Isang ginang ang iniwan ng tricycle sa gilid ng daan, netizens umaapela ng tulong - Teachers ng Pinas

Isang ginang ang iniwan ng tricycle sa gilid ng daan, netizens umaapela ng tulong - Teachers ng Pinas


Nagviral ang Facebook post na pinost ng isang netizens na kung saan siya ay umaapela ng tulong sa isang ginang na nakita niya sa daan. 


Narito ang kaniyang buong post: 

"Urgent please patulong nmn contact ang Mdswd pa rescue ng matandang babae dito sa ilalim ng tulay ng MacArthur bridge sa gilid ng feati. Iniwan lang ng tricycle driver dito. Kawawa naman si nanay

Yorme. Isko Moreno (Batang Maynila)"

Ayon kay Christian Enchaw, nakita niya lang daw ang paralisadong ginang na iniwan ng tricycle sa gilid ng daan. 

Tumutugon ang mga netizens ngayon kina sir Raffy Tulfo, KMJS, Rated K, at sa iba pang mga makapangyarihang tao na handa tumulong kahit kanino man. 

Si Nanay ay halatang na-stroke at hindi makatayo, kitang-kita din sa piktyur niya na siya ay nakadiaper. Palatandaan na siya ay may sakit na at nangangailangan na maselan na pag-aalalaga. 

Gayunpaman, wala pang masyadong impormasyon patungkol kay nanay. Hinahanap pa rin ng publiko ang kanyang buong pangalan, saan siya nakatira, at sino ang mga taong nasa likod ng kanyang sitwasyon ngayon. 


/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments