Masipag na lolo, nagbebenta ng lugaw ngunit wala daw masyadong bumibili sa kanya - Teachers ng Pinas
Ngayong pandemya, kanya-kanya tayong mga tao para dumiskarte at mabuhay. Lahat ng establisyemento ay apektado at lang mga bisnes sa buong mundo ay naapektuhan dulot ng pandemyang ito.
Iba't-ibang negosyo ang nalugi at nagsara na at may mga panibagong oportunidad naman para sa panibagong negosyo na patok sa pandemya nararanasan natin ngayon.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Max Udomsak ang istorya ng isang matandang lalaki na matiyagang nagsusumikap araw-araw, para lang may makain.
Si lolo ay may edad na 78 at nakatira siya sa syudad ng Bangkok. Nagbebenta ang matandang lalaki ng lugaw at ayon pa sa kanya, ito lang daw ang alam niyang pangkabuhayan para mabuhay sa pang-araw-araw.
Ayon kay lolo, siya na lang daw ang mag-isa na kumakayod sa pang-araw-araw kasi ang kanyang asawa at ang dalawang anak niya ay pumanaw na, dalawang taon na ang nakalipas.
Ang binebenta niyang lugaw nag nagkakahalaga ng 34 pesos per order at kung may pandagdag ka pang sahog, ang total mababayaran mo ay hindi lalagpas ng 40 pesos.
Aminadong mahirap daw ang sitwasyon na nararanasan ni Lolo. Kasi may mga araw daw na wala masyadong bumibili sa kanya.
May mga punto din daw na wala daw talagang bumibili sa kanya buong araw. Kaya natatapon o napapanis na lang ang paninda niyang lugaw.
Si lolo ay aminadong nalugi na, dahil doon sa isang araw na hindi man lang siya nakabenta. Kaya naman ay hindi na siya nakabayad ng pang-renta niya sa araw-araw at nakatira na lang siya sa isang abandonadong bahay na dati'y nasunog.
Nilagyan niya lang ng tarpaulin at nandon ang mga gamit niya na nakapaloob. Tila bang bahay-bahayan lang ng isang bata.
Madaming streetwalkers ang naaawa kay lolo at bumibili din sa kanya kahit papaano para lang makatulong at bilang suporta na rin kay lolo.
Ang bentahan ni lolo ay nagsisimula nang alas tres ng umaga hanggang gabi. Nadaanan ito ni Max kaya naisip niyang bumili na lang din kay lolo at tumulong na rin kanya.
Naisipan daw umano ni Max na i-post ito sa social media para kung sakaling may mga taong gustong tumulong kay lolo, ay makapagpaabot ito ng tulong.
Ito naman ay pinaunlakan ng ibang mga netizens at sila ay nagpaabot ng kanya-kanyang tulong.
Mag-ingat ka sana palagi lolo at God bless po sa inyo!
/via Teachers ng Pinas
0 Comments