KMJS love story nila Zef Juan, kakasuhan matapos makipagkita sa jowa habang nasa misyon! - Teachers ng Pinas

KMJS love story nila Zef Juan, kakasuhan matapos makipagkita sa jowa habang nasa misyon! - Teachers ng Pinas


Viral sa social media matapos ipost ni Zef Juan ang kanilang love story ng kanyang jowa nang una silang magkita matapos ang mahabang panahon na lockdown. 

Dahil rito, sila ang napaunlakan sa KMJS na ma-feature kanilang love story. Matapos rin na mapanuod ng mga netizens ay naibulgar ang sikreto ni Zef na isang Special Action Force (SAF) na ito pala'y babaero. 

Madaming mga ex at mga pinagsabay daw umano ang SAF na ito. Iba-ibang babae sa iba't-ibang lugar na kanyang napagdestinohan. 

Sa kabilang palad, isang netizen ang nagpahayag ng kaniyang hinaing matapos magviral ang naturang post. 

Ito kako daw ay hindi tama at hindi naaayon sa panahon na kinakaharap natin ngayon. Kahit gaano pa daw ka-miss natin ang mahal natin sa buhay, sa ngalan na si Zef ay isang public servant, ito daw talaga ay mali! 

Alam naman natin na ang mga Pulis ay dapat inuuna ang kanilang tungkulin at hindi ang kanilang personal na pangangailangan o kahit ang pamilya pa nila 'yan. 

Delikado rin daw na makita ng publiko ang pagkakailanlan ng jowa ng pulis. Lalong-lalo na sa puntong ito na nagkalat ang mga taong masasama ang loob. 

Wala naman daw masamang magkita lang kahit na saglit na panahon pero si Zef ay nasa isang 'restricted mission' kung kaya't si Zef ay malinaw na may nilabag na protocols sa kanyang duty. 

Narito ang post ng Legal Army Wives sa kanilang hindi pagsang-ayon sa ginawa ni Zef:

"NAKILALA MO SA SOCIAL MEDIA. DI MO PA NAKADAUPANG PALAD, SINABIHAN MO NG EXACT LOCATION MO HABANG MAY MISSION KAYO NG TROPA MO.

PASALAMAT KA INOSENTENG BABAE ANG DUMATING HINDI ASG NPA , SUICIDE BOMBER O RPG.

MALIWANAG MAY PANANAGUTAN DITO NA DAPAT MA REVIEW PARA SA KALIGTASAN NG TROPA.

PAG MAY MISSION- CONCENTRATE. WAG NG IPAGKALAT. NASA INTERNET NA RIN ANG KALABAN BOY.

WAG NYONG SABIHING BITTER KAMI O WALANG LAB LAYP. MAY TAMANG ORAS AT LUGAR PARA DYAN.

WAG NG HINTAYING MAY KRIMEN PANG MANGYARI BAGO I REMIND ANG TROPA.

BETTER TO BE LOW PROFILE THAN SORRY. DAMING BUHAY MADADAMAY." 

Para sa inyo? Sang-ayon ba kayo na mali talaga si Zef o hindi? Anong opinyon mo dito sa article na ito?

/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments