Viral ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa sobrang daming requirements sa 'online class' - Teachers ng Pinas

Viral ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa sobrang daming requirements sa 'online class' - Teachers ng Pinas


Ang isang netizen na ito na nakuhaan ng larawan na umiiyak habang nasa harap ng kanyang kompyuter ay naiyak dahil sa sobrang hirap, pagod, stress, at dami ng requirements na hatid ng online-class sa kanya.

Matatandaan na dahil sa pandemiyang ito, ang tradisyunal na pamamaraan ng klase ay hindi posible ngayong mga panahon na ito. Kung kaya't ang naisip gobyerno ay gawin na lang ito sa pamamagitan ng teknolohiya. 


Ugong-ugong ngayon ang viral hashtag ng mga netizens na #academicfreeze na nagsusulong na itigil muna ang pansamantalang klase kasi may pandemya. 

Ngunit kako ay nagawan naman ng paraang ng gobyerno na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata kahit sa kalagitnaan ng pandemya, ito naman ay nagdudulot ng sobrang stress, presyur, at ang mas malala pa ay depression sa ibang mga estudyante. 


Naging debate na isyu na ito sa makailang buwan na ang nakalipas at may dalawang partido na naglalaban ng 'academic freeze' ay may mga tao naman na sang-ayon na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Sa kabilang banda, narito naman ang kabuoang istorya ng batang naiyak sa sobrang stress na:

"Hinay hinay din sa parequirements! Hindi sila ROBOT 😭 Kung ilang subjects meron sila, for sure lahat may activities. Honestly, natulongan ko na sya sa part na yan. Naaawa ako! 😭 na parang mas stress sila kesa nakakapag-aral.

May parents, ates, kuyas, titas o titos rin ba na gumagawa't tumutulong sa requirements nila din jan?

#sharekolang
#time☑️"

Ikaw kapatid, pabor ka ba sa academic freeze o hindi? 

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments