Isang lalaki, ginawang palikuran ang Manila Bay habang ito'y inaayos! - Teachers ng Pinas

Isang lalaki, ginawang palikuran ang Manila Bay habang ito'y inaayos! - Teachers ng Pinas


Naaktuhan ang isang lalaki at iba pang mga taga-lungsod na malapit sa Manila Bay ang naaktuhang tumatae nang magsimula ang nag-aayos sa Manila Bay. 

"Talagang maraming jumejerbaks diyan sa Manila Bay, dati pa 'yan! Hindi namin alam na hanggang ngayon pala ay may tumatae pa rin diyan." 

"Kaya siguro madumi na 'yang Manila Bay kasi hindi lang sila nagtatapon ng basura diyan. Diyan na rin sila dumudumi! Nakakadiri kayo!" 

"Nasa tao talaga ang disiplina diyan, hindi mo rin naman sila masisisi kasi wala naman silang choice kundi tumae na lang diyan kasi wala naman silang matinong palikuran."

Ito lamang ang mga komento na natanggap mula sa mga netizens patungkol dito kontrobersyang kumakalat sa internet ngayon na may mga residenteng tumatae sa kalagitnaang na renobasyon ng nasabing Manila Bay. 


Sinita ng mga taga-DENR ang mga naaktuhan na residente sa nasabing lugar na 'wag tumae diyan lalong-lalo na ngayon na ito'y inaayos na ng gobyerno. 

Sa kabilang banda, ito'y isyu na rin ngayon sa internet na kung saan may mga taong hindi pa rin maintindihan ang pagtambak ng atipisyal na buhangin sa Manila Bay. 


Para sa iyo? Sang-ayon ka ba sa pagtambak ng artipisyal na buhangin sa Manila Bay? Ipadala ang iyong komento sa ibaba! 

/via Teachers ng Pinas

Reactions

Post a Comment

0 Comments