Filipino NCBTS Questions Gen-ED - Teachers ng Pinas


Filipino NCBTS Questions Gen-ED - Teachers ng Pinas


PRACTICE TEST: Subukin ang iyong pagkakaunawa sa mga kompetensiya. Piliin ang titik ng tamang kasagutan.

 

FILIPINO 1 KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

 

1.1   Nagagamit nang may lalong mataas na antas ng kasanayan at kahusayan ang Filipino sa

akademikong larangan.

 

 

            Para sa billang 1-5, piliin ang titik ng pinaka-angkop na bigkas ng salita para sa bawat pangungusap.

 

Palabigkasan at Palatuldikan

  • Malumay – nagtatapos sa katinig at patinig, may penultima, walang tuldik (dalaga,nanay)
  • Malumi – nagtatapos sa patinig, may penultima, paiwa ` (bata, labi, dalamhati)
  • Mabilis – nagtatapos sa katinig at patinig, walang penultima, pahilis ´ (Malaki, isa, luningning)
  • Maragsa – nagtatapos sa patinig, walang penultima, pakupya Ù¨ (kaliwa, salita, butiki)

 

1.       Sa Noche Buena, kami ay maghahanda ng __________ at keso de bola.

 

A. hamón                      C. homán

B. hámon                     D. Hóman

 

2.       Hinipan ng pulis and kanyang _________.

 

A. píto              C. pítu-pito

B. pitó               D. píto-pito

 

3.       Si Heneral Gregorio Del Pilar ay nagapi sa __________ Tirad.

 

      A. Pasóng                C. Pásong

      B. Pasòng                D. Pasông

 

4.       Kapag lumaki na ang mga tanim mo, ilipat mo na sila sa mas malaking __________.

 

A. pasó             C. pásong

B. pasò             D. Pasô

 

5.       Naku! Tumutulo na naman ang mga __________ ng NAWASA.

 

A. tubó              C. tubô

B. túbo              D. tubò

 

6.       Magkano ang __________ mo sa lotto kahapon?

 

A. tayá              C. tayà

      B. tayâ                    D. Táya

 

7.       Nanligaw ang makisig na _________ sa marikit na dalagita.

 

A. bináta                       C. binatà

B. binatá                       D. Binatâ

 

8.       Ano ang _________ wika sa Cordillera?

 

A. katutubòng               

B. katutubông   

C. Katutubóng

D. Katutúbong

 

9.       Pinapatawad na kita dahil wala ka namang _________.

 

A. salâ              C. salá

B. salà              D. sála

 

10.   Kailangang _________ ang mga nakatira sa paanan ng bulkang Bulusan.

 

A. Ilíkas                C. ilikás

B. ilìkas            D. Ilikâs

 

Para sa bilang 11-20, piliin ang titik ng pinaka-angkop na salita para sa bawat pangungusap.

 

Palagitlingan

  • Kapag ang salita ay inuulit (ganap at di-ganap) = araw-araw, malayung-malayo
  • Kapag ang unlapi ang nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig.

Mag-alis              pang-ulo                      pang-aral          (pagibig, pagasa)

  • Kapag may kataga na nawala sa dalawang salita na pinagsama(ganap at di ganap)

Bahaghari, dalagambukid (ganap)                       alay-kapwa, dalagang-bukid (di-ganap)

  • Kapag inuunlapian ang Ngalang Pantangi = maka-Rizal (pambalana=makabayan)
  • Kapag ang ika ay iniuunlapi sa mga pamilang = ika-10 (binabaybay – ikasampu)
  • Kapag isinusulat nang patitik ang yunit ng Praksyon = isang-katlo (1/3)
  • Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal = punong-kahoy, tawang-aso

 

11.   Pinandirihan ni Mico ang aso niyang _________.

 

A. ma-galis                    C. magalis

B. mag-alis                    D. galis-aso

 

12.   Paglaki ko, gusto kong maging __________ ng Pilipinas.

 

A. pang-ulo        C. panggulo

B. pangulo                     D. pa-ngulo

 

13.   Hanapin mo ako sa ________ ng mga sasakyan.

 

A. pag-abangan  C.. bantayan

B. hintayin                         D. abangan

 

14.   Gagawin mo lang yan __________ mo ako mahal.

 

A. kung di            C. kungdi

B. kundi            D. kun di

 

15.   __________ ka na sa ilog. Nanginginig ka na.

 

A. Lumusong    

B. Sumuong     

C. Umahon

      D. Humango

 

16.   Kinakailangan __________ ang damit sa Huwebes.

 

A. may-ari         C. yariin

B. mayari          D. Magyari

 

Wastong Gamit ng Salita

 

17.   Limang oras na pero hindi ko pa rin __________ ang nawawalang aklat.

 

A. mahanap                   C. hanapin

B. makita                                  D. Kitain

Mahanap – to find

Makita – to see

 

18.   Nag-aaral ako __________ mabuti upang makakuha ako ng iskolarship.

 

A. nang             C. mas

B. ng                 D. Lalong

Nang – ginagamit bilang PANGATNIG, sinusundan ng PANDIWA, dalawang salita na INUULIT

Ng – ginagamit na PANANDA, sinusundan ng PANGNGALAN

 

  1. __________ natin ng mapa si Kenny para hindi siya maligaw.

 

            A. Iwan                         C. Iwanan

            B. Mag-iwan                  D. Pag-iwan

Iwan – to Leave

Iwanan – to Leave Something

 

20. Tandaan mo na lahat ng paghihirap ni Luis ay __________ sa iyong magandang     kinabukasan.

 

            A. tungkol                      C. sanhi

            B. upang                                   D. ukol

 

            Para sa bilang 21-30, piliin ang titik ng pinaka-angkop na salita para sa bawa’t pangugusap.

 

21. __________ mo kay Luisito na may pasalubong ako para sa kanya.

 

            A. Sabihin                     C. Pakisabi

            B. Sabihan                    D. Pakisabihan

 

22. Huwag mong __________ ng     kalat ang kama ko.

 

            A. ipatong                      C. patungan (kasi may pang-angkop na nakalagay sa pangungusap)

            B. magpatong        D. pagpatungan

 

23. Ang pagdadasal at pananalig      ay __________ sa tao upang      mapalapit siya sa Diyos.

 

            A. nakakatulong

            B. nakatutulong (Ang unang pantig ng salitang-ugat ang kinakailangang ulitin, hindi ang pantig ng unlapi)

C. Nakakatulungan

D. mag-tulungan

 

24. Nawawala ang alahas na           __________ mo sa akin.

 

            A. pinatago                    C. ipinapatago

            B. pinagtago                  D. ipinatago

 

25. __________ ni Penelope ang kanyang damit nang hindi niya sinasadya.

 

            A. Nasira                      C. Masira

            B. Sinira                        D. Sinisira

 

26. __________ na ng magaling na barber ang buhok ni Felix.

            A. Gugupitin      C. Maggugupit

            B. Gugupitan     D. Hahagupitin

Gugupitin – particular na bahagi

Gugupitan – general (tao)

 

27. Marumi ang baso. Huwag mong __________ yan!

 

            A. inumin                      C. uminom

            B. inuman        D. pag-inuman

(kasi baso ang marumi, hindi ang tubig)

 

28. __________ mo sana kay Roland kung kailan siya uuwi ng Pilipinas.

 

            A. Ipagtanong                C. Tinanong

            B. Ipagtatanong D. Itinanong

Ipagtatanong – Inquire

itinanong – Asked

Ipagtanong – Make inquiries

 

29. Kailan nga ba __________ si Mayor dahil sa pangungurakot?

 

            A. kinulong                    C. ikinulong

            B. kinukulong                 D. ikinukulong

 

30. __________ namin ang inyong pagdating dito sa Villa Escudero.

 

            A. Ikinakagalak 

            B. Ikinagagalak 

C. Gagalakin

D. Ikinakapagpagalak

 

Para sa bilang 31-41, piliin ang titik ng pinaka-angkop sa puwang ng pangungusap.

 

31. Pinag-aaralang mabuti ng bawat abogado ang __________ ng 1987.

            A. batas pambansa       

            B. saligang-batas          

            C. batas military

            D. saklawang-batas

 

32. Ang paniniwala sa Diyos ay susi upang matamo natin ang __________.

 

            A. kadakilaan                 C. kaligtasan

            B. salvasyon                 D. kabutihan

 

33. Tapos na ang klase kapag tumunog na ang __________.

    A. agunyas                C. kampana

            B. batingting          D. kampanilya

 

 

34. Upang hindi madala ng agos ang barko, ibinaba ng mga mandaragat ang _______.

 

            A. pang-angkla               C. angkora

            B. salung-alon                            D. timpulan

 

35. Ang aklat ni Dr. Tinsley Harrison ang __________ sa pag-aaral ng medisina.

 

            A. saligan                      C. batayan

            B. sandigan           D.pundasyon

 

36. Winasak ng __________ Katrina ang maraming bahay sa New Orleans.

 

            A. bagyong                    C. buhawi

            B. sagwan                     D. ipu-ipo

 

37. Ang pagbibigay ng diploma ay nasa huling bahagi ng __________.

 

            A. programa                   C. palabas

            B. palatuntunan            D. bilada

Bilada – Entertainment Program

 

38. Inaabangan ng mga tao ang __________ sa simbahan.

 

            A. agunyas                    C. kalampag

            B. batingting          D. kolambeng

 

39. Patapos na naman ang taon. Kailangan ko nang kumunsulta sa aking __________.

 

            A. kalihim                      C. tagatuos

            B. ingat-yaman  D. bukkiper

 

40. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamanipula sa mga __________ ng MERALCO.

 

            A. metro                        C. kuntador

            B. makinismo    D. makina

 

41. Dalawang oras na kaming naghintay. ________________.

 

            A. Kumitid ang noo. (mahina ang utak/hindi gaanong matalino)

            B. Kumati ang kamay (magnanakaw, kumukuha ng bagay na hindi sa kanya)

C. Namuti ang aming mata. (nainip sa kakahintay)

            D. Kumulo ang dugo. (nasusuklam)

 

            Para sa bilang 42-50, piliin ang titik ng pinaka-angkop na pasawikain panghalili sa mga salitang may salungguhit.

 

42. Mahimbing ang tulog ni Miguel kaya hindi niya napansin na lumilindol.

 

            A. Tulog-mantika

            B. Taingang-kawali         (nagbibingi-bingihan)

            C. Tulo-laway

D. Utak-biya (hindi matalino)

 

 

43. Humihingi ako ng tawad. May mga sinabi akong di nararapat.

 

            A. Nabilog ang ulo                     (naloko)

            B. Matalas ang dila        (masakit magsalita), Maanghang ang dila (bastos)

C. Nagdilim ang paningin (matinding galit)

            D. Nadulas ang dila      (may nasabi na hindi sinasadya)

 

44. Nawala ang lahat kay Ryan nang mamatay ang kanyang mga magulang.

 

            A. Pinagtampuhan ng langit at lupa                    

B. Pinagtakluban ng langit at lupa             (napakalungkot, dumaranas ng matinding problema)

C. Naglubid ng buhangin (nagsisinungaling)

D. Nawala sa dalawang ilog

 

45. Malimit magsinungaling ang batang hindi pinalaki sa tama.

 

            A. Nagdilang kuneho      (nagkatotoo ang sinabi)

            B. Naglubid ng buhangin (nagsisinungaling)

            C. Nagbuhat ng sariling bangko  (nagmamayabang)

            D. Namuti ang uwak       (bagay na imposibleng mangyari, walang maaasahan)

 

46. Galit nag galit ako sa taong nagnakaw ng aking tanghalian.

 

            A. Mabigat ang dugo      (kinaiinisan)

            B. Makitid ang noo                     (hindi katalinuhan)

C. Matalas ang ulo              (matalino)

            D. Kumukulo ang dugo(nasusuklam)

 

47. Madaling lukohin si Anna.

 

            A. Makitid ang noo                     (hindi matalino)

            B. Utak-biya                                         (hindi matalino/madaling malinlang/madaling mapaniwala)

            C. Matuwid at paniwalain

D. Nagmurang kamatis                   (nagpapakabata)

 

48. Punung-puno ng tao ang Dallas Stadium kung saan ginawa ang laban ni Many Pacquiao.

 

            A. Di mahulugang karayom      (maraming tao)

            B. Di mahapayang gating            (hindi magpapatalo)

C. Di makabasag pinggan    (mahinhin)

            D. Di Maliparang uwak               (masyadong malawak)

 

49. Sa wakas, nagpakasal na si Crisostomo kay Leonora.

 

            A. Namangka sa dalawang ilog   (salawahan)

            B. Nagmahabang-dulang         

C. Nagpalapad ng papel                  (maraming kakilala na mapaghihingan ng tulong)

            D. Nagsampay-bakod                             (taong nagpapanggap)

 

50. Kapag naniwala ka kay Greg, para ka na ring umasa sa wala.

 

            A. Pumuti ang uwak       (isang bagay na imposibleng mangyari)

B. Umitim ang tagak          

C. Tunaga sa tubig

            D. Kumindat sa dilim      (nabigo, nawalan ng pag-asa)

 

 

 

51. Ang salin sa blangko para sa blank ay halimbawa ng pagtutumbas na __________.

 

            A. Panghiram sa Espanyol at pagbaybay sa Filipino

            B. Kung ano ang bigkas siyang sulat

            C. Paggamit ng leksikong Filipino

            D. Panghihiram ng salitang katutubo

 

52. “Mahal kita, mahal kita hindi ‘to bola! Ngumiti ka man lang sana ako’y nasa langit na”. Ang salitang pampanitikan na ginagamit sa linya ng kanta ay nangangahulugang _________.

 

      A. napakasaya                    

      B. pakikipagkaibigan           

C. sinisinta

D. laruan

 

53. “Heto na, heto na, heto na, / wahh! Doo bidoo bidoo, bidoo, bidoo”. Alin ang nabuong salita o tunog sa linya na nabuo ayon sa teoryang pooh-pooh?

 

            A. Wahh               C. Na

            B. Heto             D. Doo bidoo

 

54. “Pinutol mo/ dagkung kahoy/ dahil dito/ gumulong ang mga bato/ ania na, ania na, ania na…”. Ang linya ng awit ay nagpapatunay ng _____.

 

      A. diglossic na kalagayan ng wika     (Billingualism)

      B. paggamit ng lalawigang antas      

C. code-switching                (Paggamit ng dalawa o maraming wika sa isang konteksto ng komunikasyon)

D. intelekwalisasyon (Paggamit ng wikang Filipino sa intelektwal na konteksto)

 

Istandardisasyon – ang pagkakaroon ng isang tiyak na salita upang hindi humantong sa kalituhan.

 

55. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan”. (E. Jacinto) Ang tungkulin ng wika sa linya ay _____.

 

      A. pangheuristiko                                         (nagtatanong, nanghihingi ng kasagutan)

B. pang-interaksyunal                                   (nagpapanatili ng relasyong sosyal)

C. pangregulatori                                       (kumokuntrol/gumagabay sa gawi o kilos ng tao)

      D. pang-instrumental                                    (tumutugon sa pangangailangan)

 

56. “Pen pen de sarapen/ de cuchillo de almasen/ haw haw de carabao batuten”. Pinatutunayan ng linya ang paglaganap ng wika dahil sa __________.

 

      A. heograpiya                     

      B. Pananakop

C. Pakikipagkalakala

D. modernisasyon

 

 

 

"... Kung kinakailangan ang lakas upang maigupo ang isang mapaniil na pamahalaan o ang isang hari-hariang pinuno, wika ang tambuling tagapukaw sa mga anak ng lahi. Patay ang isang tao kapag walang kaluluwa. Mahigit pa sa patay ang isang bayan kapag walang iisang wika." (Rufino Alejandro)

 

 

57. Alin sa mga sumusunod na malalim na salitang ginamit sa talata ang may kasalungat na pares?

 

A. Tagapukaw - tagagising                          

B. Maigupo - matalo

C. Tambuli - trumpeta                                             

D. Mapaniil (mapang-api) – mapagkandili (maasikaso, mapag-alaga)

 

58. May mga sasakyan sa Pilipinas na kababasahan ng ganito, "Katas ng Saudi" o "Kaya katas, ako utang". Anong katangian ng wika ang mas tinutukoy nito?

 

A.  Arbitraryo          (wikang napagkasunduan/naiintindihan ng lahat)

B.  May Sistema

C.  Nagbabago

D.  Ginagamit

 

59. Alin ang may wastong baybay?

 

A. Ibat-iba  (iba’t iba)                                                         

B. Paru-paro           (paruparo)

            C. Gamugamo

            D. Kurukuro       (kuru-kuro)

 

60. Alin ang wastong paraan ng pagsulat ng dayuhang salitang inuunlapian?

 

A. Nag-ba-ballet      C. Magtext

B. Rugby-han                     D. Mag-shampoo

 

61. Alin sa mga sumusunod ang salitang pambansa?

A. Mapagkumbaba                                                  C. Pinoy

B. Kamusta                                                            D. Nagdadalantao

 

62. "Katulad ng wika ang isang halaman. Sa matabang lupa kusang lalago ito may sapat na tubig at liwanag." Ang pahayag na ito ni Tengonciang ay umaayon sa          .

 

A. Puristang paniniwala                                           C. Taglish

B. Intelektwalisasyon                                              D. Dekolonisasyon

 

63. Alin ang naganap na pagbabagong morpoponemiko sa salitang Tagalog?

 

A. Metatesis                                                          

B. Asimilasyon

C. Pag-aangkop      (pagsasama ng dalawang salita – wika + ko = kako, tayo + na = tena)             

D. Pagpapalit

 

64. Ano ang salitang-ugat ng kanluran?

 

A. Kalan                                        

B. Kanlong

C. Lunan

D. Lunod

 

65. Ano ang tuntunin ngayon na susundin sa pagtutumbas sa Filipino ng rice terraces?

 

A. Gamitin ang katutubong katumbas

B. Tumbasan sa Espanyol at baybayin sa Filipino

C. Hiramin nang ganap

D. Kung ano ang bigkas siyang sulat

 

66. Ilang ponema ang bumubuo sa salitang gusali?

 

A. 6                              C. 5

B. 7                                          D. 4

 

67. Kung sa pakikinig ang may layuning malibang ay mauuri bilang apresyatib, mauuri naman sa pagbasa bilang               .

 

A. Ekstentibo                      (malawakang pagbasa =pamanahong papel, book review)      

B. Intensibo                                    (maingat at masusing pagbasa = referencing, citation)

C. Mapanuri                                   (kinasasangkutan ng pagpapasya at paghahatol)

D. Makahulugan                  (pag-intindi sa konteksto = read between the lines)

 

68. Kung ang encoder ay sa decoder, ang manunulat kung sa gayon ay sa       .

 

A. Mambabasa      

B. Tagahatid                      

C. Papel

D. Panulat

 

69. Ang pagkautal ay matatawag na          na sagabal sa pagsasalita.

 

A. Semantiko                                 (matatagpuan sa salita at pangungusap)

B. Pisyolohikal                   

C. Pisikal

D. Saykolohikal

 

70. Tukuyin ang sugnay na makapag-iisa.

Kung magkakasundo tayo, ikaw ang mamumuno at ako naman ang tagasunod.

 

A. Kung magkakasundo tayo          

B. Ako naman        

C. Ang magiging tagasunod            

D. Ikaw ang mamumuno

 

1. Payak – isang diwa lang ang tinatalakay.

– maaaring may payak na simuno at panaguri

2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan.

– binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa.

– ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang

3. Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.

– ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang ( kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat)

4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang pangungusap. ( binubuo ng 2sugnay na nakapag-iisa at  sugnay na di nakapag-iisa)

 

Filipino 2  Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

 

2.1             Nagbabasa nang may wastong pag-unawa ang mga teksto sa iba't-ibang disiplina.

 

Para sa bilang 71-75, basahin ang seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot ng mga katanungang sumusunod.

 

   Sa mga magulang, ang edukasyon ay isang obligasyon sa mga anak bilang paghahanda sa isang magandang buhay, lalo na sa panahong ang mga magulang ay wala na. Ang edukasyon para sa mga kabataan ay isang karapatang dapat ipagkaloob ng kanilang mga magulang tungo sa isang magandang kinabukasan. Samantala, para naman sa mga guro, ang edukasyon ay isang larangang dapat bigyan ng ibayong pagpapahalaga at pagtingin lalo na ng pamahalaan at mga magulang sapagkat dito nakasalalay ang magandang kinabukasan ng mga kabataan na mamamayan ng bayan.   

 

 

71. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?

 

            A. Paglalahad                                                  

            B. Pagsasalaysay                     

            C. Pangangatuwiran

            D. Paglalarawan

 

72. Alin sa mga sumusunod na pananaw ukol sa edukasyon ang HINDI ipinakita sa seleksyon?

 

            A. Edukasyon bilang obligasyon 

B. Edukasyon bilang karapatan       

C. Edukasyon bilag serbisyo sa bayan

            D. Edukasyon bilang isang larangan

 

73. Paano binigyang-katuturan ng may-akda ang paksa?

           

A. Pagbibigay ng halimbawa           

            B. Paghahambing at pagtatambis

C. Pagsalungat                  

D. Pag-uulit

 

74. Ayon sa seleksyon, alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting edukasyon?

 

            A. Upang matumbasan ang halagang ginastos ng magulang pambayad ng tuition

            B. Upang makamit ang isang magandang kinabukasan

            C. Upang makabuo ng mas maraming propesyonal na mangingibang-bansa

            D. Upang matamo ang natatagong talent ng indibidwal

 

75. Ayon sa seleksyon, ano ang pinakamagandang maipapamana ng isang magulang sa kanyang anak?

 

            A. Wastong edukasyon                        

            B. Mabuting asal

            C. Limang milyong piso                                     

D. Pagpapahalaga sa kapwa at  

sa                   bayan

 

            Para sa bilang 76-80, basahin ang seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.

 

            Naglipana ang mga mamamayang mahirap sa lungsod. Umaatungag at nagdarasal sa mga panginoon na sana’y palayain mula sa mga kuko ng pagdarahop. Isang kagyat ng alinlangan sa buhay–isang kahig isang tuka simbolo ng pagkamaralita. Wala akong magawa kundi itistis sa mga salita ang nakikitang anyo ng aming buhay. Kapalaran o sandigan ng pag-asa? Kung basal naman ang aking tinig sapgkat birhen akong nangulila upang lumaya. Subalit ang sagot ay kung ang pawis ko’y kapalit ng hinaing at sigaw ng pagdurusa. Saan nga ba tutungo ang buhay kung sa tagpi-tagping dampa naroon ang ulan na tuyo at idinidildil sa asin upang bigyang-lsa ang kaning isinusubo? Wala akong karapatang magsalita. Ang tinig ko ay paos. Ngunit ang ungol ko pumaimbulog sa langit at sa libingan ng mga buhay doon ko dinaranas ang misteryo sa buhay.

 

 

76. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?

 

            A. Paglalahad                                                               

B. Paglalarawan   

C. Pagsasalaysay

            D. Pangangatuwiran

 

77. Anong uri ng tayutay ang ipinahihiwatig ng nakasalungguhit na pangungusap?

 

            A. Tanong pagtutulad                                         

B. Pagwawangis    

C. Pagtatawag

            D. Tanong retorikal

 

78. Ano ang ibig sabihin ng, “isang kahig, isang tuka”?

 

            A. matinding pagdarahop                                   

B. Mariwasang pamumuhay

C. Lubhang karukhaan

            D. Pamumuhay tulad ng mga manok

 

79. Ano ang ibig sabihin ng, “basal ang aking tinig?”

 

            A. Busilak                   

            B. Hindi marinig

            C. Malakas                                                       

D. May takip ang bibig

 

80. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pamagat ng seleksyon?

