Higit sampung 'delivery riders' ang naloko ng isang random user sa Las Piñas City - Teachers ng Pinas

Higit sampung 'delivery riders' ang naloko ng isang random user sa Las Piñas City - Teachers ng Pinas



Humigit kumulang sampung delivery riders ang naloko ng isang troll account matapos mag-book ito ng orders sa iba't-ibang food-delivery companies.

Ito ay nangyari kamakailan lang sa isang village sa Las Piñas City, at kung makikita sa larawan ay iba't-ibang delivery riders ang nagtungo sa isang lugar para mag-deliver sana ng orders sa isang random user.

Image may contain: one or more people and outdoor

Ito namang post na ito'y humakot ng samut-saring reaksyon sa madla, at ikinagalit sa taong responsable nito. 

Ang nasabing pangalan 'di umano nang nag-book ng orders na ito ay nagngangalang, 'Aj Prande' at nang magtanong ang mga naturang riders sa bahay na nakalagay doon sa booking details, ay wala daw nakatirang AJ Prande sa nasabing lugar. 

Image may contain: one or more people and outdoor
Mga larawan mula kay Natalie dela Cruz

Hindi na ito bagong insidente para sa ating lahat, pero nawa'y sana ay malagot ang mga responsableng tao sa ganitong insidente at paigtingin ang seguridad ng mga riders na naghahanap buhay lang naman ng maayos sa legal na paraan. 

'Wag sana itong gayahin ng iba pang mga taong may saltik sa utak diyan. 

/via Teachers ng Pinas 

Reactions

Post a Comment

0 Comments