'Igat' ang baboy na pet nang pamilyang Andrada, pumanaw na! - Teachers ng Pinas

'Igat' ang baboy na pet nang pamilyang Andrada, pumanaw na! - Teachers ng Pinas


Naaalalala niyo pa ba si 'IGAT'? Yung baboy na ginawang pet ng isang pamilya sa Davao City na naitampok rin ang kwento sa KMJS. 



Siya yung alagang nagbigay ng saya sa pamilyang Andrada at nagbibigay umano ng swerte sa pamilya nila. 



Talaga nga naman agaw atensyon ang hayop na ito na kadalasan nating nakikita lamang sa hapagkainan ay ginawang alaga o 'pet' ng pamilyang Andrada. Tuwang-tuwa daw sila kasi malambing ang alaga nilang si 'Igat'. 



Ang 'IGAT' na salita ay nagmula sa bisaya na ang ibig sabihin ay, 'makulit' o 'jolly' tila bang mataas ang enerhiya o aktib! 
Larawa ni Alysa Mae Andrade Secuya



Ngayong araw, pumanaw na ang Baboy na alaga nilang si 'IGAT' matapos ang tatlong taon na pagsasama, namaalam na ang alagang nagbibigay sa kanila ng suwerte at saya. 

Sa makikita sa piktyur, dama ang lungkot na nadarama ng amo niya at tila bang yakap-yakap niya ang kanyang alagang si 'IGAT' habang ito ay nakahiga. 

Rest in Peace, IGAT! 



/via Teachers ng Pinas
Reactions

Post a Comment

0 Comments