 

            A. Misteryo ng buhay                                         

B. Buhay lansangan                                               

C. Sigaw ng kahirapan

D. Pag-asa ng maralita

 

            Para sa bilang 81-85, basahin ang seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.

 

            Alam mo, noong nasa restawran kami at kumakain, pinagmasdan ko siyang mabuti. Lalo siyang gumaganda habang tinititigan. Pino ang kanyang kilos; kitang-kita ito habang siya ay kumakain. Maya-maya, may nakita akong kakaibang kilos sa kanya. Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang nahihirapan ngunit pilit pa rin siyang ngumingiti na parang may itinatagong kung ano at pasulyap-sulyap sa kanyang inumin. Nahalata ko na lamang na nahihirapan siyang lumunok dahil nabulunan. Nilapitan ko siya at binatukan, sabay abot sa softdrinks at winikaan kong, “MAGPAKATOTOO KA SISTER!”

 

 

81. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?

 

            A. Paglalahad                                                   

            B. Paglalarawan

C. Pagsasalaysay

            D. Pangangatuwiran

 

82. Saan naganap ang mga pangyayari sa seleksyon?

 

            A. Simbahan                  C. Kusina

            B. Opisina                     D. Restawran

 

83. Anong emosyon ng pangunahing tauhan sa pagsisimula ng seleksyon?

           

A. Pagkabighani                                                   

B. Pag-ibig

C. Pagkainis

            D. Pagpakatotoo

 

84. Sa pagtatapos ng seleksyon, ano ang napagtanto ng pangunahing tauhan tungkol sa babaeng kanyang pinapanuod?

 

            A. Totoo sa sarili ang babae                   

B. Ubod ng hinhin ang babae                      

C. Maganang kumin ang babae

            D. Mayaman ang babae

 

85. Bakit nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng babae sa seleksyon?

           

A. Pangit ang lasa ng kanyang kinakain

            B. Siya ay nabulunan at hindi makalunok

            C. Masakit ang kanyang tiyan

            D. Nahalata niyang pinapanood siya ng pangunahing tauhan

 

            Para sa bilang 86-89, basahin ang seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.

 

            Sa panahon ngayon, may mga taong nalulukuban ng makahayop na damdamin at nakagagawa ng kasamaan sa kapwa. Isa na rito ang panghahalay ng ama sa sarili niyang walang malay na anak dahil sa matinding pagnanasa sa kamunduhan at kawalan ng katinuan sa pag-iisip. Ang mga ganitong uri  ng tao ay dapat mawala sa lipunan.

 

 

86. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamals sa seleksyon?

 

            A. Paglalahad                                                              

B. Paglalarawan     

C. Pagsasalysay

D. Pagangatuwiran

 

87. Paano binnigyang-katuturan ng may-akda ang paksa ng seleksyon?

 

            A. Paghahambing at pagtatambis           

B. Paglalarawan                                                     

C. Paghahalimbawa

D. Pagkilala sa sanhi at bunga

 

88. Ano ang parusa para sa krimeng nabanggit sa seleksyon?

 

            A. Pagkakapon                                                             

B. Lethal injection              

C. Pagkulong sa Mental Hospital

            D. Pagkakakulong nang habang buhay

 

89. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa krimeng nabanggit sa seleksyon?

 

            A. Concubinage                                    

            B. Incest                      

            C. Acts of lasciviousness                                   

D. Marital rape

 

            Para sa bilang 90-94, basahin ang seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.

 

PARAAN NG PAGLULUTO

 

1.)     Pagsamahin sa kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin, at paminta.

2.)     Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.

3.)     Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.

4.)     Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.

5.)     Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang.

6.)     Idagdag ang itinabing manok at lutuin hanggang matusta.

7.)     Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng manok. Pakuluin.

8.)     Maaari rig dagdagan ng ½ kutsarang asukal para bawasan ang asim ng suka

 

 

90. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?

 

            A. Paglalahad                                                  

            B. Paglalarawan                                                

C. Pagsasalaysay

D. Pangangatuwiran

 

91. Paano binigyang-katuturan ng may-akda ang paksa ng seleksyon?

 

            A. Paghahambing at pagtatambis

            B. Pagbibigay patnubay                                  

C. Paghahalimbawa

            D. Pagkilala sa sanhi at bunga

 

92. Bakit kailangang hinaan ang apoy pagkatapos pakuluan ang manok?

 

            A. Upang kumapit ang lasa ng toyo                    

            B. Upang maalis ang lansa ng manok                 

C. Upang lumambot ang manok

            D. Upang maging tuyo ang manok

 

93. Ano ang karagdagang pakinabang ng paglalagay ng suka sa pagkaing iniluluto?

 

            A. Bilang pampaalat toyo                                   

B. Bilang pantanggal ng lansa                     

C. Upang maghiwalay ang mantika

            D. Upang hindi ma-panis ang iniluto

 

94. Ano ang pagkaing iniluluto ng may-akda?

           

A. Adobong manok                                              

            B. Kalderetang manok   

C. Nilagang manok

            D. Pocherong manok

 

Basahin ang seleksyon at sagutin ang # 95-97

 

            Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kung hindi tunay na ligaya at kaginhawaan. Kailan pama’t sapin-sapin ang dusang pinapasang bilanng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung hindi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.

 

 

95. Ang paghihirap ng bayan ay sanhi ng ______________.

 

            A. pagkamakasarili                                                      

B. kahinaan ng bayani                                            

C. kawalang malay

            D. Digmaan

 

96. Alin ang bunga batay sa talata?

 

            A. Hindi tunay na karangalan  

            B. Hindi tunay na ligaya                         

C. Totoong karukhaan

            D. Totoong kalungkutan

 

97. Kung gagamitan ng pahihibla sa mga konsepto sa talata, alin ang pinakagitna?

 

            A. Pag-ibig       C. Kagihawaan

            B. Ligaya                       D. Kabayanihan

 

98. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito:

      Ilista mo na lamang sa tubig ang aking utang.

 

A. Kalimutan na ang utang

B. Magbabayad din ng utan

C. Tubig ang listahan

D. Nasa tubig ang utang

 

99. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na may paksa?

 

            A. may pasok ba bukas?                       

B. kay ganda ng paglubog ng   

araw  

    C. nagbabasa sila sa aklatan

D. Mainit ngayon

 

Mga Pangungusap na Pahanga - nagpapahayag ito ng damdamin ng paghanga.

halimbawa:
a.) Ang ganda-ganda mo.
b.) Kay sipag mong bata.

2. Mga Pangungusap na Sambitla - karaniwang binubuo ito ng isa o dalawang pantig na nagsasaad ng masidhing damdamin.

halimbawa:
a.) Sunog!
b.) Wow!

3. Pangungusap na Eksistensyal - nagsasaad ng pagtataglay o pagka mayroon ng isa o mahigit pang tao, bagay atbp. Ginagamitan ng may at mayroon.

halimbawa:
a.) May bata sa lansangan.
b.) Mayroon laman ang pitaka.

4. Pangungusap na Pormulasyong Panlipunan - mga pahayag na ginagamit upang mapanatili ang magandang layunin sa lipunan.

halimbawa:
a.) Maligayang Pasko.
b.) Magandang umaga.

5. Pangungusap na Pamanahon - tumutukoy ang mga pahayag na ito sa oras o uri ng panahon.

halimbawa:
a.) hapon na.
b.) mamaya na.

 

100. Sa taas ng mga bilihin ngayon kahit kahig ng kahig ay wala pa ring maipon.

        Ano ang ibig sabihin?

 

A.      Hanap ng hanap                 

B.      Tago ng tago                      

C.      Gastos ng gastos

D.       trabaho ng trabaho

 

101. Ang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng anumang uri ng pagbibintang makasisira sa reputasyon ng di nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal na marinig ang kanyang panig. Ito ay _______________.

 

            A. walang kinikilingan                            

            B. kalayaan ng pagpapahayag                

C. makatarungang pakikitungo                    

D. patas na pamamahayag

 

102. “You can count on me” Ang pinakamalapit na salin nito ay __________________.

           

A. bilangin mo kami                                   

B. bilangin mo ako                                                 

C. ibilang mo ako

D. maaasahan mo ako

 

103. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito? “Ang kabutihan mo sa buhay ang magiging hakbang sa pag-unlad.”

 

            A. Pagwawangis                                                          

B. pagpapalit-tawag                                    

C. Pagtutulad

            D. Personipikasyon

 

 

104. “Malalim ang bulsa,” ng kanyang nanay. Ang ibig sabihin nito ay _________________.

 

            A. walang pera                                                              

B. mapera                         

            C. mapagbigay

            D. Kuripot

 

105. Siya ay may kutsarang pilak ng ipinanganak.

Ito ay nangangahulugang _________.

 

            A. tahimik                      C. mayaman

            B. masalita                    D. Mahirap

 

106. Alin ang pinakamalapit sa salin ng “You are the apple of my eye.”

 

            A. Ikaw ay kasing ganda ng mansanas

            B. Ikaw ay maganda sa paningin

            C. ibibili kita ng mansanas

            D. Ikaw ang paborito ko

 

107. Pare-pareho kayo. Wala akong mapagpilian,” wika ng isang gurong puno ng galit sa mga lalaking mag-aaral.

 

            A. Walang gana sa pagtuturo

            B. Nawalan ng tiwala sa mga lalaki

            C. Walang pagtingin sa mga lalaki

            D. Hindi pare-pareho ang mga lalaki

 

108. Ang pagtama sa lotto ay parang isang “suntok sa buwan.” Ano ang kahulugan nito?

           

A. Maaari                          

            B. Pangarap                                                                 

C. Imposible

            D. Maaabot

 

109. “Panahon na upang magdilat ang mata at makisangkot sa mga usapin”. Ito’y nagpapahiwatig na ______.

