Larawan sa isang birthday party, nahagip ang isang taon nang patay na lola! - Teachers ng Pinas

Larawan sa isang birthday party, nahagip ang isang taon nang patay na lola! - Teachers ng Pinas


Viral sa internet ngayon ang 'di umano'y larawan ng isang netizen matapos silang mag-selfie sa isang party sa Nueva Ecija na nasagip 'di umano ang isang taon nang patay na Lola. 


"Galing kami ng birthday party nu'n. Siyempre, nag-picture-picture kami. Nu'ng pag-uwi ko, tiningnan ko 'yung mga kuha namin. Nu'ng pinagmasdan ko, parang may sumama sa selfie namin! Natakot na ako. Wala siyang kamay at wala siyang mukha."

-Cristine

"Nu'ng sinend ni Cristine sa akin 'yung picture, kinilabutan ako. 'Yung ayos at gupit ng buhok, kilalang-kilala ko! Totoo nga ata na bumabalik 'yung kaluluwa!"

-Beverly

"Tiningan ko 'yung kuha nila. Tinayuan ako ng balahibo. Kilala ko 'yung sumama sa selfie nila! Kahawig niya talaga!"
-Roberto

Ayon sa kanila ang nahagip daw sa imahe ay ang kanilang lola na isang taon nang patay! 

Samantala, matapos ang insedenteng ito, agad naman daw nilang pinagdasal ang yumaong mahal nila sa buhay. 

/via Teachers ng Pinas

Reactions

Post a Comment

0 Comments