Lolo masipag na nagbebenta ng paminta araw-araw, netizens tumugon kay sir Raffy ng tulong para sa kanya - Teachers ng Pinas
Lahat ng tao ngayon sa buong mundo ay naaapektuhan ng pandemiya na ito. Madaming mga business ang nagsara at nalugi dahil sa sirang binigay ng pandemiya na ito na kinakaharap ng buong mundo.
Isang netizen ang tumugon ng tulong kay Sir Raffy Tulfo hindi para sa kanyang pangsarili dahilan kundi para sa isang matandang lalaki na palagi niyang nadadaanan sa tuwing pumupunta siya sa isang sikat na mall sa Manila.
Ayon sa post ni Diego Agustin, "palagi ko po siyang binibilhan ng paminta 40 to 60 pesos po pero dapat hindi ko na iyon kinukuha kasi para maibenta niya sa iba."
Binibilhan daw ito ni Diego ng paminta dahil gusto niyang makatulong. Araw-araw niya raw itong nakikita sa bandang gilid ng Save More sa Tañong Malabon na nagbebenta ng paninda niyang Paminta.
Sa kabilang banda, naantig naman ang puso ng mga netizens sa istorya ni Tatay kaya may mga netizens na nag-tag sa official account nila si Raffy Tulfo at naghashtag ng #raffytulfoinaction para makuha ang atensyon ng Team nila sir Raffy.
Umaasa ang mga taong bayan na may makatulong kay Tatay kahit pang-grocery niya lang at makatulong kahit konti sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nagviral ang post ni Diego at umani ito ng samu't-saring reaksyon sa mga tao.
Narito ang kabuoang post ni Diego:
"Hello po sir raffy, Sana po matulungan nyo po si tatay, nagtitinda po sya PAMITANG BUO bawat balot 10 piso po, tuwing pumunta ako Ng palingke nadadaanan ko po si tatay, sa may GILID PO SIYA Ng SAVE MORE sa TAÑONG MALABON po..kahit matanda na po siya at ung kamay niyang Isa ay Wala , nag hanap buhay parin po siya, bumibili ako sa kanya , minsan 60pesos or 40pesos , pero dapat hindi ko nlng kukunin Kasi para maibenta nya sa iba, at dagdag kita po Sana niya, Sabi nya kuha nalng po ako kahit Isa, bilang respeto po kumuha nlng po ako Ng Isa, tuwing nakikita ko po si tatay, nadudurog Ang puso ko kase matanda na po sya at Lalo na ngaun mahirap NASA labas Kasi matanda n po xa ,, sna may makatulong po Kay tatay..Wala nmn po masyadong pumapansin sa kanyang inaalok na paninda, Sana po sir raffy matulogan nyo po si tatay, paki share nalng po guys para po Kay tatay😔🙏Sana sir raffy matulogan nyo po si tatay please.."
Anong masasabi mo sa istorya na ito? I-comment mo na sa ibaba!
Source: Diego Agustin | Facebook
/via Teachers ng Pinas
0 Comments