 

A. kalimtutan ng usapin                                     

B. magising sa katotohanan                

C. idilat ang mga mata

D. umiwas sa usapin

 

110. “Ang lumakad ng mabilis, kung matinik ay malalim”. Ano ang ibig sabiin ng paalalang ito?

 

            A. mag-isip ng mabuti sa paglalakad

            B. mag-isip ng malalim kung naglalakad

            C. ang nagmamadali ay madalas magkamali

            D. ang naglalakad ng mabilis ay hindi makapag-isip

 

 

111. Mahusay “maglubid ng buhangin” ang taong gipit. Ano ang ibig sabihin?

           

A. magyabang                                                       

B. magsinungaling                                                           

C. magpaikot-ikot

D. Magtali

 

112. Huwag “ pagbuhatan ng kamay” ang batang walang kalaban-laban. Ano ang ibig sabihin?

 

A.  Itali ang kamay

B. Pagtrabahuin

C. Pagbuhatin ng mabigat

D. Saktan

113. Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng lihim na kaligayahan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad ng __________.                  

 

A. paghihikahos sa buhay

B. kalungkutan ng         

C. kapangitan ng buhay

D.kagandahan ng buhay

 

114. Mahusay magtago ng lihim ang mga taong “mabigat ang bibig.”Ano ang ibig sabihin nito?

 

A. Hindi madaldal       

B. Mahiyain      

C. Malaki ang bibig

D. Tahimik

 

115. “Kung sa langit ay nabubuhay ang sa lupa ay namamatay ano’t kinatatakutan ang oras ng kamatayan.” Anong damdamin ang ipinapahayag nito?

 

A. Maging matapang

B.Maging mapagpasensiya

C. Mapagbigay

D. Matatag sa buhay

 

Filipino3- MASINING NA PAGPAPAHAYAG

    3.1 Nagagamit nang may husay ang Filipino sa pagbuo ng isang sulating pananaliksik

        

3.2 Nagagamit ang angkop na repertwal (repertoire) ng wika sa pagpapahayag ng kaalaman, karanasan at saloobin 

         

 

116. Mahaba ang pahayag ni Paolo kaya kailangang iyong mahalaga na lamang ang dapat na mabasa kaya gumamit siya ng_________?

 

A. ellipsis                      C. sintesis

B. abstrak         D. direktang sipi

 

 

 

 

117. Ang pag-aaral ay nakatuon sa motibasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kumpyuter sa paggawa ng mga sulatin. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang ganitong pahayag ay ilalagay sa _________.

 

A. abstrak                    

B. pamamaraan

C. kaligiran

D. Paradigm

 

118. Alin ang pinakamabisang pahayag na gagamitin sa isang talumpati?

 

A. Kabataan, pumailanlang ka!

B. Ikaw kabataan ay nararapat na pumailanlang.

C. Ang pagpapailanlang mo kabataan ay hinihintay.

D. Kahit bata ka pumailalanlang ka!

 

119. Alin ang pinakamalakas ang dating na pahayag kapag kabataan ang nag-uusap sa isang kwento?

 

A. Ang ganda ng kanyang kasuotan!

B. Astig talaga ang ayos niya!

C. katulad niya ang isang bathala!

D. Ang porma niya talaga.

 

120. Alin dito ang pinakawastong salin sa pangungusap na: “I am sure he didn’t say that.”

A. Ang tiyak ko’y hindi niya sinasabi iyon.

B. Ako tiyak na hindi niya sinasabi iyon.

C. Ako ay nakatitiyak na iyon ay hindi niya sinasabi.

D. Nakatitiyak akong hindi niya sinabi iyon.

 

121.  Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasulat ng bibliograpiya?

 

A. Antonio, Lilia F., et al. (1975-76) Retorikang Pangkolihiyo. Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas.

B. Retorikang Pangkolihiyo. Antonio, Lilia F., et al. Quezon City, Unibersidad ng Pilipinas, 1975-76.

C. Unibersidad ng Pilipinas, Antonio, Lilia F., et al, Retorikang Pangkolihiyo, Quezon City, 1975-76.

D. Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas, 1975-76, Retorikang   Pangkolihiyo, Antonio, Lilia F., et al

 

122. Ano ang salin ng “Bring home the bacon”?

 

A. Mag-uwi ng bacon.

B. Mag-uwi ng panalo.

C. Bumili ng panalo.

D. Dalhin ang bacon.

 

 

 


If this content helps you, please share this NEWS with your friends and help someone to pass the board too!


#LETReviewers #PRC #LET #LicensedPRofessionalTeacher #LPT #GenED Reviewers for Teachers | LET Reviewers


/via Teachers ng Pinas


Reactions

Post a Comment

0 Comments