Kwento ng isang entertainer sana sa isang cruise ship, successful na ngayon sa bagong tinahak na career! - Teachers ng Pinas

Kwento ng isang entertainer sana sa isang cruise ship, successful na ngayon sa bagong tinahak na career! - Teachers ng Pinas


Halos lahat ng mindset ng mga Pinoy ay makipagsapalaran sa ibang bansa kasi mas nakikita nilang may kinabukasan sila doon kaysa dito. Kahit pa minimum wage ang pinapasahod sa iyo buwan-buwan ay talagang kukulangin ka pa rin sa mahal ng mga bilihin ngayon. 

Image may contain: 1 person, screen, laptop, closeup and indoor

Ang kwento ng isang successful na 'Facebook Gaming' streamer na ngayon ay mas kilala bilang Ghost Wrecker, ay siyang dapat pala'y cruise ship entertainer. 

Sa kanyang salaysay, sa Facebook page niya. Ibinahagi ng succesful man ang kanyang naging istorya bago ito dumating sa career na tinatahak niya ngayon.

Ayon sa kanya, siya daw ay dapat na cruise ship entertainer. Wala daw sa plano niya yung maging streamer pero dahil nakitaan siya ng talent sa paglalaro at sa angking galing nito sa 'online-games', siya nag nabigyan ng spotlight ng dalawang kompanya na mag hatid saya sa mga manunuod.

Ang TierOne Entertainment at Rumble Royal daw ang mga naging tulay kung bakit siya nandito sa kanyang kinatatayuan ngayon at higit sa lahat ay mga taong todong sumusuporta sa kanya at ang gabay ng Panginoon na andiyan palagi sa likod niya. 

Narito ang buong istorya: 

"TRY MO BASAHIN. G BUK BAKA MAG KA SKIN AT MAGING STREAMER KA. Pag natapos mo.

It’s almost 3 years mula nung nag salita ako sa mga Aspiring streamers and influencers. Masasabi ko na I am very lucky to have this kind of opportunity sa buhay ko. Halos 3 years narin ang nag daan, nung na-delete ang aking unang page ko.

2018 was one of the worst year that happened to my life. As a theater Actor, director, script writer, choreographer & set master. Never in my life na naranasan kong mabash, mapag tulungan at masabihan ng mga masasakit na salita. Pero pag pasok ko sa streaming, naranasan kona siya.

Well nangyari din naman yun dahil sa kagagawan ko. Naging isa akong trashtalker. Karamihan sa mga na turuan at studyante ko sa workshop at mga kakilala ay nag tataka. Elys ikaw ba talaga yon?. Mr Caranza anong nangyari bat nag tatrash-talk kana?. Sir Elys bakit mura ka ng mura?. Then sabi ko sa mga tinuturuan ko “Mali yun it’s just my character dahil yun yung hinahanap na entertainment ng mga nanonood sa akin”. Yes po, yun ang hinahanap ng mga viewers ko dahil doon sila natutuwa at sinunod ko.


Bakit ko sinunod?. Dahil ba kikita ako ng pera?, dahil may bayad?, the answer is NO. Wala pa pong kita sa streaming nung mga panahon na iyon sa facebook gaming. “Eh bakit ka nag stream?”. Well the real reason ay... Aalis na kasi ako sa bansa natin upang mag work as an entertainer sa isang Cruise ship. Yes yun po dapat ang work ko noon. So habang nag aantay ako ng sampa ko, nag hnap ako ng isang laro na pwede kong laruin sa barko pang tanggal bagot kapag sumampa na ako. Ang laro nayun ay ROS. Ginusto ko siyang laruin dahil may mic at naririnig ko ang team mates ko and the rest is history.

Biglang dumating ang offer ng Tier One at Rumble Royal. Nauna ang Tier One due to the help of Ms. Alodia. Siya ang unang nag offer ng work sa akin, nag bigay ng information about sa kalakaran sa social media. Nga pala nung mga panahon na nag sstream ako. Wala po akong kinikita maski piso. Ako pa po ang namimigay ng premyo.

Napasok ako sa Tier One as Amplfy streamer and doon na nag simula ang pagiging Ghost Wrecker ko ng tuloy tuloy sa streaming. Yung pag babarko ko? Wala hindi kona natuloy. Sayang nga mga requirements at gastos eh haha. Pero atos lang kasi mas napaganda pa pala ako dito sa streaming.

So to cut the story short. Nag salita ako sa event na ito at nag sabing wag na wag kayong magiging trashtalker. Bukod sa masama eh baka hindi nyo kayanin ang balik ng mga makakapanood sa inyo na ayaw sa trash talk pero mumurahin ka kasi trash talker ka. Gulo no?

Oo wag. Sakin pa ng galing, bakit?. Kasi alam ko na ang pakiramdam na kamuhian ka dahil sa content mo na trashtalk kahit scripted kayo ng kamurahan mo. Haha oo bago kami mag trashtalkan sa stream napag usapan na namin na for fun lang at entertainment. Masasabihan ka ng masasakit na salita na dati hindi mopa na experience.

Ayoko na pahabain to pero yun lang almost 3 years nako sa streaming and yes MALAPIT NAKO MAG 3 MILLION FOLLOWERS kaya na isip kong gawin to.

Maraming maraming salamat mga tol. Kahit yung iba dati galit na galit sakin. At least ngayon yung iba na intindihan na ang ginagawa ko. Sa mga may ayaw parin sakin ayos lang yan. Kanya kanyang trip lang yan. Pero salamat padin. Yun lang. 100k followers nalang 3 million na. Kung umabot ka hanggang dito comment Roadto3m ka naman and pa share nadin. Salamat salamat lalo kay GOD

#ROADTO3M"

Malapit nang mag-tatlong milyon ang tagasubaybay ni Ghost Wrecker, siya ay higit na nagpapasalamat sa Panginoon na pinagkalooban siya ng ganitong oportunidad. 

Maraming mga small streamers din ang na-inspire sa kwento ni Wrecker, at nagbabakasakaling maging kilala ding streamer balang araw. 

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments