Working student, tuloy ang pangarap sa kalagitnaan ng pandemya! - Teachers ng Pinas

Working student, tuloy ang pangarap sa kalagitnaan ng pandemya! - Teachers ng Pinas


Maraming mga studyante ang naaabala ng pandemyang ito, pati na rin ang mga guro at iba pang mga business na tumatakbo ngayon sa buong mundo ay apektado na rin! 

Online class ang isang paraan na nakikita ng gobyerno ngayon para maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon at mas bumaba pa ang mga naitalang kaso sa buong mundo.

Ishinare ng online teacher ni Jan Dominique Agravante ang piktyur na inupload ng nobyo nito sa social media at sinabing, "Student ko ito." 


Tila bang ang guro niya ay napaka-proud sa ginawa ng studyante niyang masipag na nag-aaral habang nakauniporme pa sa tinatrabahuan niyang sikat na kompanya sa Pinas. 

Narito ang kabuoang post ni Sir Archy Harry Figueroa: 

"Student ko ito...
Jan Dominique A. Agravante
BSBA Marketing Management major - 4th year

Bakit sya...walang panahon para magreklamo, walang panahon para mapagud, walang panahon para sabihing absent sa online class dahil may work sya...bakit sya nakakagawa ng paraan? Bakit sya?
Merun lang syang PANAHON PARA SA KANYANG PANGARAP.
Saludo kami seo Ms. Agravante ng PLMar,
lalo naming pagbubutihan na mga GURO mo sa PAMANTASAN para pagbutihan ang PAGTUTURO lalo na sa panahong ito na lahat ay nagaadjust. Pinamulat mo sa amin na WALANG PANAHON MAGREKLAMO PARA SA PANGARAP.
(naiyak ako...meaningful un litrato kasi talagang student ko sya sa PLMar)
Photo Credit: Raymart Blanco"

Nakalikom ng maraming shares ang reaksyon naturang post ni Sir Archy. Madami rin ang nagkomento na sila daw ay na-inspire sa istorya ni Miss Jan Dominique! 

Ito ay isang patunay na dapat tayong magsumikap at 'wag puro reklamo kasi lahat naman tayo ngayon ay apektado na hatid ng pandemiyang ito na kailanman ay hindi natin ginusto! 

Mga kapatid, awat na sa problema. Mag-tulongan na lang at mag-unawaan.


/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments