Dalawang butihin na mga anak, binilhan ang nanay nila ng regalong damit galing sa ukay! - Teachers ng Pinas
Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen matapos niyang ibahagi sa kanyang Facebook profile ang naging usapan nila ng kanyang mga batang kleyente!
May dalawang kostomer daw umano siya at tinanong niya kung ano ang bibilhin ng mga ito.
Ang sagot ng dalawang batang kostomer, tinuro nila yung damit ng mga pang-babae. At syempre napatanong ang netizen na si Sarah Alexandrea Daculap, kung para kanino daw ang damit na bibilhin nila?
Ika naman ng dalawang binatang kostomer, "para po sa nanay namin, birthday niya po kasi ngayon!".
Nagpaantig ang kwento na ito sa mga netizens kung kaya't ito ay nagresulta sa pag-viral ng naturang post ni Sarah.
Narito naman ang kabuoang kwento:
"Good morning everyjuan!
Nakakatuwa yong umaga ko! Habang nag aantay ng customer may dalawang batang lalaki na pumasok sa store nmin, tapos napansin ko sa mga dmit pambabae sila pumipili, so nag taka ako😂
Me :Mga kuya ano hanap nyo?😂
Sila: Sabay turo nya sa dmit pambabae!
Me: Para kanino? 😅
Sila: Para po sa mama namin! Birthday nya po ksi ngayon😍
Nakakatuwa! Apaka sweet na mga anak😍"
Alam natin na mahirap ang buhay ngayong pandemya at karamihan sa atin ay nagsusumikap para makabili lang ng pagkain. Nakakamangha lang na ang mga batang ito ay nagawa pa rin nilang gawan ng paraan para lang makapagbigay ng munting regalo sa kanilang nanay!
Ikaw, kapatid? Anong masasabi mo dito sa article na ito?
/via Teachers ng Pinas
0 Comments