'Dear Ma'am & Sir!' Mensahe ng isang estudyante sa mga guro tungkol sa online class - Teachers ng Pinas

'Dear Ma'am & Sir!' Mensahe ng isang estudyante sa mga guro tungkol sa online class - Teachers ng Pinas


'Online class', isang paraan na nakikita nga gobyerno at mga nasa pang-edukasyon na organisasyon para mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata at maiwasan ma-delay ang kanilang pag-aaral. 

Ngunit, itong plataporma na ito ay humakot ng atensyon sa nakararami. Ayon sa ibang mga netizens, ang bansang Pinas ay hindi pa daw talaga handa sa pag-oonline class. Lalong-lalo na sa mabagal na internet na matagal nang problema ng bansa. 

Nag-viral ngayon ang mensahe ng isang estudyante nag-oonline class, na kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang pahayag para sa mga guro. 

Ang konteksto ng kanyang salaysay ay patungkol sa mga guro, propesor ang iba pang mga indibidwal na kabilang sa pang-edukasyon ng organisasyon. 


Ang sabi ng naturang estudyante na si Magbanua Lonesa:

"Dear Ma'am and Sir, ako'y kabilang sa mga estudyanteng nahihirapan sa pag-oonline class. Meron lang po sana akong hihingin na pabor mga Ma'am and Sir... 'wag niyo po sana kami biglain sa pagpapasa ng mga requirements, hindi po kami robot na diyan diyan agad ay mapapasa. 

Hindi po kami mga genius na isang scan lang sa mata, makakaintindi na. Meron din po kaming gawain sa bahay at ni-hindi na namin magawa ng maayos ang mga gawain sa bahay kasi palagi na lang kaming nag-oonline para maghintay kasi baka may biglang i-post na tasks...

Hindi pa natapos maipasa ang isang activity, mayroon na namang panibagong activity...

Nahihirapan nga kayong mga guro na mag-online para mag-reply sa mga estudyante nagtatanong ng concerns. Paano na lang din kaming mga estudyanteng walang-wala? 


Hirap kaming magpa-load pero naghahanap kami ng paraan para lang makapagpasa ng aming mga requirements. 

At sa totoo lang mga Ma'am & Sir, nag-aaral ako ngayon na wala akong naiintindihan. Ang akin lang ginagawa ay ang makapasa sa mga requirements. Hindi po ako matalinong estudyante, average student lang po ako mga Ma'am and Sir!

Kung sasabihin niyo, bakit nakaya ng ibang mga estudyante, hindi po lahat ng mga estudyante ay may mga gurong umiintindi sa kanila. Hindi po lahat ng mga propesor ay maintindihin.

Sa aking sitwasyon po ngayon, malabo po talaga ang aking mata... na imbes yung aking ipang-eyeglass ay ibili na lang 'yan ng bigas. At sa tuwing nagbabasa ako ng mga notes at nagbabasa sa phone, sobrang sakit talaga ng aking ulo... lalong-lalo na kapag sobrang matataas na babasahin.

Nahihirapan na rin akong intindihin ang mga lecture kasi naiwan na... 

Ang aking hinaing lang bilang estudyante, 'wag lang sanang pagsabay-sabayin ang lahat ng mga activities... dahan-dahan lang po mga Ma'am and Sir.

Ang aming hinahangad lang po dito ay matuto, pero dahil dito sa online-class lahat tayo ay naninibago. 

Wala na kaming natutunan, ang amin na lang talaga ginagawa ngayon ay makapasa ng inyong mga activities.... 

Sana lang mga Ma'am and Sir, walang estudyanteng katulad sa akin na titigil na lang kasi hindi na kaya ang online-class. 



Akala ko ba, 'no student should be left behind?' 

Pero sa totoo lang, Ma'am and Sir... hindi lang po ako ang estudyanteng gusto ng tumigil sa pag-oonline class. 

Gustuhin ko man na tumigil, pero paano na lang ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral? Sayang din po ang mga taon na lilipag kapag sinabi niyo sa amin na, 'sige tumigil ka muna'.

Madali lang po sabihin na 'sige tumigil ka muna'. Pero para sa aming mga estudyante, sa lahat ng aming batch, nakapagtapos na silang lahat at ako na lang ang naiwan.

Sana po mga Ma'am and Sir,  kakapalan ko na po ang mukha ko, na sana ay dahan-dahanin niyo po ang mga activities kasi hindi na po talaga kaya ng aming utak." TRANSLATED from BISAYA to TAGALOG.


Narito ang naturang bidyo: 


Reactions

Post a Comment

0 Comments