Dalit – awit ng papuri sa Diyos.
Dung-aw – awit na nagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa.
Hiliraw at pamatbat – mga awit sa pag-iinum.
Indolin at kutang-kutang – mga awiting panlansangan.
Maluway – awit sa sama-samang paggawa.
Karunungang Bayan
bugtong
palaisipan
salawikain
sawikain
Iba Pang Anyo ng Unang Tula:
Mga Tugmaang-Pambata
Bulong
Epiko
Mga Tauhan ng Panitikan sa Panahon ng Matandang Panitikan:
Kapre
Tikbalang
Aswang
Nuno sa Punso
Manananggal
Engkantada
Mangkukulam
Tiyanak
Pugot
Ikugan
Sagang
Buringkantada
Layog
Nimpa
Lampong
Mga Unang Anyo ng Dula:
Wayang Orang at Wayang Purwa
Embayoka
Mga Akdang Panrelihiyon: PANAHON NG KASTILA
Ang Doctrina Cristiana
Nuestra Señora del Rosario
Ang Pasyon
Ang Barlaan at Josaphat
Ang Urbana at Felisa
Mga Kantahing Bayan:
Leron-Leron Sinta
Dandansoy
Mga Anyo ng Dula:
Karagatan
Duplo
Juego de Prenda
Karilyo
Tibag
Sinakulo
Panunuluyan
Salubong
Panubong
Alay o Flores de Mayo
Pangangaluluwa
Moro-moro
Zarsuela
PANAHON NG PROPAGANDA
Mga Propagandista:
Jose P. Rizal
Sa Aking Mga Kababata
Noli Me Tangere
El Felibusterismo
Mi Ultimo Adios
A La Juventud Filipino
Sobre La Indolencia delos Filipinos
Filipinas Dentro De Cine Años
Ang Karangalan nina Luna at Hidalgo
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Liham sa mga Kaanak at Kaibigan
Pangitain ni Padre Rodriguez at Por Telefono
Marcelo H. del Pilar
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Caiingat Cayo
Dasalan at Tocsohan
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
Graciano Lopez Jaena
Fray Botod
El Bandolerismo en Pilipinas
Sa Mga Pilipino
Mariano Ponce
Ang alamat ng Bulakan
Pagpugot kay Longino
Sobre Filipinas
Antonio Luna
a. Noche Buena
b. La Tertulia
c. La Maestra de Mi Pueblo
d. Todo Por El Estomago
e. Impresiones
Jose Ma. Panganiban
A Nuestro Obispo
Noche De mambulao
Sa Aking Buhay
La Universidad de Manila
Pedro Serrano Laktaw
Diccionario Hispano-Tagalo
Estudios Gramaticales
Sobre La Lengua Tagala
Isabelo Delos Reyes
El Folklore Filipino
Las Islas Bisayas en la Epoca dela Conquista
Historia de Ilocos
Pedro Paterno
Ninay
A Mi Madre
La Cristianismo y la Antigua Civilization Tagala
Sampaguita y Poesias Varias
Pascual Poblete
Ang Kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal
Buhay ni San Isidro Labrador
Mga Lider sa Panahon ng Himagsikan: PANAHON NG HIMAGSIKAN
Andres Bonifacio
Huling Paalam
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Katungkulanmg Gagawin ng mga Anak ng Bayan
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Emilio Jacinto
Ang Kartilya ng Katipunan
A La Patria
Ang Anak ng Bayan
Liwanag at Dilim
Apolinario Mabini
Ang Himagsikang Pilipino
El Desarollo y Caida dela Republika Filipinas
El Liberal
El Verdadero Decalogo
Jose Palma
Melencholias
De Mi Jardin
Himno Nacional Filipina
PANAHON NG AMERIKANO:
Mga Tula :
Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
Isang Dipang Langit ni amado V. Hernandez
Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
Mga Maikling Kwento:
Binibining Pahtupats ni Juan Crisostomo sotto
Anabella ni Magdalena Jalandoni
Greta Grabo ni Deogracias Rosario
Mga Nobela:
Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña
Sampaguitang Walang Bango ni Iñigo Ed Regalado
Lihim ng Isang Pulo ni Faustino aguilar
Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
Mga Dula /Teatro:
Walang Sugat ni Severino Reyes
Tanikalang Guinto ni Juan Abad
Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino
PANAHON NG HAPON
Mga Tula:
Haiku
Tanaga
Karaniwang Anyo
Mga Maikling Kwento:
Narciso Reyes – Lupang Tinubuan
Liwayway arceo – Uhaw Ang Tigang na Lupa
Gloria Villaraza – Luad
Brigido Batungbakal – Kadakilaan saTugatog ng Tagumpay
Macario Pineda – Suyuan sa Tubigan
N.V.M Gonzales – Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan
Serafin Guinigundo – May Umaga Pang Daratal
Gemiliano Pineda – Sumisikat na ang Araw
Cornelio Reyes – Dugo at Utak
Lucia Castro – Mga Yabag na Papalayo
Pilar R. Pablo – Tabak at Sampaguita
Teodoro Agoncillio – Madilim Pa ang Umaga
Brigido Batungbakal – Ikaw, Siya at Ako
Teo Buhain – May Uling sa Bukana
Aurora Cruz – Bansot
Alfredo Enriquez – Bahay sa Dilim
Aristeo Florido – Ang Tao, Ang Kahoy at ang Bagyo
Serafin Guinigundo – Si Ingkong Gaton at ang kanyang kalakian
Hernando Ocampo – Unang Pamumulaklak
Amado Pagsanjan – Mga Bisig
Macari Pineda – Sinag sa Dakong Silangan
Justiniano del Rosario – Mga Diyos
Emilio Aguilar Cruz – Paghihintay
Amado Pagsanjan – Ibon mang may Layang Lumipad
Serafin Guinigundo –Nagmamadali ang Maynila
Mga Dula:
Stage shows
Zarzuela
Moro-moro
BAGONG PANAHON
Sa panahong ito, nabuksan muli ang palimbagan ng mga pahayagan at magasin na naglalathala ng mga akda sa Wikang Filipino gaya ng:
Liwayway
Ilang-ilang
Sinagtala
Malaya
Kayumanggi
Philippine Free Press
Morning Sun
Daily News
Philippine Herald
Chronicle
Bulletin
Nagkaroon ng mga Patimpalak sa Pagsulat:
Palanca Memorial Awards in Filipino at English Literature
Gawad ni Balagtas
Republic Cultural Award
Talaang Ginto
PANAHON NG AKTIBISMO
Sa panahong ito naging maalab ang laman ng panitikang Filipino. Nabahiran muli ng paghihimagsik bunsod ng mga katiwalian ng mga namumuno sa pamahalaan. Marami sa mga kabataang Pilipino ang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan o New People’s Army. Ang kaguluhang ito ay humantong sa pagdeklara ng Batas Militar noong 1972.
BAGONG LIPUNAN
Ang paksa ng panitikan ay pagpapahalaga sa ating kultura, ang pagiging mabuting mamamayan, pagkakaisa at pagtutulungan
Mga Awiting Sumikat :
Ako’y Isang Pinoy
Magkaisa
Bayan ko
PANAHONG KASALUKUYAN
Ang Paksa ng Panitikan ay :
Inaping manggawa sa ibang bansa
Ang biktima ng panggagahasa
Alipin ng droga
Hinaing ng mga magbubukid
Suliranin sa iskwater
Pagsasamantala sa kabang yaman ng bansa
Kidnapping
MGA BAHAGI NG AKDA NA DAPAT SURIIN:
SIMULA
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Suliranin
GITNA
1. Saglit na kasiglahan
2. Tunggalian
3. Kasukdulan
WAKAS
1. Kakalasan
2. Katapusan
BISANG Pampanitikan:
1. Bisa sa Isip
2. Bisa sa Damdamin
3. Bisa sa Kaasalan
If this content helps you, please share this NEWS with your friends and help someone to pass the board too!
#LETReviewers #PRC #LET #LicensedPRofessionalTeacher #LPT #GenED Reviewers for Teachers | LET Reviewers
/via Teachers ng Pinas
0 Comments