MilkTea ng 'Macao Imperial Tea' may ipis, salaysay ng isang nagrereklamo netizen! - Teachers ng Pinas

MilkTea ng 'Macao Imperial Tea' may ipis, salaysay ng isang nagrereklamo netizen! - Teachers ng Pinas


Ang Macao Imperial Tea ay isa sa mga malalaking kumpanya na sobrang patok sa masa dahil sa sarap ng milk-tea na hatid nito sa kanyang mga konsyumer! 

Kamakailan lang, may isang netizen na nagpost nang kanyang naging experience nasabing tea-shop. 


Ayon sa post ni Jasper Noah De Vera, bumili daw siyang 'Triple Chocolate' flavor ng milk-tea sa nasabing MilkTea shop at habang ito'y iniinom niya sa loob ng kanyang kotse, noong paubos niya itong inomin nakita niya daw na may ipis ang Milk-Tea na ito! At ito ay naging sanhi ng pagsakit ng kanyang tiyan sa loob ng isang araw. 


Narito ang kanyang buong pahayag: 

"Bumili kami ng milktea sa macao banawe branch, nasa kotse kami nung ininom ko ito Triple Chocolate ang flavor nito malapit ko na maubos yung milktea nasa kotse parin kami sisimutin ko sana yung yelo pero bigla kong nakita 1 ipis, nung tinaktak ko yung straw naging dalawa yung ipis!                                                    
 Tapos bumalik kami sa branch ng macao na pinagbilhan namin sabi nila sarado na pero sabi ni mama kakausapin nya yung manager tinignan nila yung pinaglagyan ng milktea nag usap sila sabi nila palitan nalang yung milktea o bigyan nalang kmi ng gift certificate pero sabi ni mama "paano kung na hospital anak ko mababayad ba namin yang gift certificate nyo sa ospital!!" hinabol nila si mama at sinabi nilang "pasensya po wag nyo po munang ipost yan sa social media" sumakay na si mama sa kotse nakalimutan nya yung pinaglagyan ng milktea bumalik si mama at nakita nyang isa nalang yung ipis sabi nila "pasensya na po natapon" nagtaka kmi kung natapon lg ba ito o tinapon lang nila. 


Umuwi na kmi. nung madaling araw nag sakit na ang tyan ko dumumi ako 2beses akong nagdumi kinaumagahan nahilo ako at namimilipit ako sa sakit nang tyan ko dinala nila ako sa malapit na clinic dito sa amin nag pa check up na ako d na kmi nakapag check up sa ospital dahil natatakot kami na baka mahawaan kmi ng virus pero nag pa fecalysis ako at lumabas na maraming bacteria ang dumi ko binigay namin ang ang medical certificate ko sa kanila dahil sabi nila kaylangan daw ito para mapatunayan daw na nag pa medical ako marami pa silang hininging mga  requirements sa amin nung nakom pleto namin ang lahat ng requirements na hinihingi nila di na sila naki pa areglo.
 Kaya kanina pinuntahan ni Atty. ang branch na pinagbilhan namin habang kausap nya ang staff may ipis na nakita ang mga kasamahan ni Atty. napicturan ito kaya kayo na ang humusga kung ligtas pang bumili dito......




Macao Imperial Tea Philippines 🤮
#besafeeveryone"




Ang naturang post ay nakatanggap ng maraming reaksyon sa madla. Dahil sa dami rin kasi ng mga konsyumer nito, kay nagalit ang iba pang mga suking kleyente ng naturang kompanya!


Wala pang opisyal na salaysay ang naturang shop pero sana'y maayos nila ito at matsek nang maayos ang kanilang mga branches at stalls! 

Ikaw kapatid, anong hinaing mo sa isyu na ito?

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments