Lloyd Cadena nagpahiwatig daw sa matalik na kaibigan bago pumanaw - Teachers ng Pinas

Lloyd Cadena nagpahiwatig daw sa matalik na kaibigan bago pumanaw - Teachers ng Pinas


Biglaan na lang nagulantang ang sosyal medya matapos na mag-post ang official Facebook page ni Lloyd tungkol sa kanyang pagkamatay. Nalungkot at nanglumo ang kanyang mga katrabaho, kapwa vloggers, pamilya at mga matatalik na kaibigan. 

Sa Facebook post na isinalaysay ng matalik niyang kaibigan na si Kimpoy Feliciano, binahagi ni Kimpoy ang napagusapan nila ni LC bago siya mamatay. 

Kimpoy Feliciano, matalik na kaibigan ni Lloyd Cadena

"Lloyd wanted to be a dentist after ECQ 💔 Ako naman, sabi ko sa kanya isasakay ko siya kapag naging piloto ako" ika ni Kimpoy sa kanyang post. 

Napansin din ng matalik na kaibigan ni Lloyd na tila bang may pahiwatig ang pagkasabi ni Lloyd nito kay Kimpoy. 

"Habang may panahon pa. Maiksi lang ang buhay,"  mensahe na pinadala ni LC. 

"Dapat gawin natin lahat ng gusto natin. Search for your purpose. Kaya kapag mabuhay pa ako after this corona, magdedentistry ako," mesaheng dinagdagdag pa ni Lloyd sa kaibigan niyang si Kimpoy. 

Narito ang buong paguusap nila sa InstaGram: 




/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments